Chapter 10

15 0 0
                                    

CHAPTER 10

It was all worth it after I see the christmas décor in our house. I can feel the christmas in our house especially in my man arms. Aston was hugging me from the back while we are looking at the christmas tree in front. Sa bisig niya lang ako nakakaramdam ng kapayapaan. Siya lang ang nakakaalis ng sakit na lagi kong nararamdaman. Siya lang.

“ It’s been a while seen I last saw a christmas tree again. At ngayon, tanaw ko na ulit ito ngayon”

Mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin kaya ako napangiti. Napahawak ako sa dalawa niyang braso na nakapulupot sa akin. I crane my neck just so I could see his face.

“ Yeah me too”

“ Hindi ka ba naglalagay ng christmas tree sa bahay noong wala ako?”

Inikot niya ako paharap sa kaniya na kinatuwa ako. Mas lalo ko pang makikita ang kaniyang mukha na buong buo. Hindi yata ako masasawang tingnan siya buong magdamag. Sino ba ang hindi magsasawang tingnan ang poging lalaki na 'to? Ang singkit niyang mata ang bumihag sa akin.

“ What’s the purpose of christmas décor when you are not by my side? I will not enjoy the christmas when you are far away from me. Ngayon nga lang ulit ako na excite sa papalapit na pasko”

I chuckled because of the fluttering feeling that I felt when he said those words. Para parin akong teenager kung kiligin dahil sa ginagawa ko. I just buried my face on his neck while I heard his soft chuckled. I am still a baby when it comes to him.

Well, baby niya naman talaga ako.

“ Why are you like that?”

“ What?” natatawa niyang tanong

“ Para kang manloloko sa mga bola mo”

Mas lalo lamang siyang nagpakawala ng tawa na kinainis ko. Totoo naman! Mukha siyang college playboy sa pinagsasabi niya.

“ I'm telling the truth. Hindi kita niloloko”

Umahon ako sa pagkakasubsob sa kaniya at sinimangutan lang siya. He pinched my nose that makes me flinched. Agad kong pinagpapalo ang kaniyang kamay at kahit anong iwas niya ay 'di parin siya nakakaubra sa akin. I keep hitting him while he was keep stepping back away from me. Just to protect himself from my slap.

“ Tigil tigilan mo nga ako sa mga pambobola mo Aston”

“ Kinikilig ka lang eh”

Napatigil ako sa paghampas sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin. He became serious after and the next thing I knew. Hinigit niya nalang ako papalapit sa kaniya habang hawak hawak ang aking bewang. Ang masamang tingin ko sa kaniya ay napalitan ngayon ng gulat na ekspresyon.

I was shocked when he pulled me to be closer to him. Hindi ko nakita ang movement niyang 'yon.

“ Why?” magkakandautal utal kong tanong

“ Kapag ba hinalikan kita mawawala na iyong iniisip mo na niloloko kita gamit ang salita ko?”

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at agad na mas lalong namula ang mukha. Itago ko man ang pagkailang ay 'di ko iyon magawa. My gosh! Mag asawa na kami oh! Why am I even acting like this way? Teenager lang Kat?

“ Ewan sa 'yo! Maliligo na ako”

Hindi ko na siya hinintay na umimik at basta nalang siyang nilampasan. Ngunit nasa pangatlong hakbang pala ako sa hagdanan nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking kamay. Hinabol niya ako. Akala ko mananatili pa rin siya sa sala.

“ Sabay na tayo. Sayang ang tubig”

Hindi ko napigilan na irapan siya na mas lalo lang niyang kinatawa. Kailan pa siya natutong magtipid?

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now