Chapter 5

213 8 0
                                    

Selena Beanca's

9:30 am na at papunta na ako sa Coffee Shop nila Ali na Ali's Palace. Malapit lang naman samin ang coffee shop na 'to nila Ali kaya 9:40 pa lang ng makarating ako.

"Good Morning, Ms. Seb!" salubong sakin ni Thea isa sa mga staff nila Ali dito sa coffee shop

"Good Morning, Thea" nakangiti ko ding bati sa kanya

"Vacant po yung favorite spot nyo dun po ba kayo?" Tanong nya agad sakin

"Ahm oo dun na lang ako." Sinundan nya kong makaratinh don tsaka ako tinanong ng order ko.

Isang hot choco ang inorder ko miya-miya ay dumating din si Thea dala ang hot choco na inorder ko.

Tumingin ako ng libro sa ilalim nitong table pero mas nakuha ng scrap book ang atensyon ko. Kinuha ko yun at inilagay sa table.

Table #5's Memories

Ang nakalagay sa harap ng scrap book. Binuksan ko ito at ang una kong nakita ay picture naming lima. Si Ali, Ako, Si Sam, Si Lev at Si Jess. Nene pa kami dito sa picture at bagong bukas lang ang Ali's Palace.

Ang picture namin ay may caption na "Forever does exist. Friends forever." -Aliyan Rose Kim Benedicto, Selena Beanca Del Sol, Jessyly Krystal Uy, Sambrilian Toss Tiu, Levinia Margarhita Zobel

Sumunod na picture kaming dalawa ni Ali na naka-head pa si Ali at ako naka-eye glasses pero todo ngiti kaming dalawa. At may caption na "Bestfriends bonding. Insert Jessyly, Sambrilian and Levinia here." -Aliyan B. & Selena DS.

Nakita ko yung sumunod na picture ay si Jess, Sam at Lev. Si Jess may braces pa, Si Sam short hair pa, si Lev na naka-braid pa ang buhok. Todo smile si Jess at Sam habang si Lev tipid na smile lang. At napangiti ako sa caption nila. "Bestfriends bonding time! Do not insert Aliyan and Selena here di kami sinama kahapon eh." -Jessyly U., Sambrilian T. & Levinia Z. (P.S. Sila lang nag caption nyan di ako kasama. They're so immature. -Levinia Z.)

Madami pa kaming pictures na mga nakakatawa ang caption pero ng maglipat ako ng page di ko naman inakala na yun ang makikita ko.

Picture namin ni Jhake na may nakasulat dun sa taas ng picture na date tapos yung sa baba nakasulat Seb x Seb

At gusto kong maiyak sa caption.

"I will always here for you, no matter what. I love you." -Seb/ Selena Beanca Gokongwei Del Sol

"Hangga't nandito ako hindi kita iiwan. Poprotektahan kita promise yan at lahat gagawin ko para sayo. Mahal na mahal kita." -Seb/ Sebastian Jhake Ventura Montemayor

Nilipat ko agad ang page at halos puro kami na yung nandun kaya sinarado ko agad yung scrap book at agad na pinunasan ko agad ang luha ko.

Tinignan ko ang oras at 10:30 na pala halos isang oras ko din palang tinignan yung laman ng scrap book at wala parin si Jhake pero nagtext syang pupunta sya kaya mahihintay pa ko ng kalahating oras.

Nagbukas ako ng facebook at panay friend request lang naman, ilang message at napakadaming notifications ng kung ano-ano at dahil wala ko sa mood di ko muna pinansin ang mga yon at naglog in sa twitter may mga ilang DM din at madaming notifications pero di ko din pinansin at nagbasa na lang ako ng mga quotes at ang magustuhan ko ni-retweet ko medyo na bored na ako kay nag-instagram naman ako may mga notification din pero wala akong pinansin kumuha lang ako ng mga Inspirational Quotes at tinignan ko ang oras.

11:11 am na. Naghintay na pala ko ng ilang oras, siguro nga hindi na sya darating. Tumayo ako at umalis na sa Ali's Palace.

Sebastian Jhake's

Nagpunta muna ako kila Yana para personal na magpaalam na di ako makakasama sa kanila pero medyo natagalan ako at na-traffic pa ko.

At ngayon malapit na ko sa Ali's Palace. Pagkatapos kong magpark agad-agad akong lumabas sa sasakyan ko at nanakbo na ko papasok sa entrance ng Ali's Palace.

Pagkapasok ko. "Good Morning, Sir Sebastian." Bati pa sakin ni Thea pero di ko na sya pinansin at agad na tinignan ang favorite spot ni Beanca at may naka-upong babae dun kaya agad ko yung pinuntahan.

"Beanca!" Tawag ko sa babae ngunit ng tumingin ito sakin ay hindi sya si Beanca

"Sorry miss." Sabi ko agad sa kanya

At palabas na ko ng Ali's Palace ng tinawag ako ni Thea

"Sir Sebastian!" Nilingon ko sya

"Nandito po kanina si Ms. Seb kaso naka-alis na po sya ilang minutes lang at may naiwan po ata sya sa table nya kanina" Iniabot sakin ni Thea ang isang maliit na pahabang pink na kahon

Binuksan ko ito at gusto kong sisihin ang sarili ko. Na dapat sana ay tinext o tinawagan ko na lang ang mga kaibigan ko na di ako makakasama sa kanila kesa ang na-late ako at di naabutan si Beanca.

Ibinalik nya sakin ang kwintas na binigay ko sa kanya. May note itong "Jhake, thankyou for making me feel loved when we're together, thankyou for everything you've done for me and i'm sorry. Goodbye. -Selena Beanca Gokongwei Del Sol"

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon