Chapter 12

110 9 1
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

Nagluto ng soup? Hindi kaya...

"Eww! Seb! Panis na eh eto pa yung niluto ko kahapon ng lunch." Sabat naman bigla ni Jess

Panaginip lang pala talaga. Akala ko pa naman totoo na. Bakit ba ko na di-disappoint? Selena, tumigil ka nga. Awards night kanina bat ka nya uunahin? Sino ka ba? Haaay. Masyado na naman akong nag-iisip.

"Mabuti pa Jess magluto ka na lang ng bagong soup. Nagutom din ako sa paghahanap natin dito kay Seb" sabi naman ni Bri

"Magluluto naman ako ng bago wag mo na kong utusan. Tss." Sabi ni Jess at tsaka nag-umpisang magluto

"Ako dun muna ko sa sala manood ako ng cartoons" sabi naman ni Ali tsaka umalis

"Seb, samahan mo naman ako dyan sa coffee shop bibili lang ako ng choco frappe" sabi bigla ni Lev kaya naman sinamahan ko sya

Nasa elevator na kami pababa ng magsalita si Lev "Seb, late dumating kanina si Sebastian sa awards night" napatingin naman ako sa kanya

"Huh? Bakit daw? Na traffic ba?" Tanong ko agad sa kanya

"Sabi nila baka ganun nga daw pero hindi ako naniniwalang kaya sya late kasi traffic. May iba syang dahilan." Makahulugang sabi ni Lev

"Wala naman na syang pwede dahil kung hindi ang traffic. Or baka may pinuntahan sya" sabi ko kay Lev ng di nakatingin. Kinalikot ko na lang cellphone ko at hinintay sumagot si Lev

"Sa tingin ko. May pinuntahan talaga sya bago sya pumunta ng awards night." Sabi ni Lev at sakto namang nasa ground floor na kaya bumukas na ang elevator

Nasa tapat lang naman ng building nitong condo yung coffee shop kaya madali kaming nakapunta don. Pag pasok pa lang namin may nagtinginan na at yung iba naman eh nagbulungan pa na rinig din naman namin.

"Oy si Selena oh bakit kaya hindi sya umattend kanina bilang date ni Sebastian sa awards night?"

"Siguro nagkasakit si Selena kaya hindi sya nakapuntang awards night kasi tignan mo nakapambahay lang sya"

"Hindi pumunta ng awards night si Selena si Sebastian lang tuloy ang lumakad sa red carpet ng grand entrance"

"Ay oo nga pala bakit nga ba late si Sebastian kanina? Sabi nya traffic daw parang hindi naman"

"Tapos alam mo pa medyo pawisan sya ng makarating sa venue nung awards night"

"Oo may bumiro pa nga sa kanyang reporter eh sabi kahit daw medyo haggard si Sebastian gwapo parin at mabango. Omg. Hahaha" kwentuhan nung isang grupo ng mga babae na kanina ay tumitingin sakin

"Don't mind them" sabi ni Lev at umorder ng dalawang frappe

Umupo kami dun sa table na medyo konti ang tao.

Bigla may kinuha si Lev sa bulsa nya at iniabot sakin. Tinignan ko yon. Neck tie. Kanino 'to? Hindi kaya...

"Nakita ko yan dun sa kitchen mo kanina bago pumasok sila Jess at alam kong alam mo kung sinong may-ari nyan" sabi ni Lev na nakatingin sakin

"Dumating sya kanina sa awards night without his neck tie. Buti na lang at hindi yon na pansin ng press" sa kanya 'to? Totoo ang sinasabi kong panaginip?

Sebastian Jhake Ventura Montemayor

"BEA!" sigaw ko ng makitang napaupo sya at agad na binuhat sya. Napaka init nya, ang taas ng lagnat nya. Nagpapanic na ko kaya sinabi ko sa kanyang dadalhin ko sya sa ospital ngunit ayaw nyang ma-ospital kaya dinala ko na lang sya sa kwarto nya.

Nagluluto ako ng soup para sa kanya ng hindi ako mapakali kaya tinanggal ko ang neck tie na suot ko at ipinatong sa lamesa ng matapos ang niluluto ko ay pinakain ko sya ng niluto kong soup. Pagkatapos nyang kumain ay pinainom ko din sya ng gamot para mawala o bumaba man lang ang lagnat nya.

Tinitigan ko sya at sa pagtitig ko sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanya ngunit ng one inch na lang ang layo ng mukha ko sa mukha nya ay pumikit na sya at hinalikan ko sya sa noo. Pagkatapos noon ay tinignan ko ang mga mata nya.

At naglakas ako ng loob sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. "Mahal na mahal kita, Bea" puno ng sensiridad at pagmamahal kong sabi sa kanya

Kitang-kita ko kung paano biglang tumulo ang luha sa mga mata nya at bigla ako niyakap at sinabi ang bagay na gusto ko muling marinig "I love you too, Jhake"

Kumalas sya sa pagyakap nya sakin at nagtitigan kami ng halos dalawang minuto. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ng one inch na lang ay ipinikit nya ang kanyang mata ngunit ng malapit ng maglapat ang aming labi ay narinig ko na lang ang mahina nyang paghilik senyales na tulog na sya.

Napangiti ako don at inihiga ko sya ng ayos sa kama nya, lumabas ako ng kwarto nya at nilinis ang mga ginamit ko sa kusina nga matapos ako doon ay bumalik ako sa kwarto ni Bea at tinignan ko sya at halos wala na syang lagnat kaya napagdesisyunan kong umalis na at pumunta sa venue ng awards night.

Bigla akong napakapa sa may leeg ko at doon ko naalalang hindi ko nakuha ang neck tie ko dun sa lamesa ng kitchen ni Bea.

***
Follow me on Instagram: @vim.marie
Thankyou! xx

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon