Chapter 22

11 0 0
                                    

CHAPTER 22


“ Buti nalang at naabutan kita dito! Sabi ng mga empleyado mo na nasa meeting ka”

Lumapit siya sa akin. Tumingin ako sa wristwatch ko at nakita na marami pang oras para magkaroon kami ng catch-up. Wala narin naman akong gagawin ngayon dahil tapos na ang mga meeting na pupuntahan ko. Wala rin akong pipirmahan ko ire-review na papeles. Kaya I have time to talk to him. Malayo pa naman ang out ko.

Balak ko sanang puntahan si Vina ngunit hindi na yata iyon matutuloy ngayon lalo na’t may bisita ako.

Regan smiled more when we are now close. He hugged me and kiss my cheeks. I’m used to it. Friendly gesture lang naman ito lalo na’t may dugo siyang banyaga. It’s natural for him to have this entimacy dahil na adopt na niya ang kultura ng taga ibang bansa.

There’s no malice between us. May asawa na ako.

“ Kanina ka pa pala narito?” I asked after the hugged

I didn’t expect na ngayon kami magkikita. Ang akala ko nga ay wala ng chance na magkausap at makita siyang muli. I don’t know his address here in the Philippines. I just know his surname but there family is not that known even if they have a business. Hindi rin ako makapaniwala na isa pala siya sa investor namin.

He is Regan Gonzalez. I treat him as a friend like Ethan. His personality is somehow similar to Ethan. They have this joyful aura and witty words. Ang galing din niyang magpasaya. Ang akala ko nga ay nakalimutan na niya ako. Isang taon narin kasi ang nakakalipas simula nang magkita kami. Buwan lang din kami nagkasama at nagkakilala.

“ Ah yes, pabalik balik ako but I guess you’re too busy”

“ Tapos na naman ang mga meetings ko. Upo ka” turo ko sa sofa sa kaliwa namin

Ngumiti siya sa akin “ Salamat”

Sinundan ko siya at pinagmasdang upo. Nakakagulat parin ang lahat. It’s easy for him to go here in our company because he’s one of our investor. Konti palang naman ang kilala kong investor ng kompanya namin. I think I should start to know them all. Para naman hindi ako nagugulat nalang bigla.

At isa naring advantage noon na kapag may makakasalubong akong investor namin, hindi ako masasabihan ng snobber. Kailangan ko ring magbigay galang sa kanila.

“ What do you want? I’ll order it”

“ Huwag na. I’m full, kakameryeda ko lang kanina”

Napatingin siya sa pagkain na nasa coffee table dahilan para mapatingin rin ako doon. Naroon ang paper bag na naglalaman ng pagkain na binigay ni Aston para sa akin kanina. Beside noon ay ang pagkain na hindi ko alam kung sino ang nagbigay.

“ Hindi ka kumain?” puna niya

“ Ha? Ah… kumain ako ng tanghalian. I haven’t eat meryenda palang”

Gulat siyang tumingin sa akin bago binaling ulit ang paningin sa pagkain na nasa coffee table.

“ Oh! Gano’n ba”

“ Why?” naguguluhan kong tanong.

Ngumiti siya ng maliit sa akin na pinagtaka ko. Umupo na ako ng tuluyan sa sofa na kaharap niya. Sa single sofa. I tilted my head to the right because of confusion. I also crossed my legs.

“ Hindi mo kasi kinain ang binigay kong pagkain” turo niya sa pagkain katabi ng paper bag

Ako naman ngayon ang gulat na gulat. Nanlaki ang aking mata. Damn! I don’t know na sa kaniya galing iyon! If there’s a name on the sticky note e ‘di sana nalaman ko na kaniya iyon!

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now