Chapter 19

122 7 0
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

Yung silang lahat alam ang tungkol dito tapos ako wala. Pero nakakatuwa naman kasi nag-effort silang i-surprise ako kahit na wala namang okasyon.

"Bakit ba minamahal kita? Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko? Nababaliw parin ako sayo. Bakit ba minamahal kita? Kahit aking nadarama na may mahal ka ng iba at parang bulag akong umaasa. Bakit ba minamahal kita?" Kanta ni Tori na with feelings pa sa karaoke

"Go Tori! Woohoo! Hahaha" cheer ni Bri kay Tori habang natawa. Si Tori naman tinodo pa ang pagkanta kaya nagtawanan na lang kaming lahat

"Oy! Wag nyo nga kong tawanan dyan! Minsan na nga lang ako kumanta ng ganon eh." Naka-pout na sabi ni Tori pagkatapos nyang kumanta

"Eh kasi naman Tori umagang-umaga talaga hugot agad ang kinanta mo. Hahaha" natatawang sabi ni Jess

"Vin!! They're bullying me! Ipagtanggol mo ko!!!" Naka-pout paring sabi ni Tori habang niyuyugyog ang balikat ni Vin

"Tori, tama naman sila hugot ka agad eh umaga pa lang." Sabi ni Vin kay Tori

"How could you?! Anong klaseng bestfriend ka? Hindi mo ko pinagtatanggol sa kanila! Binu-bully na nga nila ko pati ba naman ikaw! I hate you na! Nung high school naman tayo you're always there to protect me! And to be my superhero! Tapos ngayon ganyan ka na?! You've changed! Hindi na kita mahal!" Madramang sabi ni Tori kay Vin

"Isip bata ka talaga eh." Sabi ni Vin at inakabayan si Tori at ginulo ang buhok

"I'm childish and immature but you still love me! Don't worry i love you too." Nakangiting sabi ni Tori at yumakap sa braso ni Vin

"Tss. Chansing ka eh. Haha" natatawang sabi ni Vin kaya siniko sya ni Tori

"Alam nyo kung hindi ko lang kayo kilala, iisipin kong magboyfriend-girlfriend kayo." Sabi ni Lev

"Sweet nyo kasi. Ang cute pa tignan." Sabi naman ni Ali

"Love, ano sasabihin na ba natin sa kanila ang tunay nating relasyon?" Sabi ni Tori ng nakatingin sa mata ni Vin

"Eh?!" Sigaw naming mga babae

"Pfft. Haha. Love, baka mabigla sila. Hahaha" natatawang sabi ni Vin

"Vin, pambasag ka talaga eh. Ang ganda na nung acting ko yung mga reaksyon nila parang maniniwala na eh tapos bigla kang tatawa. Galing mo talaga eh." Sabi ni Tori at piningot si Vin

"Kung may chance na magiging kayo. Ang cute!" Sabi ni Kylienne o Lyien

"Oo. Kasi yung personality nila pag pinagcombine ang kulet. Haha" sabi naman ni Kryzienne o Zien

"Pero i think hindi magiging sila kasi may something." Sabi ni Fabvienne o Vien

"Mas maganda ng hindi sila kasi mas cute tsaka kung maging sila tapos nagbreak edi awkward na. Sayang yung cute friendship nila." Sabi naman ni Georgienne o Gien

Halos hindi kami nagkikibuan ni Jhake kahit na hapon na. Puro lang si Tori at Vin ang maingay.

At ngayon nandito kami sa mall dahil gusto nila manood ng horror movie.

Nag-umpisa na yung movie puro lang ako pagtakip ng mata at pagpikit tapos puro irit ni Tori at Kylienne ang maririnig bukod sa movie.

Nagmulat ako at saktong yung nakakatakot na part pala ng movie ang nakita ko kaya napairit ako ng todo at niyakap ang katabi ko.

Niyakap nya din ako at sinabing "Mahal, hawakan mo lang ang kamay ko para mabawasan ang takot mo."

***
Sorry. Medyo maiksi at puro si Tori at Vin at ang na focus. Haha.

xx, vimmy! 

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon