Selena Beanca's
Isang linggo na simula nung hindi ako sinipot ni Jhake dun sa Ali's Palace. Na kwento ko na din kila Ali ang nangyari at as usual si Jess at Sam naasar at naiinis tapos si Ali at Lev ayaw mag-comment kasi may dahilan naman daw siguro si Jhake kaya di nya ko na puntahan.
Nandito ko ngayon sa mall kasama si Kylienne, Kryzienne, Georgienne at Fabvienne. Yung quadroplets na pinsan ng boyfriend ni Lev.
"Selena, ako nga bigyan mo ng boyfriend. Haha" sabi ni Kryzienne or Zien na tuwang tuwa dahil andami ko daw palang manliligaw eh wala naman akong sinasagot
"Boyfriend-boyfriend ka dyan yung deal natin muna ang unahin mo. Ibili mo na ko ng bagong drums set" sabi ni Kylienne or Lyien ang pinaka-mahilig sa activities at kakaibang adventure sa kanilang apat
"Ibibili naman kita later wag kang atat" naka-pout na sabi ni Zien at bumaling kay Georgienne
"Don't look at me with those puppy eyes its disgusting" seryosong sabi ni Georgienne or Gien ang pinaka-matalino at seryoso sa kanilang apat.
"Fabvy" tawag ni Zien kay Fabvienne na busy sa pagtingin ng mga dress
"Zien, nakipagdeal ka pa kasi alam mo namang talo ka ni Lyien pag dating sa baking" sabi ni Fabvienne or Vien ang pinaka-mabait at maunawain sa kanilang apat
"Okay fine. Ganyan na kayo sakin." Nagtatampong sabi ni Zien
"Selena, come on lumipat tayo sa ibang boutique at magsha-shopping din tayo. Haha" Hinila ko ni Zien palabas ng boutique at dahil nga hila nya ko wala na kong nagawa kung di ang sumama
Hila-hila nya ko ng may mabunggo kami
"Ouch!" Daing ni Zien
"Aray ko! Ang sakit!" Hinimas ko ang noo ko ang sakit naman non. Ano ba yung tinamaan ko bato?
Tinignan ko si Zien at nakatitig sya dun sa bumunggo samin. Tinignan ko yung mga nakabunggo samin. Si Jhake at yung mga kaibigan nya.
"Ah sorry miss. Sorry." Sabi ni Jhake kay Zien
"Okay lang. No worries." Nakangiting sabi ni Zien
"Sebby, sorry." Sabi naman sakin ni Xavier kaibigan ni Jhake. Sa dibdib pala nya nauntog yung noo ko. Ang sakit nun ah.
"Huh? Magkakilala kayo, Selena?" nagtatakang tanong ni Zien sakin
"Ah oo. Kaibigan ko sila. Hehe" at ayun pinakilala ko silang lahat sa kanya
Parang na love at first sight si Zien kay Jhake. Haay. Buhay naman oh. Bat ganito? Kupido naman bat ka ganyan? Wag mong paglaruan ang pana mo. Kawawa naman kaming mga nasasaktan.
Dahil nga sa medyo na heart broken ako dahil feeling ko na love at first sight si Zien kay Jhake andami kong na bili.
Matapos naming magshopping pauwi na kami at sa sasakyan ni Vien kami nakasakay.
"Yay! May bago na kong baby!" Masayang sabi ni Lyien na parang inaasar si Zien
"Okay lang. Nakita ko naman na ang Noah Elizalde ng buhay ko! Hahaha!" Masayang masaya si Zien habang sinasabi yun
"Weh?" Pang-aasar ni Gien kay Zien
"Oo nga itanong mo pa kay Selena!" Sabi ni Zien
Parang hindi makapaniwala si Gien sa mga sinasabi ni Zien habang si Zien naman ngiting ngiti lang.
"Zeke Ignacio is his name." Nakangiti sabi ni Zien
Ano si Zeke? Hindi si Jhake? Bat akala ko si Jhake? Eh diba kay Jhake sya nakatingin kanina?
"Hindi si Sebastian Montemayor?" Tanong ko kay Zien para naman malinawan talaga ko
"Hindi no. Zeke Ignacio is heart heart! Hahaha!" Masayang sabi ni Zien
Napa-shopping ako ng dahil sa maling akala? Very good, Selena Beanca Gokongwei Del Sol! Ang galing mo!