Mika's POV
"Ah okay sige text me na lang later bf! Okay bye bye."
Andito ko ngayon sa sala mag-isa grabe. Pinagkaisahan ata ko ng mga tao dito sa dorm eh. Sabay-sabay ba naman umalis. Ang masaklap pa wala man lang ni-isa sa kanila ang nag-aya saken hayy.
Buti na lang tumawag si Bf, inaya akong mag moa. Malapit na daw kasi exam week kaya magbreak daw muna bago maghell week kaya MOA daw. Hmm as usual, sarap muna bago hirap. Kaya di ko na tinanggihan wala naman akong gagawin today eh.
Grabe borringgg tagal naman ni Bf huhu -__- .
Si Bang. Si Bang kanina sinundo si Ara.
Wala kang pake Ye wala okay?
San kaya sila magpupunta? Bakit di ka man lang nila nagawang ayain.
Hayaan mo sila Ye. Buhay nila yun.
Baka mamaya kung anong gawin ni Bang dun kay Ara.
Ano naman buhay nila yun wala kang pake Yeye. Ilang beses ba ha?
Nakita mo naman kanina yung mga tinginan ni Bang kay Ara diba? Halatang patay na patay.
*riing ring*
Wala na kong pake. Ayaw niya saken? Ayoko ko rin sa kanya. Saka may Kiefer na ko ngayon, ang kailangan ko lang matutunan siyang mahalin.
*riing riiing*
Seryoso Mika Reyes mahal ko o mahal ako ang peg? Hindi naman natuturuan ang puso eh.
*riing riing*
Hangga't kayang kong turuan, tuturuan ko.
*riing riiiing*
"Ay kabayo!"
"Hello bf?"
"Hello bf your face Mika Reyes! Kanina pa ko tumatawag sayo!"
"Sorry naman bf!" Saka ko nagpout.
"Che! Malapit na ko, lumabas ka na jan! Ayan na paliko na ko!"
"Hala seryoso? Di pa nga ko nakakabihis eh." reklamo ko, excited naman kasi e.
"Hala seryoso ka rin?! Dali na't magbihis ka na. Ayokong mag-antay ng matagal!"