Naynth

1K 25 3
                                    

Mika's POV

"Ah guys kami na pala ni Kiefer" saka ko itanaas yung kamay naming magkahawak.

"Woow for real guys?" Si cienne na naka-nganga pa.

"Really ciennang? Kakasabi lang nila. Kailangan pa bang ulitin ni Yeye?" Nakangiting sabi ni Kim. Na iiling-iling pa.

Nandito kami ngayon sa sala.

Bale ang pwesto magkatabi kami ni Kiefer sa malaking set then yung kambal sa isa tas sa kabila naman si kimmy. Bale nasa gitna kami nila.

Muli akong sumulyap kung saan kanina na katayo si Daks.

"Ye umakyat na, wala yun sa mood kanina pa" sabi ni Camille out of nowhere. saka nagkibit balikat.

"Ah" un na lamang ang nasabi ko.

Simula pa kaninang umaga sira na agad araw ko eh. Una nalaman kong magkasama si Vic and Bang. Pangalawa ang confrontation namin ni Vic, na dapat malalaman ko na kung anong reason niya, pero sa kasawiang palad di na tuloy dahil kay Bang pa rin. Yung huli ayoko ng imention pa.

Masakit! Napaka-saklap lang ng dahil dun nandito na kami ni Kiefer, na kami na. At wala na kong magawang iba, ni wala na kong choice. Kapag di ko ginawa ang pagsagot kay Kiefer, hayy kakalat yung pictures namin ni Daks. At ayokong mangyari yun, paano na lang yung image na pinapangalagaan ni Mama para saken. Ayokong itakwil niya ko. I need to be the best-est daughter for her. Gusto ko siyang maging proud saken, katulad ng sinabi ko dati. Never! Never siyang naging proud saken. Never niya kong ipinagmalaki na anak niya. Kahit naman lahat nagawa ko na. Ang pasukin ang paglalaro ng volleyball kahit ayoko naman talaga. Si mama, siya talaga dahilan kung nasaan ako ngayon siya lahat nagtulak sakin na gawin ang lahat ng bagay, kahit sarili ko tumatanggi na gawin lahat ng bagay na yun. Pero nagawa ko pa rin. Para lang maging proud siya saken.

Tulad ngayon, nang sumikat ako dahil sa pagvovolleyball. Hindi magkamayaw ang pag banggit niya saken sa mga kaibigan niya. Oo natutuwa ko minsan dahil nagagawa niya na kong maipagmalaki. Pero kapalit naman nito ay ang paghawak niya sa sarili kong buhay. Ni hindi ko magawang gawin yung mga bagay na gusto ko dahil ayaw niya.

-flashback-

Dali dali akong naligo at nagbihis.

At inayos mabuti ang sarili. tinignan ko ang namumugto kong mata sa salamin. Awang-awa na ko sa sarili ko, grabe kanina pa pagbuhos ng luha mula sa aking mga mata.

Gulong-gulo ang isip ko kung ano ng gagawinko, kung ano bang tama. Tama ba na ipaglaban ko tong samin ni daks? Pero itatakwil ako ng pamilya ko. Ayoko namang mangyari yun, masyado pa kong bata para mawalan nang pamilya na uuwian. Saka bakit pa ko lalaban kung maski si Vic di ako binigyan ng reason para ipaglaban kung anong meron kami. Ang labo-labo niya nakakainis siya.

Kaya, tama na siguro tong gagawin ko this time. Ayokong ma-disappoint saken si Mama.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon