Selena Beanca Gokongwei del Sol
"Oh. Kailangan ko munang um-exit. He's here." Sabi bigla ni Tori
"Huh?" Pero nagmamadali ng umalis si Tori. Sinong nandito na?
"Beanca.."
Oh. That voice. I know that voice. Why is he here?
Dahan-dahan akong umikot para makita si Jhake.
"I know you're here para sabihin saking pwede naman akong hindi umattend kung napipilitan lang ako pero Jhake hindi ako napipilitan kaya a-attend ako." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong sabihin yon
"Bea, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko ding sabihin sayo na... hanggang ngayon ikaw parin. Ikaw parin ang laman nito." Kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa kaliwa nyang dibdib at doon ramdam ko kung gaano kalakas ang pintig ng puso nya.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na lang itong bumagsak. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kamay nya.
"Bea, kahit kailan naman hindi ka nawala sa puso. Ikaw parin ang sinisigaw nito. Hanggang ngayon mahal na mahal na mahal na mahal parin kita... pero may mga bagay pa talaga na magulo ngayon kaya hindi ko maayos ang sating dalawa. Pero promise ko sayo mahal babalik ako sayo... at.. matatanggap ko naman kung huli na ko." Umiiyak na rin sya habang sinasabi yon.
Ang tawag nya saking 'mahal' tila'y lumalabot ang puso ko.
Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin o isagot sa mga sinabi nya. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Kung dapat ba maging masaya ko kasi ngayon nalaman ko ng mahal nya parin pala ko? O kung dapat bang wag na lang akong umasa na babalik pa sya sakin. Dahil nasaktan nya na ko noon, hindi imposibleng magawa nya ulit yon pero hindi ko naman dapat na husgahan agad sya.
"Basta mahal lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal na mahal kita." Sabi nya sakin at hinalikan ako sa noo
***
"ACHI! KUYA JHAKE IS HERE! He have something for you hihihi" humahagikgik na sabi ni Benice
"Bea, para sayo nga pala." Inabot nya sakin ang isang bouquet ng bulakak
"B-bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya
"Diba sabi ko nga liligawan ulit kita kaya eto ulit ako." Nakangiti nyang sabi sakin
Pinaglaro muna ni Jhake si Benice sa play room nya at sinabing susunod na lang kami sa kanya dahil may pag-uusapan daw kaming importante. Sumunod naman agad si Benice sa sinabi ni Jhake.
"Jhake, hindi mo naman kailangang magmadali kasi you know.. medyo magulo pa ang sitwasyon natin." Sabi ko sa kanya
"Mahal, kung noon hindi ko na gawang ayusin ang mga naging problema natin ngayon handa na akong ayusin ang lahat para satin.. para sayo Bea dahil mahal kita." Ang tawagin nya akong 'mahal' ay nakakataba ng puso lalo ng sabihin nyang mahal nya pa ako.
***
Tumayo ako sa sofa para sana magpuntang kitchen at saktong pagharap ko nagtama ang labi namin ni Jhake. Oh my god!
"Ah Jess wala naman tayong nakita diba?" Tanong agad ni Ali kay Jess
"Oo Selena wala naman kaming nakita." Sagot ni Jess at agad na hinila sya ni Ali papuntang kitchen
Pagkaalis ni Ali at Jess ay nagsalita agad si Jhake para magpaliwanag.
"Bea, mahal, hindi ko sinasadya yon. Sorry." Feeling ko para na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko
"Hi-hindi. Okay l-lang ako naman ang nagkamali ng kilos. Wag ka ng mag-sorry." Nahihiya kong sabi sa kanya. Ako naman kasi talaga yung tumayo at namali ng kilos.
"Hindi. Kasalanan ko rin kasi lumapit ako ng sobra sayo. Sorry talaga, mahal." Sabi nya
"Okay lang talaga. Parehas naman tayong nagkamali." Sabi ko at agad na naglakad papuntang kitchen.
"EARTH TO SELENA!! SELENA BEANCA GOKONGWEI DEL SOL!" sigaw ni Bri na nagpatigil sakin sa pag-alala ng mga nangyari nung mga nakaraan
"Seb, alam mo kanina ka pa namin kinakausap pero tulaley ka." Sabi naman ni Jess sakin
"Sorry. May naalala lang ako." Sabi ko sa kanila
At Twitter...
Selena DS @sebgokongwei: Day dreamer. Night thinker.
***
Yes! For the first time may kwenta naman ang update ko. Hahaha. Hindi sya masyadong sabaw! Woohoo! Hahaha! Yan ang epekto ng pagkain ng baby back rib, ice cream, crabs at shrimp. Hahaha!
Thankyou sa lahat ng nagbabasa, nagvo-vote at nagco-comment. Napapasaya nyo talaga ko. Hahaha.
xx, vimmy!