Ara's POV
Lumipas ang ilang linggo na parang pagtravel lang ng light. Napakabilis.
Andito ko ngayon. Inaantay si Bang sa isang teashop.
Tatanungin ko na siya kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend.
Yep you read it right lol. Simula nung gabing yun napag-pasyahan ko siyang ligawan.
--flashback--
"Oh wafs gising ka na pala tar-- oy san ka pupunta?" Narinig kong sabi ni wafs na nagaayos ng hapag.
Pero dere-derecho ako na lumabas ng dorm.
Di nila pwedeng makita yung mata kong nahihilam na sa luha.
Dali-dali akong lumabas at dumerecho sa punakamalapit na tindahan.
"Isa nga pong Black, marlboro black po." Sabi ko ng di ko man lang nililingon yung tindera.
Nako hindi na no. Ayokong may makakita saken na umiiyak.
"Eto po." Abot niya saken.
"Peram po ng lighter." Saka niya inaabot din yung lighter.
Nagsmoke talaga ko pag nastress ako. Di ko alam kung bakit, peronakagawian ko ng gawin itong yosi na stress reliever.
Naupo ako sa sidewalk at humithit sa yosi at saka naglabas ng malaking amount ng hangin(lol bumuntong hininga). Saka pinunasan yung natitirang luha sa mga mata ko.
"Oh bakit ka nagyoyosi?"
"Ay kabayo!"
Tae nakakagulat naman tong fajardo na to.
"Ah wala, stress lang."
"Ah okay. Sige. Bakit ka na lang nagmamadaling lumabas ng dorm at di man lang namansin kanina?" Tumabi siya saken.
"Wala lang."
"Okay wala lang. Sige jan ka na, alam ko naman na hindi mo kailangan ng kausap eh."
Tatayo na sana siya ng hawakan ko siya sa laylayan ng damit niya.
"Hindi wafs dito ka lang." Pigil ko sa kanya.
"Ok sige. Spill it."
"Narinig ko kasing naguusap si Mika saka Mama niya kanina."
"Really Vic hobby mo yan? Ang makinig sa usapan nilang mag-ina?"
"Seryoso tayo dito Wafs eh."
"Ay sige sorry haha, go on."
"Ayun narinig kong pinagagalitan si Mika, kasi magkaroom daw kami. Tapos saken sinisisi kung bakit ganun si Mika ngayon." Huminto ako saka ulit humithit sa yosi. "Haaaaa," buga ko sa usok. "hindi ko alam kung bakit ako yung sinisisi eh. Hindi ko alam kung bakit galit na galit saken yung mama niya eh. Ano ba nagawa ko?"
"Hindi ko rin alam wafs, wala kong idea. Nginitian ka panga niya kanina diba?"
"Inano ko ba siya? Hindi ko na alam eh. Ang bait bait ko sa kanya. Ginagalang ko naman siya bakit parang ayaw na ayaw niya saken. At ang masaklap pa pinalalayo niya si Mika saken.."
"Wafs, mabuti na siguro yun. Ikabubuti niyo parehas ni Yeye yun. Hindi na siya pagagalitan at hindi rin magagalit sayo si Tita." Hagod niya sa likod ko.