Ara's POV
Nasa MOA kami ngayon nagliliwaliw lang.
"Wafs, tinext ko si Bang!" Sabi niya out of nowhere.
Bigla na lang ako napahinto sa paglalakad ng magsink in sa utak ko yung sinabi niya.
Ha wait? Anong sabi niya? sino tinext niya?
"Ha bakit?"reklamo ko with hand gesture pa.
"Ha bakit ka jan! This is for the best wafs." Sabay hagod niya sa braso ko.
Magrereklamo pa sana ko pero,
"Hep, i know i know." Umiiling siya, saka tinukod yung siko sa railings kaya sumunod na rin ako.
Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Parehas naming tinitignan ang mga bawat taong dumadaan sa mall.
"Yep wafs, all this time." Saka niya ko inakbayan. "Alam ko na matagal na. Na meron namamagitan sa inyong dalawa ni Mika."
"Pa--paano?"
"Wafs, pareho ko kayong kaibigan kaya alam ko kung anong laman ng utak niyo kahit di niyo man sabihin. At ayan wafs" sabay duro sa left chest ko. "halatang-halata sa mukha mo kapag nagwawala na yan, kaya don't you dare na magsinungaling pa. At kay Mika ganun din. Saka nakita ko kayo." Inalis niya yung braso niyang nasa balikat ko at tinanaw ulit yung mga taong naglalakad.
"Teka what do you mean? I mean ano. Um anong nakita mo. Ano saan?"
"Tsk.Tsk. Vic will be Vic talaga hahaha." Iiling-iling pa siya.
"Teka wafsss" ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya. "arayyy!!" agad ko din inalis. Aba ang loko pinalo ba naman ng pagkalakas lakas ang kamay ko. "Loko ka!! Ang sakit." Saka ko hinimas yung namumulang back of my hand ko.
"Sorry hahaha. Nadala lang ako ng emosyon ko."
"Ano ba kasi talaga yung nakita mo?!"
"Yung sa seaside Vic. Yung kayong dalawa lang ni Mika."
"Te--teka bakit andun ka?"
"Di na mahalaga Vic kung bakit andun. Saka, bakit kayo lang ba pwedeng nandun at pwedeng maglampungan sa seaside?! Aba hindi naman pwede yun. Vic bakit niyo nagawa yun? Bakit niyo ginawa sa public? Baki--"
"Parehas lang kaming nadala ng feelings namen wafs. Sorry alam kong t'was a wrong move a very very wrong move. Di ako makapag-isip ng tama nun. Kung alam mo lang."
"Kung alam ko lang ano?"
"Nung gabing yun, nagtapat si Mika na may feelings siya saken. At sinabi ko rin naman sa kanya na ganun din ang nararamdaman ko towards her. Pero--
"Pero ano??" Kinabig niya ko sa balikat at iniharap sa kanya.
"Teka ano ba ? Hayaan mo muna kong magkwento oh."
"Eh ah. Sorry sige go on."
"Pero wafs i rejected her. Sinabi ko na hindi tama, na hindi kami pwede. Na mali ang lahat. Araaayyyy!!"
"Tanga!" Sabay batok saken. "Bakit mo naman sinabi yun?"
"Alam kong ayun yung tama, tama para sa kanya."
"Bakit tinanong mo ba siya?"
"Hindi wafs. Narinig ko. Narinig ko mula sa mama niya. Na handa siya nitong itakwil as her daughter kung papasok siya sa katulad ng relasyon niyo ni Fo. Sa nakagawian na nating relasyon with the same sex. Plus wafs bawal diba? Bawal na bawal sa team ang magkaron ng relasyon sa co-teammate? Kaya ayun."
"Di mo man lang sinabi sa kanya yung about dun sa narinig mo na sinabi ni tita bhaby?"
"Di na. Wala na rin namang sense. Andito na to eh. Plus she has Kiefer na. At kitang-kita naman kung gaano sila imlove sa isa't-isa. At ayoko ng makagulo pa."
"Tanga ka talaga kahit kelan eh. Di mo man lang ba naisip na kaya niya nagawang sagutin si Kiefer dahil sa nagawa mong pananakit sa kanya?"
"Wafs. Text mo ulit si Bang pakisabi wag ng tumuloy, wG na siyang mag-abalang puntahan tayo dito. Dahil gusto ko ng umuwi. Pagod na ko saka to pagod na pagod na." Itunuro ko yung left chest ko.
"Hindi man lang ba tayo kakaen?"
"Hindi na, dun na sa dorm." Nauna na kong maglakad sa kanya.
--------
"Kumusta na kayo dito? Kumusta na trainings niyo mga hija?"
Teka kilala ko yung boses na yun. Kilalang-kilala.
"Titaaa!" At ayun si Wafs nauna ng makapasok sa loob at naiwan ako dito sa tapat ng pinto.
Lumapit siya dito saka nagmano.
"Buti na lang Tita may dala kang pagkaen. Ito kasing si Vic matapos akong ayain sa mall, di man lang ako pinakaen huhu."
"Oh Ara. Long time no see. Halika na't kumaen na kayo nitong dala ko. At makapagkwentuhan na rin habang inaantay natin si Mika at Kiefer. Nabanggit na nila" referring to Cienne and company. "na magkasama sila 'nagdate' daw. Good for her." Kailangan ba yun Tita dinidiin mabuti ung word na 'nagdate'? Tsk. Wala akong pake.
"Akyat po muna ko Tita, sila Wafs po muna yang kausapin niyo. Di pa rin po kasi maganda pakiramdam ko eh. Sige po."
Dumirecho na ko sa hagdan at hindi na muli pa silang nilingon.
---
Nagising na lang ako ng may narinig akong nag-uusap dito mismo sa room namin ni Mika. Pero hindi ako nagpahalata na gising na ko. Sa pangalawan pagkakataon maririnig ko na naman silang magusap na silan dalawa lang.
"Ma ginawa ko na. Sinagot ko na siya. Ayan naman gusto niyo diba?"
"Oo tama yan Mika. Tama yan desisyon na ginawa mo. Na pumasok sa isang normal na relasyon. Pero--"
"Pero ano Ma?"
"Pero bakit magkaroom pa kayo? Hindi ko naman ata nakalimutan na ipaalala sayo na dapat layuan mo na siya diba?"
"Ma stop this non sense. Unang una di ko siya lalayuan dahil mahalaga siya saken at kaibigan ko siya, pangalawa hindi ko kontrol o kahit sino man samin dito kung sino ang magkakasama sa isang room."
"Tingin mo Mika, gugustuhin ko pa kayong makita na magkausap at magkasama after kong makita yung picture na yun?! At kelan ka pa natuto na sagutin ako ha?! Tinuro din ba niya yan sayo?"
Kahit hindi ko nakikita, alam ko na masama at nagaalab ang mga mata ni Tita Bhaby na nakatingin sa aken.
"Ma! Im so-- Vic!!"
Hindi ko na kaya pang pakinggan yung buong usapan nila kaya tumayo na ko at tumakbo palabas.
---------
Lamee. Hahaha.
Grabe di talaga ko yung author na nagsusulat ng draft or anything ek ek. Basta kung ano na lang pumasok sulat na lang agad. Kaya walang edit2 yan eh hahaha. Bear w it na lang hihi. Thanks ulet.
Comment/Vote