Selena Beanca Gokongwei del Sol
"Tori, do you think Pierre is not the right man for me? Kasi diba kanina sinabi mo." Pangungulit ni Bri kay Tori
"Bri, accept the fact that he is not the right man for you. Ano sapilitan ba 'to? Nandyan naman si Martin ah? Hahaha" pang-aasar ni Jess kay Bri pero inirapan lang ni Bri si Jess na ikinatawa nito
"Bri, hindi ko naman masasabi yun eh, sinabi ko lang kanina yung opinyon ko. Ikaw parin naman ang makakaalam kung sya na nga ba si the one." Sabi ni Tori na parang hindi umiyak kanina este kahapon pala dahil madaling araw na ngayon at todo kain lang ng turon na dini-dip nya pa sa vanilla ice cream
"Feel ko kasi sya na talaga eh." Pagpupumilit ni Bri
"Alam mo Bri feelingera ka eh. Hahahaha" pang-aasar pa din ni Jess kay Bri
"Che! Selena, palayasin na nga yang si Jess wala namang kwenta kausap epal pa ng epal sa usapan!" Asar na sabi ni Bri
"Tumigil na nga kayong dalawa. Ayan na naman kayo sa walang katapusang away nyo eh." Bored na sabi ni Lev sa kanila
*ding dong!*
"Ako magbubukas ng pinto!!" Sigaw ni Jess na akala mo eh ang layo namin sa kanya
"Jess, hindi mo kailangan sumigaw." Sabi ni Ali kasi na istorbo ata nung pag sigaw ni Jess yung pagbabasa nya
"Hi--! Ay jusko! Akala ko naman si Hiro. Lev! Si None nandito hanap ka!" Sigaw ni Jess tsaka lumakad at padabog na umupo sa sofa
Pumasok si None at binati kami. At as usual naglalambingan na naman sila ni Lev at puro sila selfie.
*ding dong!*
Nagmamadaling tumakbo si Jess papuntang pinto at pagbukas nya.
"Ano ba naman yan! Oh Selena, Ali! may bisita kayo! Pati din ikaw Bri!" Sigaw ni Jess na halatang disappointed
Pumasok si Zeke at si Jhake pati narin si Martin.
"Ang tagal nyo naman nakabasa na ko ng limang chapter bago kayo bumalik." Sabi ni Ali sakanila pero parang kay Zeke nya lang naman sinasabi dahil kay Zeke lang sya nakatingin
"Bea, lika alis muna tayo may pupuntahan lang tayo." Sabi ni Jhake sakin ng diretsong nakatingin sa mata ko at ako naman na parang wala sa sarili ay umoo na lang.
"Guys, alis na kami ah." Paalam ni Jhake sakanila
"Sige! Basta pasalubong ah?" Sabi ni Bri. Pasalubong? Bakit san ba kami pupunta? Baguio? Vigan? Palawan? Cam Sur? Boracay? Eh baka nga dyan lang kami sa mall.
The next thing i knew nasa loob na kami ng fortuner nya.
"Ah. Jhake, san pala tayo pupunta?" Sa wakas nakapagtanong na din ako
"Basta. Kung gusto mo matulog ka muna." Sabi nya sakin
Matulog? Bakit? Mahaba ba ang byahe sa pupuntahan namin?
Tumingin na lang ako sa binata nitong sasakyan at napansin kong papunta kaming south.
Nag-earphones na lang ako at nakinig sa music. Ilang minutes lang inaantok na ko.
"Bea, anong gusto mong kainin?" Rinig kong sabi ni Jhake
Iminulat ko ang mata ko at napansin kong nasa drive thru kami ng McDonald's. Nakatulog pala ko.
"Ahm. Kagaya parin ng dati." Sabi ko sakanya
"Sige, order na ko." Sabi nya at um-order na dun sa machine then nagdrive ulit sya para makuha naman namin yung order
"Good Morning, Sir. Here's your order. Have a great day po!" Nakangiting sabi ng crew
Kinuha naman ni Jhake yung order namin at nginitian yung babaeng crew
"Ah. Sir, Mam. Diba po kayo yung artista na si Sebastian Montemayor at Selena Gokongwei? Papicture naman po." Nakangiti nyang sabi samin
"Oh sure." Sagot ko agad sa kanya
Agad naman nyang nilabas ang phone nya para maggroupie kami. Pagkatapos ay nagpasalamat naman sya samin.
"Thankyou po." Nakangiti nya paring sabi samin.
Nagdrive na ulit si Jhake habang kumakain ako ng fries.
"J-jhake, gusto mo b-ba subuan kita nitong fr-fries?" Nahihiya kong sabi kay Jhake. My gahd! Ano ba 'tong dila ko? Masyadong madaldal.
"O-oo" nahihiya nya ding sabi sakin
Sinubuan ko sya ng fries at ng medyo tumagal hindi na kami awkward.
"Nandito na tayo." Sabi ni Jhake ng papasok kami sa isang resort
Nagpark na sya at bumaba na kami sa sasakyan nya. Wait. Bakit?
Pumasok kami sa loob ng resort at hindi nga ko nagkakamali.
"WELCOME TO LAGUNA, SEBBY!" sigaw nilang lahat.
Wow. Andami nila. Nandito silang lahat.
"Wow. Wait. Paano ako? Wala akong dalang gamit ko." Sabi ko sa kanila
"Nagdala na ko." Sabi ni Ali sakin
Bakit parang partner-partner 'to ah. Ali and Zeke, Lev and None, Jess and Hiro, Bri and Martin, Tori and Vin, Secret and Oreon, Yours and Jeser, Kylienne and Dred, Kryzienne and Joms, Georgienne and Val, Fabvienne and Reigan...
Tapos.. ako at si Jhake?
***
Thankyou sa mga nagbabasa, nagvo-vote at nagco-comment!Follow me on Twitter and IG: @ikayeris
xx, vimmy!