Chapter 10

194 6 0
                                    

Selena Beanca's

"Alam mo na yung news?" Tanong ni Lev na nakatingin sakin

Anong news yon? Hindi naman ako ngayon nanonood sa TV eh.

"Alin yung tungkol kay Mahal nya?" Tanong na sagot ni Ali kay Lev

"Tumpak! Yun nga yon!" Sagot naman ni Jess

Hindi ako makarelate sa usapan nila. Ano ba yung news na yon? Kailangan ko ba talagang malaman? Tungkol ba sakin yon?

"Anong balita ba yan? Tungkol sakin?" Tanong ko sa kanilang tatlo at yung tatlo nagtinginan pa na parang nag-uusap sa tingin kung sino ba ang magsasalita

"Lev, ikaw naman ang unang nagtanong ikaw na ang magsabi kung ano ba yang news na yan." Sabi ko kay Lev at yung dalawa nakahinga ng maluwag sa sinabi ko

"Ah. Kasi. Okay. Fine! Sasabihin ko na! Si Sebastian nanalo ng Best Rising Star at inaabangan ng lahat yung awards night." Sabi ni Lev. Ano namang kaabang-abang sa awards night?

"Bakit inaabangan ang awards night? Anong meron? Eh alam naman na yung award na makukuha nya." Tanong ko sa kanila kasi naman clueless ako

"Seb, may isa pa kasing balita." Singit naman ni Jess

"Ano naman yun?" Andami naman palang balita eh.

"Na interview kasi sya" dugtong naman ni Ali

"Tapos?" Tanong ko na hinihintay yung idudugtong nila

"Tinanong sya sinong date nya sa awards night" dugtong ni Jess

"Sino daw yung date nya?" Sino nga kaya ang date nya ngayon kasi noon laging ako kasi ka-love team nya ko pati mag-on naman kami, eh ngayon?

"Ewan. Ngumiti lang kasi sya." Sabi ni Ali

"Pero!" Sabi ni Jess with hand gesture pa na parang pinapatigil kami

"Na interview din yung manager nya at tinanong sya ng press kung ikaw daw ba ang date ni Sebastian at ang sabi 98% daw ang chance na ikaw nga ang partner ni Sebastian sa awards night" dugtong ni Jess at kumain na ulit ng popcorn

Bigla namang nagring ang phone ko kaya napatingin kaming apat don sa phone kong nasa table.

Manager Klare... Calling...

Agad kong kinuha yon at sinagot ang tawag.

"Yes! Sinagot mo din Seb!" sabi ng manager ko

"Uhm.. hello ate klare? May problema po ba?"

"Maliit na bagay lang naman 'to Seb pero kasi.." medyo kinakabahan ako sa sasabihin ni Ate Klare

"Kasi po?"

"Alam mo namang may award ngayon si Sebastian diba? Eh ayon ikaw dapat ang date nya sa Awards Night don't worry saglit lang naman yon pati nagpatahi na ko ng gown mo." Eh? Ako parin ang date nya? Bakit? Ay, Seb malamang kasi ikaw yung ka-love team nya eh.

"Ah okay po sige. Yun lang po ba?"

"Oo, yun lang naman. Sige. Thankyou. Bye!"

"Bye po!"

Pag kababa ng tawag tinanong agad nila ako.

"Ano daw yung sinabi ni Ate Klare?" Tanong ni Jess

"About yan dun noh?" Tanong ni Lev

"Ikaw pa rin noh?" Tanong ni Jess

"Oo, ako parin ang date nya sa awards night pero hindi dahil ako ang gusto nyang idate don, ako ang date nya sa awards night dahil magka-love team kami. Yun lang yon. Nothing more, nothing less." Paliwanag ko sa kanila

"Keri mo na ba?" Tanong ni Jess sakin

"Oo naman. Kaya ko na." Kaya ko na nga bang harapin sya? Syempre kakayanin ko.

Meron pa kong 2 weeks para i-relax ang sarili ko sa awards night. Me time ko yon dahil itong mga kaibigan ko busy din ang schedule sa mga tapings nila. Ngayon nga lang ulit kami nagkasama-sama.

"So? Kamusta ang love life mo?" Tanong ko kay Tori na tatlong araw ko ng kasama, sya lang kasi ang taong hindi busy kaya sya ang napili kong kulitin

"May love life ba ko? Ah meron nga pala. Yung one sided love ko sa best friend ko." Walang gana nyang sagot

"How does it feel to be in love with your best friend?" Nakaka-curious kasi

"Sa una mahirap syempre kasi yung mahal mo masayang kinekwento sayo yung mga nangyayari sa kanila nung mahal nya pero na sanay na rin ako kaya wala na, okay na lang." Siguro nga kasi best friend eh.

"Ang sakit marinig sa taong mahal mo na masaya sya sa iba. Kita mo yung saya sa mga ngiti nya pero yung saya yong hindi ikaw ang dahilan. Ang sakit. Hindi lang basta masakit kasi sobrang sakit." Sa unang tingin mo kay Tori para syang walang problema sa buhay tapos may mga ganitong nararamdaman pala sya

"Kaya ikaw Selena kung ayaw mong maranasan ang sakit na nararamdaman ko wag mong hayaan na habang buhay na kayong ganyan ni Sebastian" pahabol nyang sabi

"But if we can't be together again we can be friends naman" katwiran ko sa kanya

"Ang dalawang taong nagkaroon ng relasyon at nagkahiwalay at naging magkaibigan dalawa lang ang ibig sabihin non. Una, kahit kailan hindi nyo minahal ang isa't isa. Pangalawa, kayo pa lang tanggap nyo na at naiisip nyo ng hindi kayo dapat na nasa iisang relasyon." Seryoso nyang sabi sakin

Tama sya, hindi ko ata kayang maging magkaibigan lang kami ni Sebastian.

"You're a good actress. A very good actress. Kaya mong magpanggap na masaya kasama sya sa awards night pero kung ako ang tatanungin mas gusto kong maging natural ka. Yung mismong ikaw ngayon, yung walang halong acting."

Nginitian ko sya bago ako nagsalita "Darating ako don ng ako mismo. Walang halong acting o kahit anong pagkukunwari."

Nagring ang phone nya at agad na sinagot ang tawag pero ni-loud speaker nya.

And she mouthed 'my best friend'

"Tori~" malambing ang boses nung lalaki sa kabilang na best friend nya

"Oh bakit? Kailangan mo Villarama?" Mataray na sagot ni Tori sa malambing na tawag sa kanya ng best friend nya

"I miss you. Let's have a bestfriends day today or maybe tomorrow?" Malambing parin ang boses ng best friend nya kahit na mataray ang sagot ni Tori

"You miss me? Oh gods! Na mimiss mo pala ko?" Sarcastic na sabi ni Tori

"Just say you miss me too. Dami mong alam sabihin eh." Malambing at mapang-asar na boses ang gamit ng best friend ni Tori

"Okay. Fine. I miss you too, my dearest best friend! Hugs and kisses from your loving and clingy best friend!" Mapang-asar na boses ni Tori

"Tss. So are you free today?" Tinignan ako ni Tori bago sumagot sa best friend nya

"Nah. I'm not free today." mapang-asar na sabi ni Tori

"Bakit? Are you with that guy? Shit! Tori! Your bringing the shit out of me!" Iba na ang tono ng boses ng best friend nya

"So, what? I'm not free for almost 2 weeks. Text text na lang tayo. Gotta go, Vin! I love you!" Binaba agad ni Tori ang tawag

"He's protective, huh?" Asar ko kay Tori

"Nah. He is over protective when comes to me and her lil sister but i'm used to it." Sabi ni Tori

"Oh. Kailangan ko munang um-exit. He's here." Sabi bigla ni Tori

"Huh?" Pero nagmamadali ng umalis si Tori. Sinong nandito na?

"Beanca.."

Oh. That voice. I know that voice. Why is he here?

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon