Trixie
" Such a cutie.." napairap na lang ako sa sinabing iyon ni Zoe.
" Bakit ngayon ko lang siya nakita dito sa cafe mo?" Humarap siya sa akin at umupo sa tapat ko.
" Bagong barista ko siya dito..last week ko lang hinire.." kaswal na sabi ko.
" Fired na agad yung lalaking barista mo? Ang bilis ah?" Napasandal ako sa swivel chair ko.
" He's being unprofessional Zoe, alam mong ayaw ko non..palagi siyang late kaya I had to fire him, luckily na nakahanap agad ako ng ipapalit sa kaniya.." lucky me.
" So ano bang pinunta mo dito?" Ngumiti siya sa akin.
" Can we go out tonight?" I knew it.
" No I'm busy sila Ava na lang ang ayain mo marami akong trabaho ngayon.." she pout.
Eeww.
" Huwag mo ngang gawin iyan hindi bagay sayo.." irap ko dito.
" Urg! Pati ba naman ikaw? Ayokong kasama iyon eh, lagi na lang akong inaasar noon ni Ava eh kaya nga ikaw ang inaya ko eh.." napabuntong hininga na lang ako.
" Sorry to say but I'm not free tonight Zoe..." Bagsak ang balikat niya.
" Maybe next time.." wala na siyang nagawa kaya lumabas na kami sa office para ihatid ko siya sa labas.
Napanganga ako ng makita kong ang daming tao paglabas pa lang namin sa office ko.
" Wow! Ang dami ng customer niyo ngayon ah?" Yeah ang dami nga.
Ngayon lang dumami ang mga customers namin dito sa cafe himala. Tiningnan ko ang buong paligid dahil halos mapuno na kami dito sa loob.
" Parang alam ko na kung bakit dagsa kayo ngayon girl.." napakunot noo naman ako sa kaniya.
Nakita kong nakatitig si Zoe sa mga employee ko, wait in one particular person lang pala. Elijah.
" Kaya na naman pala.." usal ni Zoe.
" What do you mean?" Tumingin siya sa akin.
" Sa palagay ko kasi ang employee mo ang pinunta nga mga ito, tingnan mo oh...halos matunaw na si cutie sa pagtitig ng lahat ng babae dito.." tiningnan ko ang paligid.
Puno nga kami, halos mga babae ang customers namin mga student's pa iyong iba. I also notice na halos lahat sila ay nakatingin sa nakangiting employee Kong si Elijah.
" Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya girl..tingnan mo oh" tumingin ako sa gawi ni Elijah.
" She's so refreshing to look at...nakakagood vibes yung mga ngiti niya.."
Yeah...wait what?
" Hay Zoe, umuwi ka na lang sa inyo.." tulak ko pa sa kaniya palabas.
" Ito naman.." naglakad na kami palabas.
" Shooo! Si Isabella na lang ayain mo.." panigurado sasamahan siya non.
" Right.. susubukan ko, ge bye na!" Kaway niya pa at saka sumakay sa kotse niya.
Pumasok na ako sa loob at pinagmasdan ang mga customers namin.
" Ang cute niya noh? Hihihi at saka ang bait pa.."
" Tama ka diyan besh..dito na ako lagi magco-coffee para lagi ko siyang nakikita.."
" She smiles like an angel right?"