Selena Beanca's
"Seb, ano punta tayong coffee shop?" tanong sakin ni Ali
Ano bang ginawa ko? Ako pa ba yung nagkamali? May pagkukulang pa ba ako? Ginawa ko naman ang lahat ah? Maayos lang 'to pero bakit ganon? Iba parin yung kinahinatnan.
"Seb, come on! Wag kang magmukmok dito sa kwarto mo nandito kaming mga kaibigan mo handa kaming damayan ka" malumanay na sabi ni Ali sakin na nagpabalik sakin sa katotohanan
"Wait Ali maliligo lang ako at magbibihis hintayin mo ko sa living room pupunta tayong coffee shop" sabi ko kay Ali na agad na nakapagpangiti sa kanya
Naligo ako at nagbihis (Seb's ootd at the multimedia) tsaka pumuntang living room
"Yeah yeah. Bilisan nyo isang sasakyan na lang dalhin nyo hintayin namin kayo dito ah? Oh sige sige bilisan nyo. Bye! Ingat kayo!" Sabi ni Ali sa kausap nya sa phone at nakaramdam ata sya na nandito na ko kaya nilingon nya ko
"Sila Sam lang yun sinabihan ko na sila na aalis tayo at pumayag naman agad sila on the way na nga sila eh" agad na sabi sakin ni Ali
"Ah okay" sagot ko kay Ali. Binuksan ko ang TV at saktong si Seb ang nakita namin sa TV
"Seb..." Saan? Saan ba ko nagkulang? Nagpakumbaba naman ako ah? Kahit na di ko kayang magpakumbaba ginawa ko maayos lang 'to. Yun lang naman ang hiling ko ang unawain nya din yung nararamdaman ko.
"Seb, ssshhhh. Wag kang umiyak" niyakap ako ni Ali na lalong nagpaiyak sakin
Kinuha nya sa kamay ko ang remote at agad na pinatay ang TV. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at saktong may nagdoorbell kaya sya na pumunta sa pinto para pagbuksan sila Sam
Inayos ko ang sarili ko. Kaya ko 'to! Ako pa ba si Selena Beanca Del Sol?
Pumasok sila ng living room at agad akong sinalubong ng yakap.
"Lev, aray naiipit yung hikaw ko sa yakap mo masakit baka mapilas tenga koooo!" Natatarantang sabi ni Jess na ikinatawa naming lahat
"Bat kasi naghihikaw ng ganyan" sagot ni Lev at inirapan si Jess
"Its what you called fashion. Fashion Lev! FASHION!" di nagpapatalong sagot ni Jess
"Tama na yan di na naman kayo matatapos sa pagtatalo nyong dalawa" sagot ni Ali
Sasakyan ni Sam ang ginamit namin sa mall muna kami pumunta para kumain sa restau nila Jessy.
Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Lev. "Ah girls tapos naman na tayong kumain halika na andami ng tao dito masyadong crowded. Punta tayo sa Not so full libre ko desserts nyo" agad silang pumayag sa sinabi ni Lev kaya nagpunta kaming Not so full
"After this saan naman tayo?" Tanong ni Ali samin
"Shopping daw tayo ng damit sa boutique nila Sam sabi nya." Agad na sagot ni Jess
"Parang wala naman akong sinabi ah?" Giit ni Sam
"Sam, nagdadamot ka samin?" Sabi ni Ali with puppy eyes pa
"Yuck! Di bagay sayo, Ali! Oo na treat ko na wag ka lang mag-puppy eyes" maarteng sabi ni Sam
"Sabihin mo di mo lang kami matiis. HAHAHA" sabat pa ni Ali na inirapan ni Sam
Pagkatapos namin dun sa Not so full deretso kami sa Boutique nila Sam
"So sa Men's Section muna kami ah?" Sabi ni Lev kay Ali, Sam at Jess
"Sige dito lang kami sa Women's Section." Sagot ni Jess na busy na sa pagtingin ng dress
Deretso agad kami ni Lev sa mga shirts habang namimili kami ni Lev may nakita akong magandang shirt kukunin ko na sya ng may humawak din at tinignan ko yung babaeng humawak din dun sa damit na gusto ko
"Ah may stocks pa naman siguro" sabi nya sakin pero hindi pa rin binibitawan yung shirt
"You could ask for the stocks and i'll take this one" sabi ko din sa kanya
"Yana, nakapili ka na ba?" Sabi ng lalaki sa likod nitong babaeng kaharap ko. Kilala ko ang boses na yon. Kilalang kilala ko.
Pumunta sya sa gilid nitong babae at doon ko na kumpirma na sya nga iyon. Ang lalaking mahal ko.
"Seb, nakapili ka na ba kahit isa lang?" Sabi ni Lev sakin
"Seb?" Tanong nung babae kay Seb
Nakita ni Lev ang nangyayari at nakita nya din ang kamay ko dun sa shirt na gusto ko kaya agad nyang kinuha yung shirt kahit nakahawak pa dun yung Yani
"That's mine!" Sabi nung Yana kay Lev
"You can ask the sales lady for the stocks of this shirt." Sabi ni Lev dun kay Yana at tinignan ng masama si Seb
"Come on, Selena. Para masabi agad natin kay Sam na wag magpapasok ng mga di kaigaigayang tao dito sa boutique nya."
"Beanca!" Tawag sakin ni Seb. Nilingon ko sya habang hinihila ako ni Lev.
Tumingin ako sa mata nya. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong lungkot, pangungulila at pagmamahal sa mga mata nya.