Mika's POV
"Tita okay na po ba?" Sent.
Tinext ko yung tita ni ara. Tinanong ko kung okay na ba yung lahat.
Dapat sila lang may surprise eh. Eh di ko natiis na sabihin sa kanila na isama nila ko hahaha. Kasi i really want to surprise her too tho hehe.
"Malapit na Mika. Wait ka lang jan." Reply ni Tita.
"Sige po Tita. Don't forget to text me na lang po. Thanks po :))" sent.
Saka ko sumubo ulit ng donut na suhol este dala ni Bangnita samen.
Teka ang paet -__- .
Ayy ako lang pala yun. Bitter amp LOL.
"Kimmmy nagtext Tita ni Vic. Tulungan daw naten sila, mapapunta si Vic dun sa bahay nila."
"Paano ba? Bakit papapuntahin si Vic dun?"
"Abay may surprise ata? Malamang birthday nung tao eh. Gusto nilang makasama yun syempre." Sarcastic kong sagot.
"Hayy mika sabihin mo na lang kung paano. Wag ng ibully si Kimmy." Pagtanggol naman ni Cienne kay Kim. Saka pabagsak na umupo sa tabi ko.
"Ganito na lang ---"
At sinabi ko na nga na sabihin na lang kunyari na dumating yung family niya then, kunyari natagalan kaya umalis. Tapos pinapasunod na lang siya dun sa bahay nila sa quirino.
"Sige tatawagin ko na."
Kakatakok na sana ko sa pintuan ng may marinig ako na di kanais nais na tunog.
No way. No no way. Kaya agad akong kumatok.
*tok tok*
Umabot pa ng 1minuto bago nagsalita yung tao sa loob.
"Pasok!" Rinig kong sabi ni Vic.
Binuksan ko yung pinto pero di na ko nag abalang pumasok. Sumilip lang ako.
"Vic anjan yung family mo sa baba."
Saka ko sinarado agad.
Sakto naman tumunog yung cellphone ko.
"Okay na lahat Mika. Pwede ka ng pumunta."
Kaya binilisan ko yung pagbaba.
"San ka pupunta wafs?" Tanong ni Kim.
"Ah nagtext kasi si Kiefer eh. Sige na byebye." Nagpaalam na agad ako. Mahirap na pag naunahan pa ko ni Vic dun. Dadaan pa naman muna ko sa bakeshop.
Sila ng bahala lumusot dun hahaha.
------
"Thanks po ulit ah. Pinayagan niyo po akong makisali sa famoly gathering niyo hehe." Kamot ulo kong sabi sa tita ni Vic na ngayon katabi ko sa sofa.
"Wala yun hija. Mas bet ka pa nga namen kesa kay Bang eh." Natatawa-tawang sabi ni Tita.
"Ano ba yan sinasabi niyo Tita eh." Nahihiya kong sabi.
Di ko maitatanggi nagblush ako sa sinabi niyang yun ah. Enebeh nekekeheye.
"Sana nga Mika. Di niya isama yun eh. Nako namimihasa na yun lagi na lang kasama sa family gatherings hahaha." Seryosong sabi ni Tita, pero nahhalata mong nagpipigil lang siya ng tawa.
Poor Bang hindi boto si Tita sa kanya buti nga. beng beng ke ngeyen.
"Kayo talaga Tita palabiro kayo. Alam ko na kung san nagmana si Vic ng kalokohan hahaha. Jk lang Tita." Akbay ko sa kanya.