Elijah
" Not yet..." Magkadikit pa din kaming dalawa ni joy sa mga oras na ito.
Kinakabahan na ako sa mga kinikilos at mga titig niya sa akin.
" Ba- baka inaantay na tayo nina tita sa baba, ta- tara na?" Nangiwi kong sabi sa kaniya.
Hindi siya sa mukha ko ngayon nakatingin, kundi sa labi ko. Ilang segundo lang ay hinawakan nang daliri niya ang labi ko.
" Ikaw na Lang kaya ang kainin ko?" Nangaakit na Sabi ni joy na ikinalaki nang mga mata ko.
" Jo- joy, kumakain ka nang tao?" Aswang ba siya? Kinilabutan ako sa sinabi niya kanina.
Nakita ko naman na sinamaan niya ako nang tingin.
" You know what? Your so slow.." naiirita niyang sabi.
Ako? Slow? Huh?
Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Paano naman ako naging mabagal?
" Well, nevermind... " Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak sa higaan ko at napahiga ako.
" Jo-joy.." walang ano ano'y umupo siya sa tiyan ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko.
Anong bang?
" Alam mo matagal ko nang gustong gawin natin ito.." nakunot noo naman ako sa sinabi niya.
" Huh?" Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
" Hhmmm.." ungol niya habang hinahalikan ako.
Unti unti ko naman nararamdaman ang katawan niya sa katawan ko, nakapatong na siya ngayon sa akin. Habang hinahalikan niya ako ay hindi ko na mapigilan na hindi gumati nang halik sa kaniya.
Kapwa kaming naglalaban sa halikan naming dalawa.
" Hmmmm .." ungol ko nang maipasok niya ang dila niya sa akin.
Mapusok na ang mga halik niya na tipong sabik na sabik. Hindi ko alam pero sa tuwing malapit siya sa akin ay may iba akong nararamdaman, sa tuwing hahawakan at hahalikan niya ako may kiliti akong nararamdaman sa puso ko.
Ilang sandali lang ay nawalan na kaming nang hininga kaya napalayo siya sa akin.
Kapwa kaming naghahabol nang hininga dahil sa mapusok na halik na iyon.
" Jo-joy ba- baba na tayo?" Baka magalit na sa amin si tita dahil pinaghihintay namin ang pagkain.
" But I want more.." pagsusumamo niyang sabi.
Napalunok naman ako. Kahit ako gusto ko pa, pero kailangan na talaga naming bumaba.
" Baka magalit na si tita sa baba.." nakapatong pa din siya sa akin at nakaharap ang mukha niya sa mukha ko, isang hibla lang ang pagitan naming dalawa.
" Dapat pala hindi na kita pinauwi eh di sana..." Bulong niya na narinig ko.
" Bakit naman?" Tanong ko.
" Hmp! " Umiwas siya nang tingin sa akin at umalis na sa ibabaw ko.
Galit ba siya?
" Let's go baka magalit na iyong tita mo.." naguluhan ako sa ikinikilos niya ngayon, kanina ang lambing nang boses niya pero ngayon parang galit siya.