Ara's POV
Natagpuan ko na lang yung sarili ko na nalulunod na sa luha dahil sa sobrang iyak.
Sobrang sakit pala, ang sakit.
Teka Ara bakit ka nasasaktan ngayon? Ikaw naman may gusto nyan diba ??
Diba ikaw naman unang nanakit sa kanya ?
Nasabunutan ko na lang yung buhok ko sa inis sa sarili ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Pero tila tuyo na yung lalamunan ko sa kakaiyak.
Bakit ba kasi di ko magawang maging selfish pagdating sa pagmamahal ? Bakit ba di ko magawang tanggapin na lang kung ano yung dinidikta ng puso ko ? Bakit madalas nauuna pa ang utak ko sa puso ko ?
Hindi ko tuloy magawang maging masaya. Gusto kong maging selfish, pero di ko magawa pag dating kay Mika. Masaktan ng lahat wag lang siya.
*riiing riiing*
Tinignan ko agad yung phone ko kung sino ang tumatawag.
Si Bang.
Huminga muna ko ng malalim, bago ko sinagot yung tawag.
-"Hey Ara" panimula niya.
"Ah ehem, hello?" sagot ko.
-"Di ka ba busy ngayon?"
"Ah hindi naman"
-"Ahm kasi ano... Nag-aya yung friend ko na mag movie. Ahm kasi, tatanungin sana kita kung ano ahm. Kung gusto mong sumama." parang nahihiya niyang tanong.
Nailing na lang ako habang nakangiti. Marunong pala siyang mahiya
-"Hello idol anjan ka pa ba ?" Dagdag pa niya.
"Yah yah hehe, im still here. Ano... Sige G ako."
Nahiya na kong tumanggi. Saka nasabi ko na hindi ako busy eh. At siguro way na rin to para makalimot kahit saglit lang.
"Ah teka san ba?" Dagdag ko.
-"Ah sa moa" agad naman niyang sagot
"Ah sige. I'll see you there." Sabi ko naman.
-"Nope nope i'll pick you guys there na lang."
"Guys??" Tanong ko.
-"yep guys, i texted kim na rin kasi. Baka kasi mamaya magtampo na yun kung tayo lang ulit lalakad.hehe"