Ara's POV
"Oh Vic? Nasan na sila?" Tanong agad ni mama pagkapasok niya ng bahay.
"Ah. Eh. Ano. Umalis na." Plain kong sabi.
"Bakit umalis na agad?" Nag-aalalang tono niyang tanong uli habang tinitignan yung nga pagkaen na nasa lamesa.
Yung mga pizza, donut at milktea na hindi naubos. Dahil hindi na nila natapos kainin at inumin.
"Ano kasi. May pinatawag daw na ano po.. Ano po meeting po si coach, kaya kinailangan na nilang umalis."
Pagsisinungaling ko. Sana tumalab dahil kahit ako hindi maniniwala kapag ganitong tapos na season tapos magpapatawag meeting si coach haha.
"Ah ganun ba. Sayang hindi ko sila naabutan. Nakapagkwentuhan man lang sana kami." Malungkot na sabi ni mama.
"Oo nga po ma eh. Pero need na kasi talaga nila. Papuntahin ko na lang po sila ulit dito." Nakathumbs up kong sabi.
Mapapunta ko pa kaya sila. I mean siya? Si Mika..
-flashback-
"No. No. Dito ka lang. I missed you too daks." Bulong ko sa kanya matapos ko siyang hilahin.
Naramdaman ko naman na agad agad siyang yumakap pabalik. Kahit nahihirapan akong yakapin siya dahil yung kaliwa kong paa ay nananatiling nakaunat tinagalan ko pa rin dahil can't lie and i really can't deny that i missed her too.
Naputol lang ang pagyayakapan namen ng may narinig kaming tumikhim.
"Ehem!"
Naglayo agad kami ni mika at tinignan kung kaninong boses yun at di ako nagkamali ng iniisip kay Carol yun.
"Anong balak niyo? Magyakapan buong maghapon?" Taas kilay niyang tanong na halata mo rin na nagpipigil siya ng tawa, dahil ayan lumalaki na naman butas ng ilong.
"Shutup donkey!" Rinig kong sabi ng katabi ko.
Agad naman tinapik ni Camille si Carol sa hita saka parang may sinabi pero hindi ko na narinig, ang alam ko lang di na niya kami inasar at nilingon ulit.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko nilingon ko naman agad si Mika, yes si mika nga siya lang naman katabi ko shet ka naman Ara haha.
"Ano Vic.. Ahmm." Hindi siya makatingin ng derecho saken. Anong problema nito.
"Ano?" Tanong ko.
Narinig kong bumuntong hininga siya saka nagsalita.
"Pwede ba tayong mag-usap? I mean yung tayong dalawa lang?" This time nakatitig na siya saken kaya nakikita ko sa mga mata niya yung willingness niya talaga.
"Okay." Kaya ayun na lang ang nasabi ko.
"Guys mag-usap lang daw kami ni Mika. Dalawa lang daw kami hahaha. Kaya jan lang kayo. Kapag di na ko lumabas sa kwarto alam niyo na nirape na ko netong damulag na to." Natatawa kong sabi sabay tusok sa tagiliran ni Mika.
"Okaayyy sige dalian niyo lang Mika ha?! Para makausap din namen si Vic." Si Cienne.
"Sinosolo mo e." Sabay sabay nilang sabi except saken at kay mika.
"Hindii may sasabihin lang talaga ko." Pagdadahilan ni Mika.
"Okay." Sagot nila na parang hindi pa rin kumbensido.
"Sige guys dito muna kayo." Pagpapaalam ko.
"Tara." Tumayo na si Daks saka ako inalalayan na din na tumayo.