Nagkakilala kami naging magkaibigan dumaan ang mga araw at naging matalik kaming magkaibigan hanggang sa na hulog ang loob nya sakin niligawan nya ako ng ilang buwan di nagtagal na hulog din ang loob ko sa kanya at sya'y aking sinagot.
Sa relasyon naming dalawa mahal na mahal namin ang isa't isa ngunit kapag may away na dun nagtataasan ang pride naming dalawa. Walang gustong magpakumbaba pero darating ang oras na maiisip naming mahal namin ang isa't isa tila lumalambot ang aming mga puso at muli kami'y nagkakaayos.
Sinubok kami ng kung ano-anong problema sa aming relasyon at tila'y dinaig pa ng relasyon namin ang ilaw ng bumbilya kung mag on and off. Away-Bate, Away-Bate ang naging relasyon namin. Hanggang sa naghiwalay kaming tuluyan. Tatlong buwan wala kaming komunikasyon sa bawat isa dumating ang kaarawan ko at dun muli nya kong sinuyo at sinabing iba pag walang ako sa buhay nya na mahal na mahal nya parin ako at hindi yun mababago dahil mahal ko parin sya pumayag ako sa ikalawang pagkakataon.
Tila mas naging masaya kami sa relasyon naming dalawa may pagsubok man hindi na kami matibag na akala ko hindi na kami magkakahiwalay pa ngunit dumating araw na kahit kailan hindi ko inasahan, ang muling paghihiwalay namin.
Mahal parin namin ang isa't isa, ngunit babalik parin ba ang dating kami? Babalik pa ba sya sakin? And this is "Our Love Cycle".