Chapter 21

147 6 1
                                    

Selena Beanca Gokongwei del Sol

Nagdesisyon akong wag ng mag-ayos dahil sa pool side lang naman kami magkikita ni Jhake.

Malapit na ko sa may pool side ng may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko.

Oh god. Lord help me please!

Nagpupumiglas ako ng magsabi ang may hawak sakin.

"Sebby, wag kang malikot ako 'to si Zeke." Sabi ni Zeke tapos ay binitawan ako

"Oh god. Akala ko kung sino na." Sabi ko kay Zeke kasi kinabahan talaga ko don

"Wait. Bakit mo nga pala ko hinila? For what reason?" Tanong ko sa kanya

"Alam mo naman kung anong meron bukas?" Tanong nya sakin

Oo, i'm very aware of what date tomorrow is. Tomorrow is Jhake's birthday.

"Anong oras na, Sebby?" Huh? Ano ba namang tanong yan?

"8:32 PM" sagot ko ng nakatingin sa wrist watch ko

"Okay. Tamang-tama. Oh sige Sebby puntahan mo na si Sebastian don at libangin mo sya hanggang 11:58 PM" Ano daw? Libangin ko?

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko

"Sebby, may ihahanda tayong surprise party kay Sebastian mamayang 12:00 AM at ang parte mo lang ay ang ilabangin sya." paliwanag nya sakin

"Paano ko naman lilibangin si Jhake? Parang ang hirap naman nung part ko. Pwede bang sumali na lang ako sa pag-aayos? Tapos kayo na lang maglibang sa kanya. Hehe" nakangiti kong sabi sa kanya

"Sebby, ikaw lang ang makakalibang sa kanya. Mamasyal kayo kung gusto nyo, manood ng movie sa mall, magdate, magshopping o kahit ano pa. Basta dapat 11:59 PM nandito na kayo." sabi nya pa sakin

"Okay. Sige. Ako ng bahala sa kanya, text nyo ko pag babalik na kami." sabi ko sa kanya

"That's good. Thanks, Sebby. Puntahan mo na ang alien ng buhay mo, dyosa." Nakangiting sabi ni Zeke

Ngumiti na lang ako sa kanya at pinuntahan si Jhake.

"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all i need to be with forevermore"

Natapos ang pagkanta ko ng nakatingin lang sakin si Jhake. Nahihiya nga ako kasi wala naman akong golden voice hindi kagaya ni Jhake pero dahil birthday mamaya ni Jhake kinaya kong kumanta sa harap ng maraming tao.

"WOOHOO! GO SELENA!" sigaw nung iba naming fan na kanina pa nanonood sa pagkanta ko

Ngumiti ako sa kanila at nahihiya akong lumapit kay Jhake.

Nasan kami? Nandito kami ngayon sa isang iskinita medyo malapit sa resort nila Tori. Napadaan kasi kami at dahil wala kong maisip na panlibang sa kanya. Naisipan kong kumanta na lang at dahil nakakita ako ng karaoke nakikanta ako.

Nagpasalamat kami dun sa may-ari nung karaoke tapos ay pumunta kami sa tindahan ng ihaw-ihaw.

"Ang sarap talaga ng isaw." Sabi ko at kumain ulit ng isaw

"Halata nga may sauce ka pa oh." Pinunasan nya ang gilid ng labi ko

Ugh. Ang bilis ng tibok ng puso ko parang lalabas na sa ribcage. Oh god.

"Ah hehehe" yun na lang ang nasabi ko pagkatapos nyang punasan ang gilid ng labi ko

*beep! beep!* tunog ng phone ko

From: Zeke Ignacio
Sebby, ready na ang lahat. Balik na kayo dito.

Agad akong nagreply

To: Zeke Ignacio
Okay. We're on our way there.

Tumingin ako kay Jhake na nakatingin pala sakin. Nginitian ko sya.

"Jhake, balik na tayo sa resort masyado ng gabi." Nakangiti kong sabi sa kanya

"Oh sige. Halika na." Sagot nya

"Tulog na siguro silang lahat." Sabi ni Jhake

Tumingin ako sa wrist watch ko. Ilang seconds na lang birthdat nya na. Nakatatlong hakbang pa kami.

"HAPPY BIRTHDAY, SEBASTIAN!!!" sigaw nilang lahat at may sumabog pang confetti

Halatang nagulat si Jhake at natuwa. Tumingin sya sakin at..

"Happy Birthday, Jhake." Nakangiti kong bati sa kanya

***

HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO OUR PRINCE, JHAKE ANGELO CUNANAN VARGAS! WISH YOU ALL THE BEST IN LIFE. GOD BLESS YOU MORE AND MORE!

xx, vimmy!

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon