Chapter 4

174 11 0
                                    

Dedicated to cinderella14. Thanks for reading and voting this story. Enjoy reading! :)

Continuation...

"Hello, love" sabi agad sakin ni Beanca pagkasagot ko ng tawag nya

"Hello, love bakit napatawag?" tanong ko sa kanya

"Ahm. Kasi love pwede ka ba bukas?" Medyo nahihiya nyang tanong

"Oo naman love basta para sayo pwede ako, bakit ano bang meron bukas?" Sagot ko agad sa kanya

"Kasi love gusto kitang makita." Malambing pero may konting hiya nyang sagot sakin

"Miss na ko ni love. Haha. Sige anong oras ba tayo bukas? Para naman makapagpapogi ako" sabi ko sakanya

"Hahaha. Love di mo na kailangan magpapogi kasi kahit bagong gising ka may muta at may panis na laway pogi ka parin." Malimbing na sabi nya

"Mahal mo talaga ko noh? Nakakaya mo kasi kong sabihan ng ganyan eh. Hahaha."

"Syempre naman. Sige love babye na muna. Mamaya face time na lang tayo. I miss you and I love you!" Masaya nyang sabi

"Sige love. I miss you too! And I love you too! Mahal na mahal kita." Sagot ko sa kanya

"I love you three" pangungulit nya pa

"I love you four. I love you forever, Jhake" puno ng pagmamahal na sabi nya

"I will always love you." Sagot ko sa kanya at natapos na ang tawag

Bumalik ako sa bar para hanapin ang mga kaibigan ko. Nagpaalam na ako sa kanila kahit wala pa si Yana. Malapit na ko sa exit ng bar ng may humigit sa braso ko.

"Sebastian, where are you going?" Agad na tanong ni Yana

"Uuwi na" sagot ko sa kanya

"Huh? Its too early para umuwi." Sagot nya sakin na parang pinipigilan ako sa pag-alis ng bar

"Yana, kailangan ko ng umuwi. Mag-uusap pa kami ng girlfriend ko at mahalaga sakin ang makausap sya." Deretso kong sabi sa kanya

"Dahil lang sa mag-uusap kayo ni Beanca uuwi ka na? Ganon mo ba sya kamahal kesa saming mga kaibigan mo?" Tanong nya sakin na parang pinapapili ako

"Yana, hindi ko lang basta girlfriend si Beanca kasi mahal ko sya, mahal na mahal na kahit tawag nya lang napakahalaga." Paliwanag ko sa kanya

"Pero nakakasiyahan tayo ditong magkakaibigan. Iiwan mo kami? Para lang kay Beanca?" Tanong pa nya

"Yana, kung talagang kaibigan nyo ko maiintindihan nyo ako, maiintindihan nyong mahal na mahal ko si Beanca na napakaimportante nya sakin. Kung mahal nyo ko bilang kaibigan nyo susuportahan, hahayaan at magiging masaya kayo sa desisyon kong mahalin si Beanca. Alam mo ba itong pagba-bar na ginagawa ko? Feeling ko niloloko ko na si Beanca."

"But Sebastian we're just having fun here." Hindi nya talaga ko papaalisin

"Yana, na iintindihan ko naman yon pero hindi ko kaya ang ganitong klase ng pagsasaya kasi ito yung pagsasaya na parang niloloko ko yung mahal ko. Tama na, uuwi na ko." Paliwanag ko at umalis na sa bar.

Naalala ko pa yung mga panahon na hindi ko pa kayang lokohin ang babaeng mahal na mahal ko bukod sa Mama ko.

Tumunog ang cellphone ko at binasa ko ang text.

From: Love
Hi, Jhake! Pwede ka ba bukas? If pwede ka meet me at Ali's Palace, 10:00 a.m. -Beanca

Nagulat pa ako nung una dahil nagtext sya sakin ngunit agad din akong nagreply sa kanya.

To: Love
Pupunta ko.

Hinintay ko ang reply nya ngunit nakaka-limang minuto ay di pa sya nagrereply at ng muling tumunog ang cellphone ko ay nagmamadali akong magtype ng pin at agad na binasa ang text.

From: Yana
Sebastian, may out of town ang barkada bukas ng 9:30 am dito sa bahay maghihintayan. Hope to see you! :)

Eto na naman ako sa sitwasyong ito. Pinindot ko ang home at nakita ang masayang mukha ng babaeng nasa home screen ko. At alam ko sign 'to na dapat sya talaga ang piliin ko sa mga oras na 'to.

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon