Aliyan Rose Kim Benedicto
"Ali, eto na yung cooki---" napatigil si Jess ng makita nya si Selena at Sebastian sa ganong sitwasyon
Biglang humiwalay si Selena at halata mo sa mukha nya ang gulat. Tumingin sya samin.
"Ah Jess wala naman tayong nakita diba?" Sabi ko agad kay Jess
"Oo Selena wala naman kaming nakita." Sabi ni Jess at hinila ko na sya papuntang kitchen
"Nakita rin namin. Ang epic ng reaction ni Selena! Hahaha!" Natawang sabi ni Bri pag pasok namin ng kitchen
"Bri, wag mo ng tawanan si Selena na gulat yung tao eh kaya ganon. Eh ganon din naman reaction mo nung hinalikan ka ni Martin." Sabi naman ni Lev na ikinasimangot ni Bri
"Ayan natahimik ka tuloy. Hahaha" natawang sabi ni Jess
"Last time nga pala nung nag-date kami ni Pierre. Jusko! Nung hinawakan nya yung kamay ko yung puso ko halos lumabas sa ribcage sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko tapos yung tuhod ko halos magjelly na. My gahd! Kilig na kilig ako non! Feeling ko tuloy sya na ang nakatadhana sakin! Feeling ko meant to be kami! Hahaha" masayang kwento ni Bri
"If you hold a man's hand and he makes your heart beat faster and makes you feel giddy. He's not the right man for you. But if you hold a man's hand and he makes you feel safe and secure. He is. He is the right man for you." Sabi ni Tori na kaninang tahimik lang at nakain ng cookies
Natahimik kaming lahat at napaisip sa sinabi ni Tori. Sabagay may point sya. Tama yung sinabi nya.
Selena Beanca Gokongwei del Sol
Dahil sa sinabi ni Tori bigla kong naisip si Jhake nung mga panahong magkahawak kamay kami.
Pag hawak nya ang kamay ko, nararamdaman kong safe ako sa kanya.
***
Sorry na sabaw ang update. Hahaha. Anyway, binura ko pala yung story ni Tori kasi parang hindi ko pa sya feel gawin. Haha. Ang arte-arte ko.
Thanks for reading this story!
xx, vimmy!