Chapter 13

152 7 1
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

May kumatok sa pinto ng condo ko at bilang si Jess ang pinakamalapit sya ang nagbukas.

"Ay pasensya na po. Wala na po kaming yelo sa mga oras na 'to. Bukas na lang po ulit" sabi ni Jess ng buksan nya ang pinto ng unit ko

"Hindi po ako bibili ng yelo. Kukuha lang po ako ng basura" nakangiti sabi ni Tori at lahat kami ay napasigaw

"TORIIIIIIIIIIIII!" Halos sabay-sabay naming sigaw at tumakbo kami papunta kay Tori at niyakap namin sya

"Wait. Ayoko pang mamamatay! Hindi pa ko nagkakaboyfriend! Oh God help me!" Sigaw ni Tori habang yakap-yakap namin sya kaya kumalas kami ng yakap sa kanya at nagtawanan dahil sa sinigaw nya

"NBSB ka ba talaga?" Natatawang tanong ni Bri kay Tori na ikinasimangot ni Tori

Nandito na kami ngayon sa sala para mag-movie marathon pero parang naging Q & A sesh 'to ni Tori. Panay kasi ang tanong nila Jess

"Oo. Bwiset kasi yung bestfriend ko eh hinaharang mga manliligaw ko! Pero pag sya wapakels naman ako." Sabi ni Tori at kumuha ng popcorn

"Eh diba in love ka sa bestfriend mo? Tapos sabi mo may girlfriend? Paano mo na hahandle yon?" Curious na tanong ni Jess

"Simple lang. Kunyari manhid ako. Kunyari wala akong nararamdaman para sa kanya." Walang alinlangang sabi ni Tori

"Pero sa tingin mo may pag-asa kayo?" Tanong naman ni Ali kay Tori

"Walang pag-asang maging kami kasi sa una pa lang alam ko naman na yon. Sabi ko pa nga noon hindi ako magmamahal ng lalaking katulad nyang minsan lang magseryoso pero wala eh kinain ko yung mga sinabi ko." Sabi ni Tori at kumain na naman ng popcorn.

Tinignan ko sila Lev at nakita kong parang mga napaisip sila sa mga sinabi ni Tori kaya tumahimik. Nabasag lang ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ni Tori na nakapatong sa center table. Lahat kami ay napatingin doon. Best friend nya ang tumatawag.

"Speaking of the devil. Wag kayong maingay ah, i-loud speaker ko." Sabi ni Tori bago sagutin ang tawag ng bestfriend nya

"He---" hindi pa natatapos ni Tori ang salitang hello nang magsalita ang bestfriend nya

"Tori, nakailang ring pa talaga bago mo sagutin?" Sabi ng bestfriend

"Aba. Pasalamat ka nga at sinagot ko tawag mo. Hindi ka nga umabot ng 15 missed calls bago ko sagutin eh." mataray na sabi ni Tori at umirap na akala mo eh makikita nung bestfriend nya

"Sorry na. Nagba-basketball nga ko non eh kaya di ko nasagot kung hindi naman ako nagba-basketball non eh sasagutin ko agad. Sorry na wag ka ng umirap baka tumirik yang mata mo sige ka."

"Whatever. Ano bang kailangan mo at napatawag ka? Pakibilisan lang at magba-basketball din ako."

Pinipigil namin ang tawa namin sa sinabi ni Tori. Hahaha.

"Si Tori naman oh. Gusto ko lang na samahan mo bukas si Leen." Malambing na ang boses ng bestfriend ni Tori siguro para samahan ni Tori ang sinasabi nyang Leen

"Nako naman Vin hndi ako pwede bukas! Nakalagay kasi sa planner ko na bukas tulog ako maghapon. Ikaw na lang ang sumama sa girlfriend mo."

"Victoria, naman eh please? Hindi naman pwedeng tulog ka maghapon bukas tsaka hindi lang talaga ko pwede bukas."

"Hoy, Vicente! Aba't nag-girlfriend ka pa kung ayaw mo naman palang kasama! Tumigil ka may date ako bukas."

"Kilala mo naman ba talaga yang ide-date mo bukas?! Hindi! Eh naka-chat mo nga lang ata yan! Tumigil ka sa mga pa-date date na yan! Madaming manloloko ngayon! Tori naman!" Halata sa boses ng bestfriend nya na over protective sya at ayaw nyang masaktan si Tori

"Bakit Vin? Natatakot ka ba na sakin bumalik ang karma mo?" Puno ng kahulugang sabi ni Tori

"Tori, sumunod ka na sa sinabi ko, okay?"

"Okay. Fine. Whatever."

"Yes. Thankyou. Sige ba-bye na. Love you."

"Bye." At pinutol na ni Tori ang tawag

"Anong gagawin mo bukas kasama yung girlfriend ng bestfriend mo?" curious na tanong ni Jess

"Shopping siguro. Gusto kasi ni Vin na makasundo ko yung girlfriend nyang si Leen kahit na parang malabong mangyari." Sabi ni Tori at uminom ng apple juice

"Eh bakit ka pumayag?" Tanong naman ni Bri

"May mga bagay na ayaw man nating gawin pero pag yung taong mahal natin ang nagsabi gagawin natin." Sabi ni Tori

"When you're in love you can do everything even the things you never imagine you'll do because love is like a spell." Dugtong ni Tori sa sinabi nya

Bigla kaming napatingin sa TV na napalipat ang channel sa news.

"Hehehe. Sorry na upuan ko yung remote sa pag-urong ko" naka-peace na sabi ni Bri

"Aktor na si Sebastian Montemayor na huling dumating sa awards night. Si Sebastian ay dumating sa venue ng awards night ng medyo pawisan at walang neck tie na suot kaya marami ang nagtaka kung bakit walang syang suot na neck tie." At pinakita ang picture ni Jhake habang naglalakad sa red carpet

"At nagkagulo din ang mga fans ng aktor at ka-love team nitong si Selena Gokongwei dahil sa viral photo ng aktres. Makikita sa litrato ng aktres na nakapambahay lang syang damit ngunit kitang-kita parin ang kanyang natural na ganda, nasa isang coffee shop sya kasama ang aktres na si Levinia Zobel ngunit hindi yon ang dahilan kung bakit nag-viral ang litratong ito. Ito ay nag-viral dahil sa hawak na neck tie ni Selena Gokongwei sa litrato." At pinakita naman ang picture namin ni Lev kanina lang sa coffee shop. Ramdam kong tumigin saming dalawa ni Lev sila Jess.

"May ilang nagsabi na baka daw na-photo shop lang ang litrato ngunit mas marami ang nagsasabing hindi dahil din sa isang litrato ng fan ni Selena Gokongwei kasama sya. Makikitang hawak parin ni Selena Gokongwei ang sinasabing neck tie ni Sebastian Montemayor." Pinakita naman yung picture ko kanina kasama yung babaeng fan ko na nagpapicture sakin

"At kung totoo ngang kay Sebastian Montemayor ang neck tie na hawak ni Selena Gokongwei, pano itong napapunta sa kanya? Abangan bukas ang live interview kay Sebatian Montemayor at Selena Gokongwei sa Artista Update 4:30 ng hapon."

Tumunog ng dalawang beses ang message alert tone ko.

From: Manager Klare
May interview kayo bukas ni Sebastian sa Artista Update. 4:30 pm yon pero punta ka sa studio ng 3:30 para magprepare tayo sa mga tanong nila sayo.

From: Jhake
Sorry. Wag kang mag-alala aayusin ko 'to.

************
Thankyou for reading and voting! xx
Follow me on Instagram: @vim.marie

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon