16

112 10 3
                                    

16
Still Json's day

Cean's POV

Bumalik na ako papunta ng cottage. Para bang nawala ako sa mood. Gusto kong malaman ang lagay ni Lloyd.

Nginitian ko si Jason. "Happy Birthday!" Sabi ko at saka kami nagbeso-beso. "Ibigay na natin yung message natin!" Sabi ni mama niya.

"Tita naman, mamayang midnight yon!" Sabi ni Hark. "Please?" Sabi ni tita. Pumayag naman sila.

Una si Hark. "Bro, sorry kung tinakot ka namin. Happy Birthday!" Sabi niya. Grabe. Ang haba ah!

Si andrea naman. "Sorry Kuya Jason! Hehe. Alam kong wala kang tiwala noon kasi science maniac nga lang naman ako, pero whatever. Hindi ko din naman expected yun e. Tinext lang ako ni kuya Hark na pupunta kayo sa bahay at yun. Basta. Alam kong alam mo na yon! PS. Wag mon maliitin si monokuma!"sabi nito atsaka umalis sa harap ko.

Si Jako naman ang sumunod. "Tol. Hihi. Nakakahiya naman to papa." Sabi niya at nagbaklabaklaan. Natawa naman kami. "Ano seryoso. Salamat sa pagiging utol ko kahit medyo nawawalan ka na ng time samin dahil sa isang babae. Basta bro, alalahanin mo, mahal na mahal ka namin. Hindi ka namin iiwan. Kaya sana, ganun ka din samin. More wishes bro, happy birthday!" Sabi niya at saka sila nagyakapan.

Naiiyak na ata si Jj eh. Sumunod si Ian. "Alam mo bro, kahit madalas puro ka kalokohan, yun bang magkkwento ka tapos mauuna yung tawa hanggang sa hindi mo na nakwento yung gusto mong ikwento. Basta. Masaya kang kasama bro. Isang ngiti mo lang, napapangiti na din kami. Oo bro. Mahal ka namin. Sana ganun ka din. Happy Birthday!" Sabi niya at saka nagbrofist sila.

"Ako naman." Panimula ko. "Unang-una, sorry. Para bang pinagtripan ka kasi namin eh. Pangalawa, salamat. Basta. Hindi ko na kasi alam ang gusto kong sabihin bro. Ikaw ang little brother ko, na maasahan, na masaya kasama, nasayo na lahat eh, pwera sa Abs, at kagwapuhan. E sige na nga leche, gwapo ka na. Dibale magkadugo naman tayo. Thank you talaga bro. Mahal na mahal ka namin." Sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

Si mama naman niya ang sumunod ng magkabitiw kami sa yakap. "Anak, hindi ako mabait, pero mabuti ako. Salamat sa pagiging maunawaing anak ko. Alam mo kung paano magpahalaga, kaya pinahahalagaan ka din nila. Salamat kasi naging stress reliever kita. Isang ngiti mo sa umaga, masaya na ako. Oo napakajolly mo, nadadamay mo kami. Mahal na mahal kita anak. Lagi mong tatandaan yan. Happy Birthday. " sabi niya at saka pumunta para yakapin si jason ng mahigpit.

Jason's POV

Lumapit na sa akin si mama pagkatapos ng message niya. Ewan ko ba. Naninikip na dibdib ko eh. Medyo naiiyak na ako.

Nang bumitiw na si mama sa yakap, hinagkan niya ang noo ko atsaka ngumiti.

  Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. "Anna-sa!?" Gulat na pagbigkas ko. Nginitian niya ako. Tatakbo na sana ako para yakapin siya ngunit pinigilan ako nina Jako. "Oops, bawal." Sabi nila.

Hinayaan ko nalang sila. Naiiyak na ako wala pang message eh. Ano ba yan. "Jasonsa." Sabi niya saka ngumiti. Tumulo na ang luha ko. Sa simpleng pagtawag niya sa pangalan ko..napapasaya ako. Buo na ang araw ko. Ang saya saya ko. "Alam mo, planado lahat. Hindi naman ako galit eh," panimulang mensahe niya. "Alam mo ba yung tipo na halos hindi ko na makaya, halos maiyak na ako kasi inaway kita? Yun yon eh. Mahirap. Ikaw nga talaga yung tipong tao na kaya kaming dalhin ng emosyon mo. Na kapag malungkot ka, malulungkot din kami. Lahat ng nangyari, planado. Salamat sa inyo, Andrea. Ikaw na talaga! At sa inyo, Jako, Ian at Lloyd.. uh teka, asan si Lloyd?" Napatigil kaming lahat sa tanong niya.

"Oo nga. Asan siya?" Sabi ko saka ko tinignan yung dalawa. Nagkibit balikat naman sila.

Third Person's POV

"Ah ano, saka na muna yan.. ano.." napatigil si Anna sa pagsasalita kasi biglang nataranta si Lloyd at kinuha ang cellphone ni Cean. "Wait lang.." sabi ni Anna. "Patapusin mo muna ako." Sabi niya ulit pero parang walang narinig si Jj at nanginginig pang idinial ang numero ni Lloyd.

Biglang nainis si Anna kaya nagwalk out ito. 'Wala na! Hindi na tuloy! Sabi niya sa isip niya. Hindi natuloy ang plano niya.

Unattended ang number ni Lloyd. Kabang-kaba naman si Jj. Ano na nga bang nangyari kay Lloyd? Tanong ng lahat sa isipan nila.

Bigla bigla naman bang mawala, diba. Sana walang nangyaring masama.. pagdadasal nila.

-

Sorry sorry sorry for the super duper ultra mega late update! Waaah. So hectic naman kasi ang sched eh. Sorry talaga. Thank you sa pagbabasa, love you readers! :)

Dahil mahal ko kayo talaga, dalawa ang update ko today! ♥

Btw po, HaCe na ba ituh? :">

http://www.wattpad.com/story/17295574?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_writing ♥

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon