Selena Beanca's
Ilang linggo ng yung quadroplets ang kasama ko pano kasi si Ali busy sa Ali's Palace may gagawin daw kasing bago, si Lev busy sa Not So Full pati kay None na boyfriend nya, si Bri ayun busy din sya sa boutique nila at si Jess busy sa Jessy's pero di ako naniniwala yun si Jess maasahan mo ba yun pag dating sa restau nila? Malabong mangyari yun. Ang alam ko may bago kasi syang manliligaw at dun sya busy masabi nya lang na busy sya.
"Nasan na ba si Lyien? Gutom na ko! Huhu" sabi ni Zien with acting pa na masakit na ang tyan nya
"Gutom ka na naman? Kumain ka na kanina ah? Di ka parin na bubusog?" Sabi ni Vien na nakaharap sa laptop nya
"Alam mo naman yan parang piggy bank na butas" sabi ni Gien na busy magbasa ng libro
"Bat ba bigay kayo ng bigay ng side comments? Hinihingi ko ba? Hindi naman diba?" Maarteng sabi ni Zien
"You're asking" sabi pa ni Gien na hindi parin na aalis ang paningin sa binabasa nyang libro. Ewan ko nga eh pano nya nagagawang makinag at makipag-debate sa mga sinasabi ni Zien habang nagbabasa sya masyadong multi tasking sabagay sabi nga nilang tatlo she's freakin' genius.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko! Si Selena yung tinatanong ko!" Sabi ni Zien na halatang medyo asar na
"COOKIES FOR YOU GUYS!" sigaw ng kadarating lang na si Lyien
"Yay! Cookies! Thankyou Lyien!" Masayang sabi ni Zien ng makakuha sya ng cookies at di pa nakuntento niyakap pa ng mahigpit si Lyien
"Oh Kryzienne i can't breathe" nahihirap sabi ni Lyien
"Oh i'm sorry! Hihi" nag-peace pa si Zien kay Lyien
Busy kaming kumakain kami ng cookies na gawa ni Lyien ng lumapit si Zien kay Vien na busy parin sa laptop nya
"OH MY GOD! IS THAT TRUE?! MAY NEW GIRLFRIEND NA SYA?!" sigaw ni Zien na nakaturo pa sa screen ng laptop ni Vien
"Who?" Sabi ni Gien na sinara ang binabasa nyang libro
"Kylienne's forever crush!" Sagot ni Vien na humarap na samin at tinalikuran ang laptop nya
"EH?!" Nalaglag ang kinakaing cookies ni Lyien sa fresh milk na pinagdi-dip-an nya ng cookies dahil sa reaksyon nya
"Wait! Sino bang crush ni Kylienne na may new girlfriend na?" Naguguluhang tanong ko sa kanila
"Your friend! Sebastian Montemayor! May girlfriend na! He posted a photo on his IG" Sabi ni Zien
Nabitawan ko ang cookies at fresh milk na hawak ko dahil sa narinig ko. May bago na sya? Ang bilis naman nyang maka-move on pero bakit ako nandito parin?
"Selena! Are you okay?" Sabi ni Gien at agad akong nilapitan
"Ahm sumama lang yung pakiramdam ko. Siguro uuwi na muna ako para makapagpahinga medyo napagod kasi ako kahapon sa mga ginawa ko" paliwanag ko na lang sa kanila
Habang nasa byahe ako tinawagan ko si Ali pero di ko sya macontact busy line ganun din si Bri at Lev si Jess na lang ang pag-asa ko.
"Come on Jess pick it up. Please please please." Mahinang dasal ko habang nagda-drive
Nakatatlong ring pa bago sumagot si Jess
"Hello Seb napatawag ka?" The moment na narinig ko ang boses nya parang automatic na naglabasan ang luha ko
"Je-jess... m-may... ba-bago na s-sya..." i tried so hard para di mag-crack yung boses ko pero di ko kaya
"Nasan ka ngayon? Magkita tayo. Mas magandang sa personal natin yan pag-usapan okay? Now give me the address kung nasan ka"
"I'm o-on my t-to Not so f-full"
"Okay sa VIP ka pumunta okay? I'll be there in any minute just wait for me okay?"
Natapos ang usapan namin ni Jess sa phone at agad naman akong nakarating sa Not so full sa VIP agad ako pumunta.
I ordered 'move on', 'to forget him', 'love yourself' ice cream. Ewan ko nga ba kay Lev bakit ganito ang pangalan ng mga ice cream nila at parang patama pa sakin yung mga na order ko.
Saktong dumating ang order ko dumating na din si Jess at umorder ng 'he's the one' ice cream.
"Jess, look at his IG account" sabi ko kay Jess at kumain ng 'move on'
Kinuha ni Jess ang phone nya "Ano nga username nya?"
"@montemayorseb" bwiset na username nya yan kadikit pa sa username kong '@sebgokongwei'
"Really? May girlfriend na sya agad-agad?! Grabe! The nerve of that guy!" Sabi ko nga si Jess ang pinaka-oa samin
"Siguro naka-move on na talaga sya and for me its time to let it all go" napangiti na lang ako ng mapait
"He's following you naman na sa IG diba?" tumango ako bilang sagot sa tanong nya
"But on my notification he started following you 12 minutes ago" Huh? Baka naman
"Maybe he unfollowed me at finollow ult" walang buhay kong sagot
"Ooh! Wait! Dinelete nya yung photo nila!" Sabi ni Jess
Dinelete nya? Pero bakit?
"Open your twitter account! Look at your notifications! Dali-dali!" Nagmamadaling sabi ni Jess
I opened my twitter account and go to my notification.
@MontemayorSeb: She's just my best friend. @SebGokongwei
@MontemayorSeb: Hindi ko sya girlfriend. @SebGokongwei
@MontemayorSeb: Hindi rin totoo na pinatanggal ko yung tattoed name mo sa arm ko. @SebGokongwei
@MontemayorSeb: I love you, Seb. I still love you. Mahal na mahal parin kita. @SebGokongwei
~~~
Author's Note:
Papalitan ko po ang nickname ni Sambrilian Toss Tiu. Kung dati nickname nya ay Sam ngayon "Bri" na ang nick name nya Bri as in Bray. Okay okay? Haha At paalala ko lang po na hindi true to life story ito siguro medyo "hawig lang" pero hindi ito mismo.
Tamang bigkas ng mga komplikado nilang mga pangalan at apelyido:
Selena = Se-li-na
Beanca = Be-yang-ka
Gokongwei = Go-kong-weh
Yung Del Sol alam nyo na yan kung pano. Haha
Aliyan = Ah-li-yan
Sambrilian = Sam-bri-li-yan
Toss = Tos
Tiu = Chu
Levinia = Le-vi-ni-ya
None = Nan
Kylienne = Kay-lin / Lyien = Li-yen
Fabvienne = Fab-vi-yen / Vien = Vi-yen
Georgienne = Gor-gi-yen / Gien = Ji-yen
Kryzienne = Krish-yen / Zien = Shi-yenThankyou for reading and voting! Love you guys! xx