" kita ko kung panoh... inakyat ni Camilla ang pader at nakapasok ito sa second floor ng mansion,
" nainis pa ko kay Ara im mean kay Ana na nanigarilyo pa sa gilid dahil sa inis kay Camilla.... " jan kalang sabi ko pa kay Arabella pero wala itong imik na tumingin lang sakin at ang bruha binugahan pa ko ng usok ng sigarilyo... im not Arabella,, she's sleep right now?
Fine Anabella or Arabella what ever,, maarteng sabi ko sabay talikod dito at iniwan ko siya dun... bawat daanan ko.. may patay na agad... isang malakas na putok ng baril ang narinig ko sa taas kaya dun natuon ang mga mata ko... nag lakad ako ng dahan dahan.. at binuksan ang isang pinto nakita ko pa si Camilla na nilalagyan ng letter C ang mukha nang pinatay nito.. bwisit na ezikiel yun.. kaya naging ganyan si Camilla sabi ng utak ko...
" isa pa si Anabella na hindi na din macontrol ang sarili pati patay na pinapatay pa uli.... nakipag laban Kami sa mga tauhan ng mag pinsan. Hindi ko parin makita si lyra,, nakakainis feeling ko hindi nauubos ang tauhan ng mag pinsan na yun,, duguan at pawis nako... kulang nalang na ipaligo ko ang dugo dahil sa daming nakalaban.. pero bigla akong napahinto ng may bumaril sakin sa tiyan na kinaluhod ko.. nag angat ako ng ulo at hindi ako makapaniwala..
" hi sister, bungad nito sakin.. at isang malakas na palo sa mukha ko ang kinawalang malay ko at dumilim nalang ang paligid ko.
" nagising ako sa malamig na pakiramdam,, at may nag buhos pala sakin ng tubig. " gising kana pala bungad sakin ni lyra nakatali din si yhuna at yhana na walang malay. pero mas nagulat ako nang nakatayo lang si Arabella na parang wala sa sarili habang hawak sa leeg si Camilla na hindi ko alam kung buhay pa.
" napalingon pa ko ng nasa harap ko ang apat ngayon ang mag pinsang Renie at generson, kasama si paloma at si owen na yakap ngayon si lyra na naka ngisi sakin, nang mag salita si Arabella or Anabella hindi kona kilala ang isang ito sa totoo lang.
" whos next,, rinig kong sabi ni Arabella sabay tingin sa kambal na yhuna at yhana, " tangina ka traidor!! sigaw ko kay Arabella na ngumiti lang. at sabay sinampal ako ng malakas na kinatabingin ng mukha ko...
" im not Arabella,, im Ana,, ANABELLA!! malakas na sigaw nito sakin... kita ko pa ang pag galaw ni Camilla at tatayo sana pero nagulat ako at napatulo ang luha ko ng barilin ito ni Anabella na tumama mismo sa leeg nito at bumagsak si Camilla at naliligo sa sariling dugo.
" nagising si yhuna at yhana na kahit sila nagulat sabay - sabay pa kaming nag katinginan. i know, hindi nga siya si Ara dahil kilala ko si Arabella hindi niya kayang pumatay ng kaibigan lalo na kung may pinag samahan sila... ramdam ko ang sakit sa pulsuhan ko para lang makawala.
" tell me sis sino ang gusto mong isunod ko sa dalawa na yan... sabi ni lyra na nakangisi ngayon... " ang kapal ng mukha mo! balik na sabi ko kay lyra na kita sa mukha ang inis.. at lumapit sakin ito sabay tadyak sakin na kinabagsak ko sa sahig, napatingin pa ko kay Camilla na wala ng buhay sa tabi ko ngayon..
" 3 die 8 more, sabi ni Anabella na alam kong ang grupo ng red rose mafia ang tinutukoy niya.
What? Sigaw ni yhuna na kahit ako naguguluhan sa sinabi ni Anabella,, " hindi niyo alam na patay na din si Carina at lynelle, habang nag aagaw buhay si Naomi ngayon,, mayabang na sabi ni Anabella. natahimik ako sa mga narinig ko pero bakit walang nag sabi sakin or wala akong nabalitaan.
