U&I: 2
Tumunog na ang bell, hudyat na recess na.
Nagtungo kami sa canteen para bumili ng makakain.
Hays, eto na naman. Bulungan, pero masaya naman kami. Nginitian nalang namin sila. Nagsilapitan sila para magpapicture pero may rule kami na kapag ganito, bigyan kami ng time, kaya yung iba stolen ang ginagawa.Mas lalong gumulo nang dumating ang PARK IV.
Si Kenneth na always smiling nakasmile, malamang, always nga diba.
Si Brian na nakahawak na naman sa iPad niya at nagma-minecraft nanaman. Lagi yan.
Si Norwin na nakahawak din sa iPhone niya, nagma-minecraft din. Pareho sila ni Brian. Nagpapatayan lang yan.
At si Hark na may nakasabit na bag sa likod niya na nandon yung drumsticks niya. As usual, naka simangot nanaman siya. Ikumpara mo kay Kenneth, mukha siyang pinagsakluban ng Mars at Venus. Nakakunot ang noo. Madaming tumili nung iniangat niya ang ulo niya. Hays. Bwiset! Hindi palang siya ngumingiti pero nagsisitilian na sila! Hindi to pwede. Badtrip naman oh. Dapat sa akin lang ang audience!
Humanap kami ng mauupuan at saka nilapag namin ang mga trays naming may lamang kung anu-ano. Iniisip ko kung papaano ako makakakuha ng atensyon ng audience.
Nang makakita ako ng nakatitig sa akin habang nakakagat sa straw ng iniinom niya, nginitian ko siya at kinindatan. "Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!" sigaw niya at tumakbo papalabas ng canteen saka nagsisitalon. Nabigla yung mga tao pero hindi nila alam kung bakit siya nagkaganon.
Nakafocus pa rin sila sa Park IV. Isa pang try.
Hmm, may nakita akong grupo ng mga babae na patayo na sa table nila, hawakang kani-kanilang trays. Nilapitan ko sila. "May I?" sabi ko at inextend ko ang kamay ko para kunin ang trays nila. Natameme naman yung asa harap ko at biglang namula. "SHUCKS! ANG GENTLEMAN TALAGA NI LLOYD!" narinig ko mula sa mga tao.
"A-ah, hindi na po, thanks." sabi nung babae at dali-daling umalis. Tulala pa rin habang naglalakad. Bumalik na ako sa kinauupuan ko at success! Nakuha ko ang atensyon nila!
"Putek, pogi na nga gentleman pa!"
"Oo nga bhe, sana ganyan lahat ng lalaki."
Nakuha ko na nga rin, sa wakas.
Wala namang paking umupo ang PARK IV sa empty na lamesa.
"Bro, tara na." sabi ni Ian. Tapos na kaming kumain.
Tumayo na ako at hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya may nabangga akong babae. Maputi, matangkad, katamtaman ang katawan, maganda ang mata, mapuputlang labi.. shit. Muntik siyang natumba kaya lang nasalo ko siya at malapit na ang mukha namin sa isa't isa.
"KYAH!!" sigaw ng audience at bigla akong napakurap. Nagulat naman siya at itinulak ako. "Pervert!" sigaw niya at padabog na umalis. Ha? Ako? "Buti nga sinalo ka, teh!" rinig kong sigaw ng isang babae mula sa crowd, nginitian ko ito.
What the hell justh happened?
Bumalik na kami sa room.Napadaan kami sa Section Star A which is ang pinakamataas na section sa bawat year level. Ang sections kasi ay, Star A, A, at B. Nakita kong nakaupo yung babaeng tinawag akong pervert sa labas ng classroom nila, which is star A, na nagbabasa. Walang duda. Matalino nga 'to.
Tumuloy na kami sa room, at Filipino na. Si Jako na naman ang bida.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagtatalakay sa Noli, chapter ewan at nakaramdam ako ng sakit sa puson. Senyales na maiihi ako. Shet. Kinuha ko ka agad ang hallway pass at nagpaalam kay Ma'am Danica. NagCR na ako. Pagkalabas ko ng CR, nakita ko ulit yung babae na yun sa corridor. Bakit ba palagi tong nakatambay? Ah alam ko na..
"Uhm miss, okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya at saka ako tumabi sa bench na inuupuan niya. "Oo." Matipid niyang sagot. Bakit hindi pa siya kinikilig?! Si Lloyd Ace Kendall Luis Mark na 'tong nangangamusta sayo oh! Wala ba tong romantic bones?
BINABASA MO ANG
U & I [EDITING....]
Teen FictionYou hated me much, and that, caught my attention. Having you by my side wasn't my intention but only to make you like me, a famous dancer in school, who isn't worthy of your glance. But then, came a snap, and I didn't notice, you became mine, and...