Chapter 13

14 0 0
                                    

CHAPTER 13

“ The hell?! What the two of you doing here?” Bulalas ko kay na Phoebe and Ethan.

They both holding a gift in their hands while smiling at me. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila rito. Seven hours before christmas and they are here. Standing outside of our house.

Bigla nalang may nag doorbell kaya akala ko kung sino na. Sila lang pala. Busy kaming dalawa ni Aston sa lulutuin para sa noche buena. Kami lang kasi ang narito dahil pinauwi na namin lahat ng maid before the christmas start. They should celebrate this special day with their love ones and not serving us.

“ Dito kami magpapasko. May dala naman kaming regalo” si Ethan.

My brows furrowed and my gaze are now on the gifts that they’re holding. Hindi iyon kalakihan at hindi rin iyon kaliitan. Tama lang ito to make me excited to open it.

“ Ang pagkain? Pupunta kayo dito na walang ambag na pagkain?”

I crossed my arms on my chest and raised my one eyebrow at them. Sumandal narin ako sa hamba ng pinto para magmukhang mataray. Hindi pwedeng magpapasko sila rito sa bahay na wala silang dalang pagkain. Hindi sila bago para sa akin na hahayaan na lumamon sa aming pamamahay.

“ Don’t worry, nag order na kami. Paparating na iyon dati” Si Phoebe.

She’s wearing a black skirt and red turtle neck long sleeve. Naka black boots rin siya na akala mo ay nasa ibang bansa siya. Fashionista na fashionista ang datingan.

Si Ethan naman ay simpleng red turtle neck with jacket on. Naka pants rin siya na black. Hinagod ko ng tingin ang kanilang suot at umiwas ng tingin na may ngisi sa aking labi.

“ Eh, ba’t kayo dito magpapasko?”

Iyamot na tiningnan ako ni Ethan “ Ano 'to q and a? Hindi ako nakapag ready ng sagot. Ngalay narin ako kakatayo rito”

Binato ko ng masamang tingin ang lalaki na narito. Walang hiya, ang kapal ng mukha ha!

“ Damn you Ethan, pasok ka na Phoebe. Maiwan ka rito Ethan, huwag kang papasok siraulo ka”

Ethan just chuckled at me. Hindi niya ako pinansin at nagdire- diretsyo lang siya sa pagpasok at inunahan pa si Phoebe. Ang kapal na nga ng apog nitong lalaki na 'to. I tried to stop him from going inside but unluckily, nakapasok parin siya.

“ Fuck you Ethan, nakakahiya ka” I heard Phoebe whispered.

“ Come inside” alok ko sa kaniya.

“ Kahit hindi mo naman sabihin ay papasok parin ako”

Tuluyan na siyang pumasok kaya napailing nalang ako. Walang pinagbago. Kung ano sila noong iniwan ko, ganoon parin sila nang bumalik ako.

Pumasok na ako sa bahay at nakita sila sa sala kasama si Aston. I'm sure nagulat din siya sa bisita na narito. He’s not expecting that Ethan and Phoebe will come. Hindi naman kasi namin sila inimbitahan. They have their own family kaya baka sa kanila sila magki-christmas. Iyon ang alam namin.

Aston’s parents, my parents and Cathy. Iyon lang ang inimbitahan namin para sabay sabay naming salubungin ang pasko. Hindi namin alam na may dadagdag pala. Hindi kami naging prepared para mas lalong damihan ang handa.

Mamaya pa ang dating ng pamilya namin kaya hindi pa kami masyadong nakakapag ayos. Ang ginagawa palang namin ay iyong graham, salad and the food that need to be in the fridge. Mga desserts.

“ Sinong nagsabi na invited kayo?”

Kakapasok ko palang pero parang ang sama na ng timpla ni Aston.

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now