Selena Beanca Gokongwei Del Sol
Ahhh! Grabe talaga yung sakit nung ulo ko. Parang hindi ko kakayaning umattend ng awards night mamaya.
Tumayo ako para pumuntang kitchen nandito kasi ako ngayon sa condo ko at ako lang mag-isa dahil mamaya pa daw pupunta dito sila Lev.
Bago ako nakarating ng kitchen eh halos mahimatay na ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Nagtimpla ako ng kape at ininom. Bumalik ako sa kwarto para maligo kasi baka mamaya dumating na sila Lev.
30 minutes ata akong naligo at nagbihis na muna ng simplenh t-shirt at short. Humiga ako sa kama at binalot ko ang sarili ko ng kumot dahil giniginaw ako kahit na kanina ko pa naman pinatay ang aircon.
*i love it when you just don't care
I love it when you dance like there's nobody there~*Nakita kong si Lev ang natawag kaya sinagot ko agad
"Hello Seb medyo matatagalan pa kami sa pagpunta dyan na siraan kasi kami ng sasakyan"
"Okay lang sige basta mag-ingat kayo dyan ah?"
"Yup magiingat kami tsaka kung matagal pa talaga 'to susunod na lang kami sa awards night. Thanks. Bye. Love you"
"Okay. Bye. Love you too" at naputol na ang tawag
Matutulog muna ako dahil medyo maaga pa naman eh tsaka baka mamayang pag gising ko wala na 'tong sakit ng ulo ko.
Natutulog ako ng bigla may kumalampag sa pinto ng condo ko. Pinilit kong tumayo at maglakad papuntang main door ng condo ko. Binuksan ko ang pinto at
"BEA!" sigaw nya dahil napaupo na ako sa sahig sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Binuhat nya ko.
"Ang taas ng lagnat mo! Dadalhin na kita sa ospital!" Natatarantang sabi nya
"Wa-wag na. Wag n-na J-jhake. Ayoko s-sa ospi-t-tal. P-please." Sabi ko sa kanya
"Pero ang taas ng lagnat mo! Kailangan mong madala sa ospital." Nag-aalalang sabi nya habang buhat ako
"Please. Dito na lang ako." Sabi ko sa kanya
Napapayag ko syang dito na lang ako sa condo ko nakahiga ako ngayon dito sa kama ko sa kwarto ko sya naman ay nasa kusina at pinagluluto ako ng soup.
Miya-miya ay pumasok na sya sa kwarto ko dala ang soup na niluto nya para sakin. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at doon ko naalalang awards night nga pala ngayon kaya naka-tuxedo pa sya.
Umupo sya sa kama ko at tinulungan akong umupo. Pinakain nya ako ng soup at pinainom ng gamot.
Lumapit sya sakin at nailang naman ako ngunit patuloy parin sya sa pag lapit one inch na lang ay napapikit na ako at doon ko naramdaman hinalikan nya ako sa noo. Pagkatapos ay tinignan nya ko saking mga mata.
"Mahal na mahal kita, Bea" puno ng sensiridad at pagmamahal na sabi nya sa akin
Tumulo ang luha ko at hindi ko napigilang yakapin sya. "I love you too, Jhake" sabi ko sa kanya habang nakayakap parin
Miya-miya ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Nagtitigan kami ng halos dalawang minuto at unti-unti ng lumalapit ang mukha sakin, ipinikit ko ang akin mga mga mata. Malapit ng maglapat ang aming mga labi.
"SEEEEEEB!" isang malakas na sigaw na nagpamulat sakin.
Tumingin ako sa paligid, wala akong Jhake na nakita doon tanging ang mga kaibigan ko lang ang nandito. Panaginip lang yon?
Dali-dali silang pumunta sakin at niyakap ako.
"MY GOD! Seb, nag worry kami sayo akala namin kung na pano ka na" may halong pag-alala sa tono ng boses ni Jess habang sinasabi sakin yon
"We're glad that you are just here." Sabi naman ni Bri
Maayos na ang pakiramdam ko at wala na kong lagnat. Hindi kagaya kanina na halos mahimatay ako tuwing tatayo ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Haaay. Buti naman at wala na kong sakit.
"Wait. Ngayon yung awards night diba?" Tanong ko sa kanila
"Yup." Sagot ni Ali
"Late na ko. My God!" Natatarantang sabi ko
Hinawakan ako ni Lev sa magkabilang braso at sinabing "Seb, wala na. Tapos na yung awards night. Kaya kalma ka lang okay?"
WHAT?! Tapos na? Eh sinong naging date ni Jhake don? My God! Nakakahiya! Hindi ako naka-attend!
"Oh sige maligo ka muna dun lang kami sa kitchen at kakain" sabi ni Jess at lumabas na sila ng kwarto ko
Tumayo ako at dumiretso sa bathroom. Nag-shower lang ako saglit at agad na nagpalit ng damit sa walk in closet ko. Papalabas na sana ako ng kwarto ko ng may mahagip ang mata ko sa beside table ko.
Cellphone. Yung cellphone ko. Kinuha ko yon at agad na pumuntang kitchen. Umupo ako sa bakanteng upuan. At nagtweet sa Twitter
@sebgokongwei: That was just a dream? But it looked and felt real..
"Seb, nagluto ka ng soup?" Tanong ni Jess
Napatingin ako sa kanya at naalala ko na naman ang sinasabi kong panaginip.