Ara's POV
Kakatapos lang ng game namen against ADMU. Masakit pero okay lang. Ganyan talaga e.
Yung babae dun sa sulok nagmumukmok pa rin. Sinisisi niya yung sarili niya e. Dahil sa service error na nagawa niya kanina. Pero hindi naman namen siya sinisisi. Hindi naman maiiwasan talaga na magkaroon ng error e. Sabi niya crucial daw e, tapos nag error daw siya ang tanga-tanga niya daw.
As usual sobrang nagalit si coach. Pati ako syempre napagalitan, hindi ko daw ginagawa yung tungkulin ko as a captain.
-flashback-
Pasakay na kami ng shuttle ng tawagin ako ni coach. Lahat ng team mates ko nakasakay na ako na lang at saka si coach ang nasa baba.
"Ara!"
"Yes po coach?"
"Halika dito at kakausapin kita."
Lumapit na ko sa kanya. "Ano po yun?" Tanong ko habang ipinamulsa ko sa jacket ko ung dalawang kamay ko.
"About Yeye kasi." Sabay tingin sa shuttle na sinundan ko din kung ano yung tinitignan niya si yeye yun. "Kanina pa siyang umaga ganyan. Parang wala sa sarili. May problema ba siya?" Balik tingi sa akin ni coach habang hinihimas yung baba niya kasabay ng pag-nguya sa bubble gum niya.
"Hindi ko din alam coach e. I haven't talked to her since morning coach e." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Actually hindi ko pa talaga siya nakakausap. Kasi yung aura niya pag kagising iba e. Para bang may bumabagabag sa isip niya. Na hindi ko mawari, ayoko ng alamin. Nakakatakot siyang kausapin. Parang kakainin ka ng buhay once na kinausap mo siya.
"Hindi pwede yang ganyan Ara e! Today! Later! Yung laban naten against ateneo tapos ganyan siya?? Hindi pwede yan! Alam niyo naman na yung mga problema dapat iniiwan yan. Hindi dinadala palage! Baka mamaya makaapekto yan sa laro niya! Umakyat ka na dun at kausapin mo siya!" Hindi na naiwasan ni coach na taasan ang boses niya. Sh*t nakakatakot kaya agad ko siyang sinunod.
Pagpasok ko sa shuttle agad na hinanap ng mata ko si mika.
Natagpuan ko siya sa bandang dulo ng shuttle. Na may nakapasak na earphones sa tenga niya at nakasandal yung ulo niya sa bintana at parang nakatulala sa kawalan.
Nilapitan ko na siya at umupo na ko sa tabi niya. "Ye" tawag ko sa kanya. Ni hindi man lang gumalaw or kahit ano. Naalala ko naka earphones nga pala siya shet tanga ko hahaha.
"Yeye!" Kinalabit ko na siya para sure na mapapansin niya ko.
Pagkakalabit ko gulat na gulat siya, halatang wala talaga siya sa sarili tulad ng sabi ni coach.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko
"Ha? Ako? Oo o--okay lang ako!" Nakangiting sagot niya saka nagthumbs up saka ibinalik ulit yung tingin niya sa labas ng bintana.
Nagstart na yung shuttle na umandar. This is it. Pero paano tong si mika, okay lang 'daw' siya eh. Pero hindi ako naniniwala, i know her too well para maniwala.
-end of flashback-
Nilapitan ko na siya at hinawakan sa shoulder.
"Daks okay lang yan, hindi mo kasalanan." Pang-aalo ko sa kanya, totoo naman eh. Totoo naman na hindi niya kasalanan, ako talaga yung may kasalanan. Hindi ko nagawa yung responsibility ko as a captain. Natalo kami dahil saken.
"Daaks." Lumingon siya saken na halatang nagpipigil ng luha. "Da--daks!" Tawag niya ulit saken. This time humihikbi na siya kaya niyakap ko na siya. Hindi ko kayang nakikita siya na umiiyak ng ganyan.