Chapter 12

13 0 0
                                    

CHAPTER 12

“ Go to our room immediately and take a shower, pagkatapos mo ay ako naman”

He dry my hair using the towel while he was on my back. Hinayaan ko lang siya dahil sobrang gaan ng kaniyang kamay sa tuwing ginagawa niya iyon. It gave me a relaxation. Parang libreng massage ang ginagawa niya sa akin.

After drying my hair, he placed the towel on my shoulder and secured it with his arm. He hugged me from the back while caressingly my cheeks using the back of his palms. I closed my eyes to feel his touch on me. Kahit nabasa na kami ng ulan ay mainit parin ang kaniyang katawan. Isa narin iyon sa dahilan kaya hindi ako giniginaw.

Because everytime he hugged me, nalalabanan noon ang lamig ng panahon. Kaya niyang labanan ang lamig na aking nararamdaman. His hug is like a shield. It can protect me.

“ Sa baba ka na mag banyo. Baka magkasakit ka pa”

Ako naman ang humarap sa kaniya at nag ayos ng tuwalya sa kaniyang balikat. Pinunasan ko rin ang basa niyang buhok upang hindi na 'to tumulo pa sa kaniyang mukha. Sa lahat ng pagkakataon, ako lagi ang inuuna niya. Hinuhuli ang kaniyang sarili.

“ I will prepare your clothes upstairs. Sa banyo sa may sala ka na maligo, hmm?” ani ko habang pinupunasan ang kaniyang buhok.

“ Mauna ka ng umakyat ta's maliligo na ako”

Tumango ako sa kaniya at pinagmasdan muna ang labas. Sobrang lakas ng ulan at ang kalangitan ay napupuno ng kadiliman. Bago umakyat sa may taas ay ngumiti muna ako sa kaniya.

I prepare our clothes first before I take a bat. Nakabihis na si Aston nang lumabas ako ng banyo. Roba lang ang tanging suot. Basa ang buhok habang nakaupo sa kama at ang laptop ay nakapatong sa kaniyang hita.

“ What do you want for dinner?” tanong niya.

Sinarado niya ang laptop at tumayo. Sinundan niya ako papunta sa may closet at sumandal roon. I started to wear my clothes while he was looking at me. Kahit naiilang ako ay 'di ko na siya sinuway. What’s the point of making him leave when he already saw my naked body?

“ Kung anong gusto mo”

Nang matapos na akong magbihis ay humarap na ako sa kaniya.

“ Paano kung ikaw ang gusto ko para sa dinner?”

I rolled my eyes and comb my hair. Dahil may kahabaan na ang buhok ko ay mahirap na talaga iyong suklayin. Kaya ayaw ko ng mahaba ang buhok eh, pahirapan pa sa pagsusuklay.

“ Sinigang nalang. Gusto ko ng may sabaw lalo na't malamig ngayon”

“ Okay. Bababa na ako para makapagluto”

Tumango lang ako sa kaniya habang siya ay umalis na para makapag simula sa pagluluto. Natapos na akong magsuklay ng buhok at aalis na sana para sundan siya nang biglang umilaw ang kaniyang cellphone.

Nakapatong iyon sa kama. Hindi ko alam kung kukunin ko ba 'yon o hindi. Sa huli ay nagpasya ako na tingnan iyon. Binuksan ko ang kaniyang cellphone at bumungad sa akin ang text ng kaniyang secretary.

Wren:

Sir, Mr. Dizon wants to see you. Ica-cancel ko po ba ulit or imo-move ang meeting?”

Kumunot ang aking noo. Ica-cancel ulit? Ulit? Ibig sabihin ay nagawa na niyang i-cancel ang meeting kay Mr. Dizon? Ilang beses na kaya? Anong rason bakit niya ica-cancel ang meeting? This guy. If this because of me, matinding away talaga ang mangyayari mamaya.

Dala dala ang kaniyang cellphone, pumunta akong kusina upang sabihan siya.

Nakita ko siyang naghihiwa ng mga ingredients for sinigang. Seryoso ang mukha habang ako ay nakataas ang kilay na nalapit sa kaniya. When I'm beside him, tinaas ko ang cellphone niya.

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now