" bakit hindi niyo ako or kami bigyan nang magandang laban.. biglang sabat ni yhuna sabay tingin ng masama kay Anabella. " kilala ko si yhuna siya yung mabilis mag isip at hindi papayag na mamatay nalang ng hindi lumalaban.. " kinalma ko ang sarili ko, mamatay man ako sisiguraduhin ko na may mamatay din sa kanila.. sabi ng utak ko ngayon.
" pinakawalan kaming tatlo, at hinila nalang sa isa pang room... nagulat kami na nasa likod na kami ng mansion tatlo at napapalibutan ng mga tauhan nito... duguan at masakit ang katawan.. pero lalaban ako hanggang sa huli.. kita ko ang matulis na tingin ni yhana na parang si yhuna nang nag uumpisa palang kami sa grupo.. yung tingin na hindi papatalo, hindi man siya kasali sa grupo alam ko naturuan siya ni yhuna.. pero nalulungkot ako dahil may nag hihintay sa pag uwi nila at hindi ako sure kung isa samin eh. Buhay na babalik sa mga pamilya namin..
" bigla kong naalala ang mag ama ko na inooperahan ngayon.. higit apat na oras nang wala ako at walang balita kung successful ba ang operation ng dalawa,, bigla akong bumalik sa realidad ng may marinig akong sigaw sa gilid,, at nakikipag laban na ang magkapatid sa hindi mabilang na tauhan ng mag pinsan na yun..
" pagod nako at alam kong ganun din si yhuna at yhana, napatingin ako kay yhuna at ngumiti ito sakin na hindi ko alam kung bakit? At napasigaw si yhana nang bumagsak si yhuna sa mismong harap ko dahil sa tama ng kutsilyo sa likod,, habang yakap nito si yhana.
" bigla akong lumapit at nakipag laban hanggang sa makakaya. nakaupo nalang si yhana habang yakap ang kapatid na nakahiga sa lapag, " hinila ko ang kutsilyo sa likod ni yhuna sabay tapon sa tinurin kong kapatid at kaibigan tinamaan si Arabella sa dibdib na kinabagsak nito.. at sumugod si paloma sakin at papaputukan dapat ako pero nagulat ako ng sinalo ni lyra kaya ito ang tinamaan habang yakap ako.
" sorry ikaw nang bahala sa anak ko... huling sabi ni lyra sakin bago pumikit at napabitaw ako kay lyra ng sinipa ako ni paloma at kita ko ang pag bangon ni Arabella sa gilid... lumapit ito at binaril si lyra at tumama sa mismong ulo nito ang bala, " dun ako napaiyak at nakapag isip alam kong hindi masama ang kapatid ko kahit sa huli nilagtas pa din niya ako.... L-lyra tawag ko sa kapatid kong wala na ding buhay.
" sunod sunod na putok ang narinig ko at nakahiga na din si yhana sa sahig katabi ng kapatid na duguan. tulala lang ako habang palipat lipat ang tingin kay lyra, yhuna at yhana na patay na... naiiyak ako na parang gusto kona ding mamatay.
" napapikit ako at bumagsak dahil sa tama ng bala sa dibdib ko na kinabagsak ko... pipikit na dapat ako ng makita ko si kayin na papalapit sakin.. habang si ken naman at trace hawak ang mag pinsang Renie at generson ngayon.
Ivyyyyyyy??????? Tawag ni kayin sakin pero nawalan nako ng malay sa pagod at pag kaubos ng dugo.
" wag niyo na po akong buhayin, bulong ko sa sarili ko at all black out.
All Right Reserved2020
🦋©️Miss R.A
🕷Black Butterfly🌷●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
I know maraming galit hahhahaha... iilang chapter nalang po mag tatapos na ang series 10,,, ganun talaga guys,, move on nalang Po tayo.
BINABASA MO ANG
#10(GRAND MASON CABREJAS) ✅
AksiBusiness, pag kain, alak, babae, jan umiikot ang buhay ko. kaya ako nakilalang istrikto, cold, playboy, at kung anoh ano pang tawag sakin. masarap ang buhay binata lalo na kung may pera ka, samahan pa ng ligal na business na lalong nag paangat saki...