Chapter 4

24 0 0
                                    

CHAPTER 4

Pangalawang beses ulit naming magkatabi na matulog. At sa tuwing yayakapin niya ako mula sa aking likod ay ibang kampante sa aking puso ang aking nararamdaman. Para bang yakap yakap ako ng mundo. Ngayon ko lang naramdaman ulit ang ibang saya sa aking puso ngayon na okay na ako. Na wala ng hinanakit sa aking puso.

Ibang iba ito sa mga nagdaang taon na ako lang mag isa sa isang malambot na kama. Gaano man kalambot ang aking hinihigaan, hindi man lang ako naging komportable sa tuwing ako'y natutulog. Lagi akong binabagabag ng alaala ng masakit na nakaraan. Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko. Ngunit ngayon na kasama ko na siya. Ganito pala ang dala niya sa tuwing kami'y magkatabi. Ibang klaseng komportable.

Nilingon ko ang aking likod upang makita lamang siya. He was sleeping peacefully and like I always do when he’s the first one who's sleep. I stared at his handsome face. Umikot pa lalo ako para mabigyan ng mas access na makita ang kabuuan ng kaniyang mukha. Ang amo talaga kapag natutulog.

I can’t help but to tap his nose and place a kiss on his forehead. Ngayon lang ulit kami nagkatabi sa aming kama. Ngayon lang ulit.

Muli kong pinaglandas ang aking daliri sa kaniyang matangos na ilong. At sa tuwing ginagawa ako 'yon, palawak nang palawak ang aking ngiti. There’s an admiration in my eyes while looking at my husband.

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa kaniyang mukha nang magulat ako nang hulihin niya ito. At biglang nagmulat ang kaniyang mata. Ibang klaseng pintig sa aking puso nang magtamang muli ang aming tingin. 

Ngayon, hindi na ako makangiti dahil sa gulat. Nagising ko ba siya? He was so serious while looking at me. He’s holding my hands and the other hands was tightly grip on my waist. At inisod pa papunta sa kaniya. Kaya ngayon magkalapit na magkalapit na ang tuktok ng aming ilong.

“ Did I wake you up?” I asked nervously.

“ Hmm? You didn’t, gising pa talaga ako. I was just waiting for you to sleep so I can sleep too”

So, pikit lang ang kaniyang mga mata ngunit hindi siya tulog? At dahil sa sobrang lapit ng aming mukha, sa tuwing kami'y magsasalita nagtatama ang aming labi. Mas pinili ko nalang tuloy na manahimik.

I was about to move so there can be a space between us ngunit 'di niya ako hinayaan. Mas lalo lang niyang nilapit ang katawan ko sa kaniya. I can now feel the temperature of his body. I can now feel the throbbing of his heart.

“ Why didn’t you sleep?”

“ I'm afraid that you might leave me again”

Hindi parin ba siya kampante na hindi ko siya iiwan? Na kahit sa pagtulog ay natatakot parin siya. Sinisigurado na mahimbing ang aking pagkakatulog bago siya matulog. Kaya ba ganoon nalang kahigpit ang yakap niya sa akin? Masyado ba siyang na-trauma sa ginawa ko?

“ I told you already, I won’t leave you again” And I seal my promise with a deep kiss.

Napapikit agad ako at dinama ang aming mga labi na magkadikit. Napakapit ako sa kaniya braso habang sinimulan niyang igalaw ang kaniyang labi sa akin. He started to kiss me with a different emotion. Happiness, fear and love. Doon niya pinapahiwatig ang kaniyang nararamdaman.

Kasama ng pagdiin ko sa kaniyang braso ang pagdiin ng kaniyang halik sa akin. His hand on my back started to play a different shape. Kung ano ano ang kaniyang ginagawa doon. At wala akong magawa kundi tugunin ang kaniyang halik.

We just stop to catch our breath. And while doing it, we are both looking at each other's eye. Hindi ko malaman kung para saan iyong maganda niyang ngiti bago niya ibaon ang kaniyang ulo sa aking dibdib.

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now