Chapter 2

238 9 0
                                    

Levinia Margarhita's

"Selena, don't look back!" bulong ko kay Seb habang hinihila sya paalis dun.

Nakita ko agad sila Sam sa Women's Section masayang-masaya pa si Jess sa mga kinukuha nyang dress, si Sam todo sukat ng mga high heels at si Ali na namimili ng mga shades.

"Girls, halika na. Dun tayo sa condo ko." Lahat sila napatigil sa mga ginagawa nila at nagtatakang nakatingin sakin

"Kailangan tayo ni Seb tsaka na lang tayo magshopping unahin muna natin si Seb." Naintindihan naman agad nila

Umalis kami sa boutique nila Sam deretso sa condo ko.

"Girls, i'm fine. Wag na kayong mag-worry." Sabi ni Seb samin

"Oh Selena! Para namang hindi ka namin kilala nyan. For Pete's sake! He's Sebastian Jhake Montemayor! Your first love, first in everything!" Sabi ni Ali habang nakasalampak sa sofa

"Oo nga may kirot pa sakin kasi syempre sya nga ang first love ko pero ayos lang talaga ko. Siguro masasanay din ako. Wag nyo na kong masyadong alalahanin." Paliwanag ni Seb

"Aww. Sebby girl! We're all friends here and you know that we just love you that much kaya kami nagwo-worry." Sabi ni Jess habang papalapit kay Seb at niyakap si Seb

"Oh ano pang hinihintay nyo? Group hug na!" At ayun nga sumugod kami sa kanilang dalawa at naggroup hug.

"At dahil mahal na mahal ka namin Seb may gift kami sayo." Sabi ko sa kanya

Kinuha ni Jess yung chow chow na gift namin kay Seb

"Oh my gosh! Chow chow!" Niyakap ni Seb yung chow chow at halata mong sumaya sya sa regalo namin sa kanya

"Thankyou girls! Kaya mahal na mahal ko talaga kayo eh!" Sabi ni Seb samin

"You're always welcome, Sebby girl! Galing kong pumili noh?" Sabi ni Jess

"Excuse me, Sam! Ako ata nagsabing chow chow ang ibigay kay Seb." Sabi ni Sam

"Ikaw ba? Alam ko kasi ako talaga eh." Sabi ni Jess

"Anong ikaw? Ako kaya!" Sabi pa ni Sam

At ayun nga nagtatalo na naman sila. Wala na silang bagay na di pinagtalunan. Natural na nila yan. Haha

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon