Chapter 14

165 10 3
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

"By now i can't say na naka-moved on na ko kasi i'm still on the process. Siguro time will come." nakangiting sagot ko sa tanong ni Amanda ang host ng Artista Update

"So, meaning ba nito you are still in love with Sebastian Montemayor?" Nakangiti tanong sakin ni Amanda na parang napasabi nya ako ng isang bagay na dapat hindi ko isapubliko

Napaamin na rin naman ako, itutuloy ko na. "Yes, i'm still in love with him." Walang alinlangang sagot ko kay Amanda

Nag-iritan at nagsigawan ang mga fans namin ni Jhake o SelenaTians kung tawagin nila.

"Oh my god! Hindi ko ata kinaya yon! Okay okay. Wooh. Next question tayo. Bakit hindi ka umattend as a date ni Sebastian kagabi sa awards night?"

"May sakit po kasi ako kahapon pero kung wala ay aattend naman ako."

"Eto na talaga. Ang pinakahihintay nilang tanong. Sa viral photo mo may hawak kang neck tie. Kay Sebastian Montemayor ba ang neck tie na ito? Paano ito napunta sayo? At Selena bago mo sagutin ang tanong na ito, kunin muna natin ang sinasabing neck tie." At may isang staff ang nag-abot kay Amanda nung neck tie. Wait. Paano yan na punta dito? Iniwan ko yan sa condo sa pagkakatanda ko.

"Alam kong ngayon Selena nagtataka ka kung bakit nandito ang neck tie na ito. Dahil ngayon makakasama natin ang inyong mga kaibigan at kapwa artista. Let us all welcome, Jessyly Uy, Aliyan Benedicto, Sambrilian Tiu and Levinia Zobel" biglang pumasok sila Lev. Umupo sila sa katabing sofa nung inuupuan namin ni Jhake

"Ngayon, itutuloy ko na ang katanungan. Selena Gokongwei, kay Sebastian Montemayor ba ang neck tie na ito?" Tanong ni Amanda habang ipinapakita ang neck tie. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at nakangiti lang sila sakin na parang sinasabing, sabihin ko kung anong alam ko.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "To tell you the truth, hindi ko alam kung sino ang may-ari ng neck tie na yan. Na punta yan sakin dahil ibinigay yan sakin ni Lev" sabi ko at huminga ulit ng malalim bagong dugtungan ang sinabi ko

"Pero kung yung pabango ang pagbabatayan ko, isang tao lang ang kilala kong may ganyan pabango at si Sebastian yon" nag-iritan ang mga fans namin at todo ngiti naman ang mga kaibigan ko pati si Amanda

"Oh my god! Oxygen please." Sabi ni Amanda at nagpapaypay gamit ang kamay nya

"Para po malinawan na kayong lahat lalo na ikaw Selena..." panimulang sabi ni Jhake at tumingin sa mata ko

"Ako po talaga ang may-ari ng neck tie na yan dahil bago ako pumunta ng awards night nalaman ko kay Manager Henry na may sakit si Selena at mag-isa sya sa condo nya dahil padating pa lang ang mga kaibigan namin. Kaya walang pagdadalawang isip pinuntahan ko sya sa condo nya inalagaan ko sya at pinagluto pero dahil hindi ako komportable tinanggal ko ang neck tie ko kaya naiwan ko yon doon. At yon din ang sagot kung bakit ako na late sa awards night."

Hindi panaginip yon? Totoo talaga yung mga nangyari?

"At ngayon may gusto po ulit akong itanong kay Selena.." napatingin ako sa mata nya ng banggitin nya ang pangalan ko

"Bea, can i court you.. again?" Tumulo agad ang luha ko ng dahil sa tanong nya

"Handa akong maghintay kung hindi ka pa ready ulit." Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko

"Achi Bea, here's your cupcake." Napatingin ako sa kapatid kong bunso si Benice kung hindi pa sya nagsalita baka hanggang ngayon inaalala ko parin yung nangyari 3 days ago

"Si Ate Sey binigyan mo na din ba?" Tanong ko sa kanya

"Yes, pati si Kuya Eman binigyan ko din" Nakangiting sagot nya sakin, nginitian ko din sya

"Achi Bea, bakit ikaw you're not playing dota? Eh si Achi Sey at Kuya Eman nagpe-play lagi" naka-pout na tanong nya sakin

"Kasi hindi marunong si Achi Bea ng dota" hinaplos ko ang maiksi nyang buhok

"Tapos Achi Bea hindi ka din nagbibihis na parang doll kagaya ni Achi Sey. Lagi lang kita na wa-watch sa TV tapos nagka-cry ka pa minsan like this." Tapos nag-act pa sya na naiyak kaya napangiti naman ako

"Si Achi Sey kasi she's a cosplayer, ginagaya nya yung iba't ibang character kaya madami syang dress at minsan para syang doll. And Achi Bea naman is a actress, kaya lagi mo akong napapanood sa TV" paliwanag ko sa kanya

"Achi Bea, i miss my Kuya Jhake" naka-pout na sabi nya kaya naman napangiti na lang ako

"Bakit ba hindi na sya nagpupunta dito para i-visit tayo? Hindi na ba tayo love ni Kuya Jhake?" Ang laki talaga ng epekto ni Jhake kay Benice

"Benice, love na love ka parin ni Kuya Jhake busy lanh sya masyado kaya hindi ka nya mavisit pero siguro pag nagkaron sya ng free time ivi-visit ka non." Nakangiti kong sabi na ikinangiti nya

"Achi, sana ngayon free time din ni Kuya Jhake para bonding tayo. Hihihi" humahagikgik na sabi nya

"Ikaw talaga" at medyo pinisil ko ang pisngi nya

"Achi, can i borrow your phone?" Tanong nya habang naka-pout at puppy eyes with cross fingers

Ini-unlock ko yung phone ko at ibinigay sa kanya ang phone ko. Ngiting-ngiti naman sya habang hawak ang phone ko at may kinakalikot doon.

"Benice, may kukunin lang ako sa kitchen ah?" Nag-nod lang sya dahil busy parin sya sa phone ko

Kumuha lang ako ng tubig namin ni Benice at pabalik na ko ng marinig kong nagsasalita si Benice

"Hindi ka na nagpupunta dito sa house namin para i-visit kami akala ko tuloy di mo na kami love. Eh diba sabi mo we will go to disney land. Pano tayo pupunta don if hindi ka kasama? Talaga! I'm so happy! We miss you too! I wanna see you tapos we will go to the beach! May makikita tayong shark. Splasssssh! Hihihi What? You are here?!" Nagmamadaling pumunta si Benice sa main door at binuksan yon.

Bigla silang tumingin sa dereksyon kung nasan ako. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa nakikita ko ngayon.

"ACHI! KUYA JHAKE IS HERE! He have something for you hihihi" humahagikgik na sabi ni Benice

"Bea, para sayo nga pala." Inabot nya sakin ang isang bouquet ng bulakak

"B-bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya

"Diba sabi ko nga liligawan ulit kita kaya eto ulit ako." Nakangiti nyang sabi sakin

*****
Thankyou for reading and voting this story! Anyway, nagpalit nga pala ako ng username dahil na trip-an ko lang. HAHAHA!
Follow me on Instagram: @vimxtrouble

HAPPY JHABEA DAY!!!

xx, vimmy!

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon