Chapter 3

191 11 1
                                    

Picture

Selena Beanca's

Dalawang linggo na ang nakalipas at sa loob ng dalawang linggong yon hindi ako umuwi sa condo ko dito ako nagstay sa family house namin.

"Are you sure hindi ka magpapasama samin?" Concern na tanong sakin ni Mama

"Hindi na, Ma sasamahan naman ako ni Ali actually on the way na nga sya eh" sagot ko kay Mama habang inaayos ang bag ko

"Oh edi dapat umaalis ka na din at baka maunahan ka pa ni Ali don nakakahiya naman sa kanya anak. Haha" sabi sakin ni Mama

"Sige Ma alis na po ako pasabi na lang din po kay Ate at Papa na umalis na ko." At humalik ako sa pisngi ni Mama

Mabilis naman akong nakarating sa building ng condo ko dahil walang traffic at nadatnan ko na si Ali sa harap ng condo ko.

Binuksan ko yung pinto ng condo ko at sumalubong samin ang picture frame na may picture naming dalawa ni Seb na halata mong masayang-masaya.

Pinuntahan ko yun at kinuha. "Haaay. Ang saya-saya namin dito noh, Ali? Bat kaya kami nauwi sa ganito?" Sabi ko habang hawak ang picture frame at nakatitig sa picture namin ni Seb

"Seb, everything happens for a reason or maybe it's a blessing in disguise." Sabi sakin ni Ali

"It's not the end because every ending must be happy." Dugtong nya pa sa sinabi nya

"Nasa climax pa lang kami ng storya naming dalawa. At hanggang ngayon i'm still hoping saming dalawa. Suyuin nya lang ako ayos na." At ngumiti ako habang nakatingin parin sa picture naming dalawa

"So ano? Simulan na natin ang pag-aayos nitong condo mo? Itapon ang mga di na kailangan. Itago ang mga dapat na tinatago. Iaayos ang mga dapat na inaayos." Sabi ni Ali

Siguro sa kanya simple lang yung sinabi nya pero para sakin dalawa ang meaning non. Kinuha ko ang picture naming dalawa at itinago ko sa drawer ko.

"Darating ang panahon ibabalik kita kung saan ka nakalagay." Sabi ko at tsaka nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ko.

Our Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon