Chapter Twenty

9.6K 279 62
                                    


Elijah



" Sigurado kana ba talaga sa desisyon mo?" tanong ni inay habang naghuhugas siya ng mga pinggan na pinagkainan namin kanina.

Tumingin ako sa kaniya.

" Opo nay... Alam ko pong masyadong maaga para sa akin ang ganitong bagay pero nay, Mahal ko po siya..." Tumigil siya sa paghuhugas at tumingin sa akin.

" Nakikita ko naman iyon anak, ang akin lang eh bakit yata nagmamadali kayo na magpakasal? Anak, hindi sa tutol ako ha pero kasi masyado kapang bata para magpakasal.." Napayuko ako.

Alam ko naman iyon mas matanda sa akin si joy ng ilang taon eh, pero hindi iyon ang basehan para hindi ko siya pakasalan.

" Bente anyos ka palang, ang gusto ko nga eh ang makabalik ka sa pagaaral mo  ng sa ganon ay maging maganda ang magiging kinabukasan mo... kaya din ako pumayag na magtrabaho ka sa syudad ay para ipagpatuloy mo ang iyong pagaaral." Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

" Nay, Hindi naman po siguro kakulangan kung hindi ako nakapagtapos sa pagaaral hindi po ba? saka-"

" Anak gusto kong maabot mo ang mga bagay na hindi ko naabot sa buhay, gusto kong umangat ka sa buhay, gusto kong makuha mo ang lahat ng nanaisin mo... gusto kong maging maayos lahat sayo." Napangiti ako.

Lahat naman ng magulang nanaisin na maging maayos at maganda ang kinabukasan nang kanilang mga anak, maswerte ako dahil ganon din ang nanay ko.

" Pwede ko naman hong gawin lahat ng iyon kahit kasal na ako hindi po ba.." ngumiti siya.

" Anak hindi madali itong papasukin mo..."

" Alam ko po... hindi madali ang papasukin ko pero kakayanin ko nay, saka nay! nandito naman po kayo diba? kung hindi ko alam ang mga bagay bagay tungkol sa pagpapakasal hihingi ako ng tulong sa inyo.." Napatawa ko siya.

" Hahaha, ikaw talagang bata ka huwag kang magalala dahil nandito lang ako para sayo.."

" Salamat nay.." niyakap ko siya nang sobrang higpit.

" Siya nga pala hanggang kailan kayo dito ng nobya mo?" pagkatapos nang yakapan namin ay bumalik na siya sa paghuhugas.

" Ahm, siguro po mga isang linggo.."

" Bakit ang bilis naman ata? masyadong madali ang isang linggo aalis na agad kayo.." Mukhang sobra akong namimiss ng nanay ko ah.

kaya ginawa ko ay niyakap ko siya sa likod habang naghubugas siya.

" Nay iyon kasi ang sabi sa akin ni joy eh, kasi madami pa daw kaming kailangang ayusin sa kasal namin kaya ayun hindi kami magtatagal dito... Pero! huwag kang magalala sasabihin kong sumama kana sa amin sa syudad para naman hindi na ako nagaalala kung anong kagalayan mo dito.." Mas mabuti kung sasama na siya sa amin pagbalik ng syudad.

" Matanong ko nga anak palagi bang ganiyan ang nobya mo?" Napakunot noo naman ako.

" Ano pong ibig niyong sabihin?"

" Iyong lagi siya ang nagdedesisyon sa inyong dalawa... " Napaisip naman ako.

hmmm, oo nga ano lagi siya ang nagdedesisyon sa aming dalawa.

" Opo nay bakit po?" Tumawa naman ng mahina si inay.

" Mukhang under kana ng magiging asawa mo anak..." under? ako? huh? hindi kaya.

" Hindi naman po ako under nay kayo talaga, sinusunod ko lang ho ang mga gusto ni joy.. Pero! hindi talaga po ako under." totoo naman iyon.

" Oh siya hindi na kung hindi.. puntahan mo na iyong nobya mo, ipasyal mo para naman hindi siya mabagot dito sa bahay ha.."

Possessive Women Series: Trixie Joy CrimsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon