Chapter 22

176 4 1
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

"Bri, na recieve mo na ba yung invitation ng Victoria Magazine?" Tanong ni Ali kay Bri habang nagluluto ng carbonara

"Yup. Kahapon pa, kayo din diba?" Tanong ni Bri habang busy sa iPad nya

"Oo, na tanong ko lang naman." Sagot ni Ali kay Bri

"Ali, ang sabihin mo gusto mo lang itanong kung magdadala ba kami ng date sa event, ikaw naman nahihiya ka pa. Alam na namin yan. Ako, si Hiro kadate ko sa VM Event" sabi ni Jess na busy sa phone nya

"Ako alam nyo na. Si None ang date ko." Sabi ni Lev na walang magawa kung hindi ang magselfie

"Zeke" maiksing sagot ni Ali

"Si Martin ang date ko. Hindi nyo na ko kailangang tignan ng ganyan." Sabi ni Bri na busy parin sa ipad nya

And in an instant silang tatlo tumingin sakin maliban lang kay Ali.

"What?" Tanong ko sa kanilang lahat

"Alam nyo ba si Seb tinipid ng VM? HAHAHA" natawang sabi ni Ali

"What did you mean tinipid?" Nagtatakang tanong ni Jess

Kainis naman eh. Sasabihin pa nya. Naman, Ali! Lord, gabay nyo po si Ali at ang kanyang bibig na wag magsasalita ng kung ano-ano.

"Yun bang invitation nyo para kanino nakasulat? Hahaha" natatawa parin si Ali

Ay jusko. Alam ko na. Sasabihin ni Ali. Bahala na nga.

"Para sakin lang." Halos sabay-sabay nilang sabi

"Eh yun kasing kay Seb hahaha tignan nyo hahaha" at inabot nya dun sa tatlo yung invitation ko na idinikit ko sa ref

"Ay Seb hahaha" sabi ni Jess

"Buti na lang sakin hindi ganyan hahaha" sabi ni Bri

"Seb, meaning lang nyan si Sebastian talaga dapat ang date mo." Sabi naman ni Lev

"Sinabi ko na yan sa kanya pero ayaw pa atang tanggapin ng utak nya hahaha" natatawang sabi ni Ali

"Hindi naman sa ayaw ko para kasing.."

"Para kasing?" Tanong nilang apat

"Parang ano.. para kasing.. ugh."

"PARA KANG SIRA!" sabay sabay nilang sabi tapos nagsitawa sila

"Wow girls nakakatulong kayo ah. Nakakatulong." Sabi ko sa kanila at tumawa lang sila

"Si Tori na nga lang ang makausap." Sabi ko at dinial ang number ni Tori

"Nasa katinuan na ba si Tori ngayon? Haha" tanong ni Bri

"Ewan. Hindi pa ata. Hahaha" sagot ni Jess

Sa pangatlong ring sinagot ni Tori ang tawag ko.

"Seb, paki-loudspeak para madinig din namin. Hahaha" sabi ni Bri

Ni-loudspeak ko naman.

"Hello?"

"Hello, Seb. Bakit?" Parang sa boses ni Tori para syang umiyak

"Umiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya

"Nope. May sipon lang ako."

"Ah. May itatanong kasi ako sayo."

"Okay sige. Ano yon?"

"Kasi diba may event ngayong weekend ang Victoria Magazine eh kasi yung invitation na pinadala kila Ali talaga para sa kanila lang yung sakin nakasulat kaming dalawa ni Jhake." Paliwanag ko sa kanya

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon