ElijahWow! Ang ganda pala nang manila? Grabe naglalakihan ang mga gusali at maraming sasakyan sa kalasada, lalong lalo na ang dami ng mga tao dito kumpara sa probinsya. Ito ang unang beses na nakarating ako dito hindi ko inaasan na ganito ito kaganda.
Masaya lang akong naglalakad habang pinagmamasdan ang palagid, para akong tanga na ngiti ng ngiti habang naglalakad hihihi.
Oo nga pala! Dapat makahanap na ako ng trabaho para naman hindi ako gutumin dito at kailangan ko ding maghanap ng matitirahan ko. Hmmm, saan kaya ako magsisimula sa paghahanap?
Lakad
Lakad
Lakad
Nakakapagod naman maghanap ng trabaho dito lahat sila hindi nangangailangan, hay mukhang mahihirapan ako nito ah? Nakaupo lang ako ngayon sa isang upuan dito malapit sa isang karinderya. Napahawak naman ako sa tiyan ko, Nako naman nagugutom na ako.
Tiningnan ko ang loob ng karinderya saglit at napagpasyahan kong pumasok para makakain.
" Ahm, magkano ho ang ulam at kanin dito?" Tiningnan ko ang babaeng busy sa paghahalo ng ulam.
Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako.
" Ang cute niya.." Rinig ko sa sinabi ni ate.
Napatingin Lang ako sa kaniya.
" Magkano ang kanin at ulam niyo dito?" Tanong ko ulit.
Nakatulala siyang nakatingin sa akin kinaway ko ang kamay ko sa harap niya.
" Ah-ahm, libr- este fifty pesos lang..." Nakangiti nitong sagot.
" Sige kakain ako.." ngiti ko pa.
Nakita ko naman siyang namula, anong nangyari don?
Habang nilalagyan nito ang Plato ko ng pagkain ay panay ang tingin nito sa akin na ikinataka ko. May dumi ba ako sa mukha? Hinawakan ko ang mukha ko baka kasi may Kung ano sa mukha ko kaya niya ako tinitigan. Nang matapos ito ay binigay na niya sa akin ang pagkain ko.
Naghanap na ako nang bakanteng upuan para makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ko.
Unang subo ay napangiti ako dahil ang sarap nang ulam nila dito samahan mo pa ng kanin tapos higop ng mainit na sabaw, ang saraaaap.
Nakangiti lang ako habang kumakain.
" Ano iyong kinakain niya? Mukhang masarap eh? Tingnan mo nga.."
" Ang cute niya noh? Hihihi.."
" Dali picturan mo.."
" Ate! Dito na lang tayo kumain mukhang masarap ang pagkain dito."
Ang ingay naman sa paligid ano ba iyan? Ayoko pa naman na nagiingay habang kumakain ako eh. Tumingin ako sa paligid, dumadami na pala ang tao dito mas mabuting bilisan ko na..
Agad ko nang tinapos ang pagkain ko at magbabayad na ako dun sa babae kanina.
" Ahm, ate..." Tawag pansin ko.
" Ano iyon?" Papikit-pikit pa ito ng mata na ikinataka ko, Kakaiba pala ang mga babae dito sa manila.
Nagkibit balikat na lang ako.
" Magbabayad na ako ng kinain ko ate.." iaabot ko na sana ang bayad ko nang,
" Naku! Huwag kanang magbayad.." huh?