Chapter 15

17 0 0
                                    

CHAPTER 15

Naiwan ako ditong tulala at hindi malaman ang gagawin. What should I do? Should I follow Aston or stay here? He just said na babalik siya pero kung hihintayin ko pa siya ay ngayon palang ay hindi na ako mapakali. Maraming natakbong pangyayari sa aking isipan and I don’t think I should stay here and wait for him. The best thing I do, is to follow him…them.

Binuksan ko na ang pintuan at una kong nakita ay ang gulat na mukha ni Jayvee nang lumabas ako. Napatayo siya sa kaniyang upuan at agad akong dinaluhan.

“ Ma'am, Sir said that you should be inside and just wait for him” magalang niyang paliwanag.

“ Nasaan sila?” I didn’t mind what he said. Masyado na akong nag aalala para kay Aston!

“ Ma'am…” ngunit agad kong pinutol ang dapat niya pang sasabihin.

“ Where are they?” ulit ko sa aking tanong.

Takot na tumingin sa akin si Jayvee. Tila naguguluhan kung sino ang kaniyang susundin, ako ba o ang kaniyang boss. I know that he’s stress from work and yet I am here! Begging him to tell me where Aston is kahit kabilin bilinan na huwag ipaalam sa akin.

“ Nasa..nasa…parking lot ho”

Kumunot ang aking noo at unti unti tumango. Wala na akong inaksayang oras dahil ilang minuto na akong naghihintay sa opisina at hanggang ngayon ay hindi parin siya nabalik.

Agad kong pinindot ang elevator at muntik pang mainis dahil sa tagal nitong bumukas. Kahit elevator ay hindi nakikisama!

Walang katao tao ang lift nang itong bumukas. Mas mabuti nga iyon kesa may kasama ako, baka makita pa nila ang pagkakataranta sa aking mukha. Officer hour na ngayon kaya siguro nasa kanya kanya na silang working area.

Mas mabilis pa akong magbilang kesa rito sa numero na nasa taas ng elevator! Napaka bagal! Baba lang naman pero ang bagal bagal! Hindi pa nakatulong ang pagkakataranta ko sa inis rito sa lift.

Dapat pala ay hindi ko nalang sinabi sa kaniya iyon. Nagkaganito pa tuloy. I blame myself while I am inside in this slow damn elevator. Mamaya pala ay ibibilin ko kay Aston na pagawin niya itong elevator nila dahil nakakarindi ang pagkabagal.

Alam kong mataas ang kanilang building at galing pa ako sa taas ng floor, papunta sa basement. Kung hindi siguro ako natataranta ay baka hindi ko sinisisi ang elevator. But shit! I need to hurry! Baka ano ng ginagaw ni Aston kay Mr. Villanueva!

Base sa ekspresyon ni Aston ay kaya niyang patayin si Mr. Villanueva. I'm not worried to Mr. Villanueva, I am worried to my husband. Ayaw kong makasuhan siya ng murder dahil lang sa kaniyang galit.

Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kaniya. I promised to myself na wala akong pagsasabihan para wala ng gulo. Ngunit ang makita ang determinadong mukha ni Aston, wala akong nagawa kundi sabihin sa kaniya.

I almost jumped when the elevator opened and it lead me to the basement. Sobrang daming sasakyan na nakaparada at hindi ko alam kung nasaan sila! Sa laki ng parking lot na ito, malabo na baka makita ko pa sila.

“ Chill Mr. Hernandez, hindi ko nagalaw ang asawa mo” nakakalokong boses iyon ni Mr. Villanueva

“ But you harassed her! No one can touch her! You understand me?!” galit na sigaw iyon ni Aston

I heard that from the right side of the parking lot. Napatingin ako sa kanan ko at nag aatubili na pumunta roon, at sa gitna ng mga sasakyan, nakita ko sila…

Kahit nakatalikod si Aston ay ramdam na ramdam ko parin ang kaniyang matinding galit. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Ang mga ugat sa kaniyang braso ay nagsisilabasan na dahil sa matinding kuyom ng kaniyang kamao. Even his jaw are repeatedly clenching because of his intense anger.

You Are Mine, Again? ( Again Trilogy #2)Where stories live. Discover now