Chapter 20

129 8 0
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

"Bwiset talaga. Ayoko ng manood ng horror movies! Hindi na ko uulit! Gahd! Halos atakihin ako sa puso!" Reklamo ni Tori habang nakain kami

"Tori, tapos na yon, okay? Kaya tama na. OA na eh." Sabi ni Vin kay Tori

"Wow. Just wow. Napaka-supportive mong bestfriend sakin, Vin." Sarcastic na sabi ni Tori kay Vin

"Tama na daldal. Ang ingay mo eh. Tignan mo ikaw lang kaya ang hanggang ngayon nagrereklamo pa. Hindi ako galit sayo kaya kita sinasabihan. Gusto ko lang na ma-realize mo. Okay?" Paliwanag ni Vin kay Tori

"Okay. Fine. I'll zip my mouth." Sabi ni Tori

"Good." Sabi naman ni Vin at nagpatuloy na sa pagkain

"Maka-good 'to. Ano kala mo sakin aso? Tss." Bulong ni Tori na rinig parin naman naming lahat kaya nagtawanan na lang kami

"Haaay. Hindi talaga mapipigilan yang bibig mong madaldal." Pagsuko ni Vin sa kadaldalan ni Tori

"Whatever. Wag mo kong kausapin. Hindi tayo magkabati." Sabi ni Tori at agad na umiwas kay Vin

Pagkatapos naming kumain kaming mga girls dumeretso sa kwarto namin dahil gabi na rin at inaantok na yung iba pero eto na naman sila iniintriga si Tori.

"Akala ko ba pinagpalit ka nya?" Tanong ni Bri kay Tori na nakahiga sa kama na parang ayaw ng bumangon

"Oo. Yata." Alinlangang sagot ni Tori

"Huh? Bakit parang di ka sure?" Tanong naman ni Jess

"Kasi nakita ko lang yon sa fb. Na basa ko lang sa fb na may bago na syang bestfriend. Ayoko namang itanong sa kanya dahil ayokong masigurong tama yung iniisip ko." Sagot ni Tori

"Eh diba parang mas maganda kung alam mo talaga kung meron nga syang bagong bestfriend or wala kesa naman unsure ka." Sabi ni Zien na nakisali na din kila Bri sa pagtatanong kay Tori

"Oo, mas maganda nga yon. Aalamin ko din naman yung totoo. Tatanungin ko din naman sya kaso hindi pa ngayon. Ayoko pa kasi baka totoo pala tapos iwan nya ko, ayokong mangyari yon." Seryosong sabi ni Tori pero nakatingin lang sya sa kisame

"Anyway, tama na ang tanong. Pwedeng bukas naman? Tulog na tayo. I'm so sleepy." Sabi agad ni Tori at nagtalukbong ng kumot dahil alam naman nyang hindi sya titigilan nila Bri sa kakatanong

*tok tok tok*

"Yes? Bukas yan." Sabi ni Ali na pinakamalapit sa pinto ng kwarto

Bumukas ang pinto at sumilip si Vin.

"Si Vrix? Este Tori pala." Tanong ni Vin samin at tinuro namin sa kanya si Tori na nakatalukbong ng kumot

"Nickname din ba yun ni Tori?" Tanong ni Bri

"Oo, tawag ko yon sa kanya" sagot ni Vin

"Pwedeng pumasok?" Tanong pa ni Vin, pumayag naman kami pero lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Tori

"Vrix, alam kong hindi ka pa tulog. Samahan mo naman ako." At tinatapik ni Vin ang balikat ni Tori

"Ano ba Vin! Natutulog na ko eh! Ayon na oh! Nasa disney land na ko kinawayan na ko ni Mickey Mouse tapos bigla mo kong gigisingin! Gahd! Ibalik mo ko sa disney land ngayon na!" Nakasimangot na sabi ni Tori

"Psh. Vrix, panaginip lang naman yon. Samahan mo na lang ako." Sabi ni Vin kay Tori

"Siguro naman hindi tayo sa malayo pupunta no? Kasi tignan mo naka pajama na ko." Sabi ni Tori at pinakita ang pajama nyang cookie monster designed

"Okay lang yan. Lika na." Sabi ni Vin at hinila si Tori para umalis na ito sa kama

"Malakahila naman 'to. Akala mo eh humihila lang ng de gulong na bag. Aba'y Vin tao ako paalala ko sayo. Konti care naman dyan." Reklamo ni Tori habang papalabas na sila ng kwarto

Tumigil si Vin sa paglalakad at tumingin sakin

"Oo nga pala Selena pinapasabi ni Sebastian magkita daw kayo ngayon sa may pool side." Sabi ni Vin at umalis na sila

"Oh Selena mag-ayos ka na, mag-make up or anything! para lalong mainlove sayo si Sebastian." Parang kinikilig na sabi ni Bri

"Bri, ayos ka lang? Ang sabi sa may pool side tapos pagme-make up-in mo? Duh. Pwede na dyan ang natural beauty. Pak na pak na yon." Sabi naman ni Jess

Nagtatalo parin yung dalawa pero hindi ko na yon pinansin dahil occupied ang isip ko nagmagkikita kami ni Jhake sa may pool side.

Bakit? May pag-uusapan ba kami? Importante ba yon? Kailangan ba maganda ko pag nakita nya ko? Naku! Selena Beanca, mag isip ka! Think! THINK! Wooh! Wag kang kabahan kaya mo yan! Si Sebastian Jhake Montemayor lang yon.

Ay naman 'tong puso ko. Bat sobrang bilis ng tibok mo? At parang ang saya-saya mo?

***
Thankyou sa mga readers! Wavyewww!

xx, vimmy!

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon