Chapter 30

5 0 0
                                    

CHAPTER 30

Time flies so fast. The earth rotate very fast. Hindi ko namamalayan na ilang buwan na pala ang nakakalipas. Maybe, because I’m busy? Too busy to even care about the day and the hour. Napahilot ako sa aking sintido at umayos ng pagkakaupo.

Binaba ko ang papel na aking binabasa at napahikab. Tumingin ako sa aking relo at nakitang nag overtime ako. Saktong tatayo na sana ako nang umilaw ang aking cellphone mula sa text galing kay Aston.

Aston:

Where are you? Susunduin na ba kita?

Hindi na niya ako sinusundo at hinahatid pa. Napilit ko siya na kaya kong magdrive ng mag isa. Thank god that I overcome the traumatic experience I had in the past. After a minutes of arguing, napapayag ko siya. Buti na nga lang at umoo siya sa gusto ko dahil kung hindi baka maging driver ko pa siya.

Mas hassle iyon sa part niya. Kaya mas ginusto ko na ako nalang ang magda-drive ng akin. Dating gawi kumbaga.

Nasa bahay na siguro siya. Sa aming dalawa siya lagi ang nauunang umuwi. Pagdating ko ay may luto na agad na pagkain. Kung sino pa ang malaki ang resposibilidad, siya pa ang nauunang umuwi.

I sighed and massage the temple of my head again. Kung hindi lang ako sasabihan ni Sarah na overtime na ako, hindi pa ako titigil kakatrabaho. Workaholic na ba ako kung gano’n?

Me:

No, pauuwi na ako. Just wait for me.

Hindi pa nagtatagal ay nag-text na agad siya.

Aston:

I’ll wait for you, then.

Bumukas ang pinto ng aking opisina. Lumuwa ang mukha ni Sarah, naka-smile na at kita sa mukha ang paggalang. Tumayo na ako dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya. I started to clean my table and fix myself.

“ Ma’am, time n’yo na po”

Tumango ako sa kaniya. Umalis narin siya. She make sure na makakaalis muna ako bago siya umuwi. Ang nakagawian na niya. Nilagay ko ang aking bag sa aking forearm at inayos ang aking buhok. I flipped it backwards so my hair won’t disturb me while I’m walking. Sobrang haba narin nito.

Should I cut it? I’ll ask Aston about this.

“ You should go home now, Sarah” utos ko sa kaniya

She nodded at me and walk behind me. Tahimik lang na sinusundan ako. Nang nasa elevator na, doon lang kami nagkahiwalay. Ako sa basement, siya sa lobby. Ngumiti siya sa huling sandali para sa pagpapaalam.

Pinatunog ko ang aking sasakyan bago ito sakyan. I started the engine and and rotate the steering wheel. Umilaw ang aking cellphone mula sa isang tawag habang nagda-drive ako. I looked at it and stop the car before I answered the call from Aston.

“ Pauwi ka na?” bungad niya

“ Nagda-drive na ako. Nasa daan ako”

“ Oh?” bakas sa kaniyang boses ang gulat “ I should end the call now, have a safe drive”

Namutawi sa aking labi ang isang ngiti.

“ Thank you”

Muli ulit akong nag-drive. Na-traffic pa ako pero hindi naman nagtagal. Niliko ko na ang aking sasakyan sa aming village. Bumusina ako upang mapagbuksan ako ng gate. Manong quickly move and opened the gate for me.

When I parked my car, hindi na ako nagulat nang makita si Aston na nakasandal sa dingding. He always like that. Kapag narinig na ang aking pagbusina, lalabas na siya ng bahay para salubungin ako.

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now