Eyth

1.3K 19 2
                                    

Ara's POV

Nakabalik na ko sa loob ng dorm tumabi ako sa bullies na nanunuod ng tv.

"Uy vic, luma-love life tayo ah?" Sabay siko saken ni Carol.

"Love life agad? Di ba pwedeng friendship muna?" Sagot ko naman. Totoo naman kasi nakipag-usap lang at kumain kasama, love life na agad at date na agad tsk.

"Sus nako Victonara tanggi pa more. Landi mo talaga eh." Dagdag pa ni Cienne.

"Hep! Isa ka pa eh. Kelan ba ko lumandi ha?" Tanong ko sa kanila at palipat-lipat ng tingin sa kanila.

"Lage!!" sabay-sabay pa nilang sabi.

"Nako vic samen ka pa nagmalaki na hindi ka malandi HAHAHA" Si carol na halos hindi na magkamayaw sa kakatawa.

"Oo nga naman vickylou kami pa niloko mo! sa tagal na natin magkakasama eh, alangan ng hindi pa namen alam yang baho mo haha" osige dagdag pa camille.

"Tigilan niyo na nga ako, manahimik na lang kayo jan at manuod" irap ko sa kanila. Tss ako daw? malandi? Di kaya -___-.

"Eh sa malandi ka naman talaga" liningon ko kung san nagmumula yung boses, at di nga ko nagkamali si daks yung nagsalita. Na kakababa lang ng hagdanan.

"Oh ye san ka punta, mukang may date ah?" Tanong ni Cienne.

"Oo nga ye san punta mo?" Tanong ulit ni Camille.

"Ha? Ano?" Sagot niya na parang hirap na hirap pang intindihin yung tinanong ng kambal. Blanko ang mukha niyang tinignan yung kambal.

"Oh wafs san ka punta?" Tanong ni Kim na kakalalabas lang galing banyo, habang pinupunasan pa ng tuwalya ang kanyang ulo.

"Ah jan lang!" Mabilis niyang sagot, na parang kakabalik niya lang sa realidad.  Lilinga linga pa sa labas na parang may inaabangan.

Hindi pa rin maalis yung titig ko sa maganda at maamo niyang mukha. Ng tinignan ko na siya sa mata, teka bakit parang namamaga yung mata niya? Umiyak ba siya kanina? Dahil ba yun sa muntikan naming sagutan kanina?

"Ah da-daks--" di ko na natuloy ang sasabihin ko, ng nay bumusina na sasakyan sa labas.

"Ah sige guys una na ko ha?" Dali-dali na nga siyang nagpaalam at lumabas na ng pintuan.

"Kita mo yun ang labong kausap, ano bang problema nun Wafs?" Tanong ni Kim.

Pero di ko masagot dahil ako rin di ko rin naman alam kung ano bang problema ni daks. Sinundan ko lang ng tingin mula sa bintana yung kotseng sinakyan ni Daks. At hindi ako pwedeng magkamali kay Agila yung sasakyan na yun.

"Huyy!! Wafs!" Muling tawag saken ni Wafs.

"Ah-Oh Wafs bakit?" Sagot ko naman.

"Anong bakit? Eh kanina pa kita kinakausap jan. Sabi ko anong problema nun." Saka nginuso yung pinto. Kahit wala na si daks dun.

"Ha anong malay ko dun." Sagot ko naman agad.

"Oo nga vickylou anong problema nun?" Tanong pa ni Camille.

Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot.

"Eh bestfriend mo yun tapos di mo alam?" Sabat naman ni Cienne.

"Eh sa hindi ko nga alam eh may magagawa ba ko?" Tae nakakapikon naman to. Gulong gulo na nga yung isip ko eh.

Tumayo na ko at umakyat papuntang kwarto. Baka mag-away lang kami ng mga to kakakulit nila saken.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon