Chapter 15

172 7 1
                                    

Queen Victoria "Tori" Leron

"Game! Laro tayo! Para naman may magawa tayo ang boring kaya." Sabi ni Bri

"Ano bang laro?" Tanong naman ni Jess

"Etong bottle papaikutin natin tapos kung sinong tapatan syang magbibigay ng tanong na dapat lahat tayo may sagot don ang hindi makasagot bibigyan ng punishment. Oh game?" Sagot ni Bri

"Sige! Game!" Halos sabay-sabay naming sabi

Pinaikot na ni Bri ang bottle at sakto namang kay Jess yun napaturo.

"Ahm. Sige, eto yung tanong ko. Papipiliin ka taong mahal mo na hindi ka mahal o yung taong mahal ka na hindi mo mahal? At bakit?" Tanong ni Jess

"Dahil ako ang nagtanong ako din ang unang sasagot. Ah. Pipiliin ko siguro yung taong mahal ako, ako na lang ang mag-aadjust para mahalin sya." Sagot ni Jess

"Siguro yung taong mahal ako kasi kahit hindi ko sya mahal darating yung time mapapamahal din naman ako sa kanya kung sakali." Sagot ni Lev

"Ako din yung taong mahal ako kasi nga ganun mapapamahal na din naman ako sa kanya edi sa kanya na ko." Sagot ni Bri

"Yung taong mahal ako kasi at least yon given ng mahal nya ko, mamahalin ko na lang sya." Sagot ni Ali

"Yung mahal ako, para ako na lang yung magsusukli dun sa pagmamahal na binibigay nya." Sagot ni Seb

"Ako ang pipiliin ko yung taong mahal ko, kasi kung may time naman pala na mamahalin ko yung mahal ako edi hindi rin imposible na may time din para mahalin ako nung taong mahal ko tsaka hindi naman natuturuan ang puso, hindi naman pinag-aaralan ang pagmamahal kusa yang nararamdaman. Don ako man ang maghabol, ako man ang magmukhang tanga, ako man ang masaktan at least ako ang nakaranasan ng ganon at hindi ako ang nagparanas non. Mas maganda ng ako ang nasaktan kesa nakasakit o napaasa ko ang iba." Mahaba kong sagot sa tanong ni Jess

"Wow. Iba talagang humugot si Tori!" Sabi ni Jess

"#HugotNiTori101" sabi naman ni Bri

Selena Beanca Gokongwei del Sol

Panay sila pang-aasar kay Tori kesyo malalim daw humugot o kung ano-ano pa.

"Oh next na!" Sabi ni Tori na tinawanan namin kasi parang ayaw nya ng sumagot sa mga pang-aasar sa kanya nila Bri

Inikot yung bottle at saktong tumapat kay Lev.

"Anong mas masakit yung hindi ka mahal ng taong mahal mo o yung hindi ka na mahal ng taong mahal mo na? At bakit?" Tanong ni Lev

"Siguro sakin yung hindi na ako mahal, kasi diba ang sakit talaga non na hindi ka na mahal ng taong mahal mo na?" Sagot ni Jess

"Sakin yung hindi na ako mahal ng taong mahal ko na, kasi parang nag-change situation lang kayo at ikaw naman yung makakaranas nung dinanas nya." Sagot ni Bri

"Mas masakit yung hindi ka na mahal ng taong dati mahal ka tapos ngayon mahal mo na sya. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Hindi mo alam kung paano mag-uumpisa. Noong mahal ka nya halos itapon nya yung sarili nya sayo pero wala lang sayo tapos nung napagod na syang magmahal sayo na realized mong mahal mo na pala kaso wala na kasi huli na. Hindi ka na nya mahal kung kelan mahal mo na sya." Sabi ni Tori

"Wait. Tori may tattoo ka?" Sabi bigla ni Bri na nakatingin sa right arm ni Tori

Ngayon ko nga lang din nakita na may tattoo pala sya don na mga ibon. Sabagay lagi namang occupied ang isip ko sa mga sinasabi nya tuwing magkasama kami.

"Yup. Birthday gift ko yan sa sarili ko." Sabi ni Tori habang nakatingin sa tattoo nya

"Wow. Pero masakit ba?" Curious na tanong ni Bri

"Masakit sya pero mas masakit pa yung pinagpalit ako ng bestfriend ko sa babaeng kakakilala nya lang." Nakangiting sabi ni Tori

Lahat kami na gulat sa sinagot nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong tumulo agad ang luha nya pero agad nya ding pinunasan. Ngumiti sya samin at pinipilit na wag maiyak.

"Tori, kaibigan mo din kami. Pwede ka namang umiyak kung gusto mo. We will not judge you." Nakangiti sabi ni Ali at niyakap namin sya

Doon na sya nagsimulang umiyak ng umiyak. For the first time nakita naming umiyak si Tori, sanay kasi kaming makulet at madaldal sya kahit na may problema sya pero iba ngayon kasi bestfriend nya na yung pinag-uusapan. Masyado kasing nakadepende si Tori sa bestfriend nya. Konting kilos nya alam agad ng bestfriend nya, pupunta lang syang mall para mamasyal o may bibilhin lang bestfriend nya ang kasama nya.

Saglit lang din naman at um-okay na si Tori. Sabi nya kaya naman daw nyang walang Vicente Villarama sa buhay nya. Kakayanin nya daw. Sinabi naman naming nandito lang kami para sa kanya.

*ding dong*

"Ako na magbubukas." Sabi ni Ali

"Zeke, napadalaw ka ay kasama ka pala Sebastian haha." Sebastian? As in Sebastian Jhake Montemayor?

"Oooh. Flowers, teddy bear, chocolates, pizza, ice cream. Teka. Lasagna ba yan?" Rinig kong sabi ni Ali

"Oo" sagot ni Zeke. Alam kong si Zeke yon dahil kilala ko naman ang boses nya

"Sya pasok na kayo. Selena, nandito si Sebastian naakyat ng ligaw sayo. Haha" natawang sabi ni Ali

Tumayo ako sa sofa para sana magpuntang kitchen at saktong pagharap ko nagtama ang labi namin ni Jhake. Oh my god!

***

Alam ko sabaw 'tong update na 'to sinipag lang kasi ako eh. HAHA. Anyway, magpo-promote din kasi ako pabasa naman nung Friendship or Love story yon ni Tori. Hihihi. Thanks!

Yun palang tattoo ni Tori nasa multimedia. :)

xx, vimmy!

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon