Chapter 6

24 0 0
                                    

CHAPTER 6

“ We need to go, Drex, Aedan. Babalik rin kami ni daddy” haplos ko sa kanilang lapida habang nagpapaalam.

Ang ukit ng bawat letra nito ay talagang kay gandang pagmasdan. Sumama sa ganda ng kanilang pangalan. Ngunit sa kagandahan nito, hindi ito nababagay na maiukit sa lapida lamang. This is not the dream that I want for them. At alam kong may pangarap rin sila paglaki nila. Hindi ko pa nga nalalaman kung ano 'yon, kaso inagaw na sila sa amin.

Isang magandang ngiti ang binigay ko sa kanila bago tumayo kasabay ni Aston. Nagkatinginan kami bago niya hawakan muli ang aking kamay. Kulay kahel na ang kalangitan at malapit na itong mapalitan ng itim.

Tanda ko pa noon, na kasabay ko si Drex na pinapanood ang paglubog ng araw. He always admired the color orange, kaso hindi ko na siya kasama pagmadan muli ito. He always love to see the sunset. It was so golden in our eyes.

“ We will come back again, baby” si Aston.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto rito ng magkayakap habang pinapanood ang kahel na kalangitan. At alam kong hindi lang kami ang nanonood no'n, dahil kasabay namin si Aedan at Drex na pinagmamasdan ito. I can hear the jolly voice of Drex in my head. He was so energetic like a orange. Color orange symbolize a energy at doon yata namana ni Drex iyon.

Si Aedan naman, sa kanilang dalawa ni Drex. Siya ang may pagka matahimik. Hindi din siya masigla o makulit katulad ng kaniyang kapatid. At kung buhay pa siya, nakaupo lang siya rito sa aming tabi at tahimik kaming sinasabayan sa panonood ng kalangitan.

“ Shall we go?”

Tumango lang ako kay Aston at sabay na kaming umalis sa puntod ng aming nga anak. Muli kong nilingon iyon nang humaplos sa akin ang lamig ng hangin ng panghapon. Lumawak lalo ang aking ngiti at hinayaan na yakapin ako ng lamig.

Babalik si mommy.

Ang tingin ko sa unahan ay unti unting dumapo sa magkahawak naming kamay. At doon ko pa lalong napagmasdan ang singsing na nakasuot doon. Sa pagbabalik ko ay pagbalik ng wedding ring sa aking daliri. Sinabay na niya ito sa pagdalaw namin sa aming mga anak. He always makes me surprise.

“ Sa bahay na ng parents ko tayo dumiretso. I'm sure, naroon na sila”

“ Okay, wife”

Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya narin ang nagsuot ng seat belt sa akin. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya habang siya umikot na upang makasakay sa driver seat. I can’t keep my eyes on him, he was too good to be watch all day long.

May kalayuan pa ang bahay namin kaya marami kaming time na magkwentuhan sa loob ng sasakyan. And of course, he was holding my other hands while he was driving.

“ Marami narin palang nagbago” ani ko nang mas lalo ko pang mapagmasdan ang aming nadadaanan.

“ Hmm…the government is trying their best to make our city eye catching”

Ang puno ay nadagdagan ganoon rin ang mga establisyemento. Siguro naman sa pagdagdag ng mga building ay pagdagdag rin ng mga taong nagkakaroon na ng trabaho. Because the last time that I was here, pahirapan talagang makahanap ng trabaho. Kaya naghihirap rin ang mga Pilipino.

Tumigil lamang ang sasakyan nang ma-traffic kami. Ito yata ang hindi magbabago dito sa Manila. Dahil hapon narin, marami na talagang sasakyan ang nagsisiuwian. Kaya umuusbong ang traffic ngayon.

Sinandal ko ang aking ulo sa likod ng sasakyan at tumanaw sa labas ng bintana. At sa pagtanaw kong iyon ay ang pagkakita ko sa truck na katabi namin. And some scene from the past flash in my mind.

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now