Elijah
Paano ba ito? Nagugulahan ako sa makinang kaharap ko ngayon, ang sabi sa akin ni Jamie na ito daw ang gamitin ko para gumawa ng kape eh hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang eh ilagay sa tasa ang kape at asukal tapos sabay halo.
" Oh bakit wala pa iyong kape?" Takang tanong ni Jamie.
" Ah, eh..." Napakamot ako sa ulo ko.
Nakataas ang dalawa niyang kilay.
" Huwag mong sabihin na hindi ka talaga isang barista?" Napangiwi ako.
" Patay tayo nito kay ma'am Trixie! Hindi ka pala barista pero nagaaply ka?!" Napahawak siya sa kaniyang sentido.
" Eh sa palagay ko Kasi na madali lang...magtitimpla lang ng kape diba?" Iyon naman iyon diba?
" Paano na iyan? Lagot tayo nito..mayamaya lang dadating na iyon, lagot ka kapag nalaman niyang nagsinungaling ka sa kaniya na Isa kang barista.." kinabahan na ako doon.
" Marunong naman akong magagawa ng kape eh...ang kaso lang hindi ko alam ang paggamit non oh?" Turo ko sa makinang gumagawa ng kape.
Mano mano kasi ang alam ko.
" Okay, okay, ganito na lang-"
" Coffee latte nga.." may customer na dumating sa harap namin.
Nagkatitigan kami ni Jamie.
" Ganito gagawa ako.." sabi ko kay jamie.
" Teka! Alam mo bang gumawa ng coffee latte?" Napakunot noo naman ako.
" Meron kaba diyang instructions kung paano ko gagawin?" Tanong ko.
" Sa internet meron.." Sagot niya.
" Sige ikaw na maghanap at titingnan ko ang makakaya ko.." bumalik na ako sa pwesto ko para ayusin ang mga gagamitin ko.
" Ito oh.." bigay niya sa akin ng cellphone niya.
Binasa ko ang nakasulat. How to make a coffee blah blah blah...
Binasa ko lahat ng nakasaad at binasa ito ng maigi at sinunod ang instructions na nakasulat dito...aha..ilagay ito, ilagay iyan, halo at halo pa..
Inabot ako ng ilang minuto bago matapos ang isang kape lang...
" Ito na.." ngiting bigay ko Kay Jamie ng tasa ng kape.
" Sana magustuhan ng customer natin.." Sabi ni Jamie.
Kinuha niya ito at naglakad na sa table ng customer namin. Pagkalapag niya ay umalis na agad siya at bumalik sa pwesto niya dito sa counter.
Pinagmasdan lang naming dalawa ang babaeng customer namin, nagbabasa pa ito ng libro at hindi pa iniinom ang kape niya mayamaya lang ay hinawakan na niya ang tasa niya at iinumin na niya ang kape. At kami ay naghihintay ng reaction ng babae sa tinimpla kong kape, napangiwi ako ng humigop siya.
Sana magustuhan niya...
" Nagustohan yata niya Eli!" Tumingin sa akin si Jamie.
Nakita ko naman ang babaeng customer namin na patuloy lang sa paginom nito sa kapeng ginawa ko, nakahinga ako ng malalim dahil doon hay..buti na Lang..
Pagkatapos namin pagmasdan ang babae ay balik na ulit kami sa trabaho dahil dumadami na ang tao dito sa cafe.
Busy lang ako sa paggawa ng kape ng tawagin ako ni jamie.