Selena Beanca's
Dalawang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon nakatatak parin sa isip ko si Tori Leron. Yung mga sinabi nya sakin, yun ang lagi kong iniisip tuwing umagang gigising ako.
"GOOD MORNING, ACHI!" sigaw ng bunso kong kapatid na si Selein.
"Good Morning, Selein" bati ko din sa kanya. ang taas ng energy nya at hinila nya pa ako papuntang dinning table.
"Good Morning, Sebby" bati sakin ni Ate Selene ang panganay kong kapatid
"Good Morning, Ate" sagot ko kay Ate at kumain na kami, nakaalis na daw kasi sila Mama
Natapos kaming kumain at nagpaalam si Ate na aalis na sya kasi madami pa syang aasikasuhin at ako aalis naman ako ngayon para magliwaliw.
"Achi Sebby, picture muna tayo before you leave. Please? Pretty please?" Sabi ni Selein with puppy eyes at pout pa. Sino ba naman ako para tanggihan ang cuteness nya? Kahit na lagi nya kong inaaway. HAHA
"Okay. Wait." Kinuha ko yung phone ko at nagpicture kami, honestly sya ang nagtuturo sakin ng wacky poses.
Umalis ako ng bahay pagkatapos ng walang sawang pagpipicture namin ni Selein kailangan kong pumunta sa Yoga Class ko ngayon.
Binati ako ng mga nandon at ayun nga nagsimula na kaming mag-yoga. Mabilis masyado ang oras at tapos na ang yoga class ko. Paalis na ko ng may makabunggo akong babae.
"Oh. Sorry." Sabi nya at pinulot ang ibang gamit ko. Pamilyar ang boses na yon kaya napatingin ako dun sa babae.
"Tori. Tori Leron" medyo nagulat sya ng makita nyang ako pala ang nabunggo nya
"Selena Gokongwei" sabi nya ng nakatulala sakin
"Uhm.. nagyo-yoga ka din?" Tumango sya sa tanong ko
"Free ka na today? So we can chitchat naman. Hehe" offer ko sa kanya
"YES! It is an honor to have a chitchat with you. I mean who wouldn't say Yes to you. You are Selena Gokongwei my idol for freakin' out loud! OH MY GOD! This is my lucky day! Akala ko pa naman ang malas ko at morning class ang kinuhang schedule ni Ate sa Yoga Class namin pero hindi pala! Hahaha! Omg! Di parin ako makapaniwalang ikaw si Selena Gokongwei na super idol ko eh matatandaan ang pangalang Tori Leron. My gosh! HAHAHA" sobrang saya nya habang sinasabi yan kaya napangiti talaga ko
Ako na nagsabing sa Jessy's kami kumain treat ko naman. Ayaw pa nga nyang treat ko kasi nakakahiya daw pero wala syang nagawa dahil mas makulit ako kesa sa kanya.
Habang nakain kami ako na ang nag-open ng topic.
"Uhm.. Tori, bakit nung last time na nagpa-autograph at nakipagselfie ka sakin hindi ka naman ganyan. I mean hindi ka naman energetic at jolly person parang ang serious mo masyado." Tanong ko sa kanya kasi talagang nagtataka ko
"Eh kesa nung oras na yon may toyo ako, hindi ko kasi nabili yung high heels na gusto naunahan ako nung isang babae tapos talagang badtrip ako non may bumunggo pa saking babae at parang kinikilig ang sabi 'Omg. Omg. Nandito si Sebastian Montemayor' nalaglag ang panga ko ng marinig ko yon nagmamadali din ako at hinanap si Sebastian may nakita kong nagkakagulo edi nakigulo ako kasi akala ko nandun sya yun pala ikaw na ka-loveteam nya ang nandon eh natuwa din ako kasi idol din kita kaya ayon ganon." Mahaba nyang paliwanag
Wait. Did i heard it right? Nandoon din si Jhake noon?
"Nandoon din si Jhake noon?" Tanong ko sa kanya
"Hmm" sagot nya na tumatango at kumakain na ng buttered shrimp
"Talaga? Bakit naman kaya sya nandon?" Wala sa sariling naitanong kaya napatakip ako ng bibig ko
"I dunno" at tumingin sya sakin nakita nyang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko
"Ano ka ba. Normal sa taong nasaktan at nagmo-move on yan." Sabi nya habang nagce-cellphone
"Huh?" Nagtataka kong reaksyon
"Yung maitanong kung bakit nasa iisang lugar sila nung taong minahal sya at hanggang mahal nya pa at dahilan ng pagmo-move on nya." Sagot nya na parang wala lang pero sakin tagos sa puso
Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi nya.
"Hindu mo kailangang sumagot sa mga sinasabi ko. Hindi ko din nababasa ang nasa isip mo talagang halata lang sayo ang mga iniisip mo masyado ka kasing transparent sa nararamdaman mo." Nakangiti nyang sabi sakin
"Pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan kasi una palang dapat alam mo na yon. Dahil ang mundo ay balanse. Minsan masaya ka, minsan malungkot para balanse. Tsaka pano ka matututo kung di ka masasaktan? Kaya minsan kailangan din nating maging malungkot at maranasang masaktan." Sabi nya habang busy parin sya sa cellphone nya
"Ang pagmamahal nakakatanga pero masaya. Yan ang lagi kong sinasabi. Achievement mo ang maging tanga pag nagmahal ka at least don naging masaya ka, bakit kung magiging praktikal ka ba magiging masaya ka? Hangga't masaya ka, go pa! Pero kung hindi na, itigil mo na kasi wala namang patutunguhan yon." Ganon sya kalalim mag-isip na hindi mo aakalain sa itsura nya
"Alam ko sayo dumadaan parin ang time na naiisip mo 'Nag kulang ba ko? May mali ba sakin? Hindi ba sapat yung pagmamahal na binigay ko?' hindi naman kasi maiiwasang isipin yon pero kung nagkulang ka man o may mali sayo eh ano naman? Kung mahal ka talaga ng tao walang kulang-kulang, walang mali-mali." Hindi na ko nakakain sa mga sinasabi nya kasi parang nawala ako saglit sa sarili ko
"Selena, hindi kulang yung pagmamahal na binigay mo sa kanya, sobra sobra pa nga eh. Tignan mo ba kung kulang yung pagmamahal na binigay mo, magmo-move on ka ngayon?" Kumuha sya ng tissue
"Selena, hindi lahat ng nagbe-break ay dahil hindi sila para sa isa't isa, minsan nagbe-break lang sila para mas marealize nilang di nila kayang wala ang isa't isa. At sa sitwasyon nyo ni Sebastian nagbreak lang kayo para magpahinga ng panandalian. In God's perfect timing everything will fall into the right places." Pinunasan nya ang luha ko, hindi ko alam naiyak na pala ako.
Niyakap ko sya at niyakap nya rin ako. I think i found a new friend and that is Tori Leron.
***
Author's Note:
Hi! Kahit walang 5 votes yung chapter 8 nag-udpate. Haha. Pasensya na sa update sadyang madami lang akong dinadamdam ngayon. Anyway, Selein is pronounce as Se-leyn and Selene is pronounce as Se-lin.xx, vimmy!