22
Jako
Kasama ko si Ian ngayon. Si Jason kasi gusto daw mapagisa. Si Lloyd naman busy na nambababae.
"So ano na tol? Saan tayo gimik mamaya?" Sabi ko sakanya. Half day daw kasi.
"Tayong dalawa lang tol?" Tanong niya. "Aba malamang! Yung isa senti ang buhay yung isa nakikipaglandian. Ano pa ba?!" Tanong ko. Natawa naman sya. Sinapak pa ako. "Teka tol baka naman kasi gusto mo kong masolo?" Sabi niya at tianapakn ko naman ang paa nito. "Puro ka kalokohan!" Sabi ko at tumawa siya ng tumawa.
Lunch.
Papunta na kami ng Blue River ni Ian, isa tong mall na maliit, as in. Arcades, sinehan at foods lang kasi ang meron dito. Sobrang dami ng malalaro.
"Basketball ah!" Sabi ni Ian. "Oo unahin natin yon!" Sabi ko at naexcite naman siya.
Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na kami sa loob. Dumiretso na kami sa arcade.
"Pre, sorry for the inconvenient service daw." Sabi ni Ian nang subukan naming pumasok. Full na daw kasi. May limit kasi eh. Magaantay pa kami ng trenta minutos nito. Pila pa ito, pila pa.
"Pano tayo ngayon niyan?" Sabi ko. "Pareserve nalang kaya tayo?" Tanong ko ulit. "Si Lloyd ang magaling dito e." Sabi niya.
Napangiti naman ako ng wala sa oras. Lumapit kami sa counter at may babae nga namang di kagandahan na nandito. "Um miss, pwede bang magpareserve?" Nandidiri ako sa mga namumula niyang pimples na may nana pa at ang iba pa ay pumutok kaya may dugo dugo. Sinubukan kong kindatan ito ngunit sa diri ko ay napapikit ako na nakanganga. "Che alis! Bastos!" Sabi niya na talsik pa ang laway na dumapo pa sa lips ko. "Mukha na ngang garapata lasang tae pa!" Bulong ko. "Nakatikim kana pala ng tae, anlasa?" Sabi ni ian. Nakashabu to e. "Lasang ikaw pag nachop chop!" Bulyaw ko.naiinis na kong naglalakad patungo sa kawalan.
"Pre sa foods nalang.." sabi ni Ian habang nandidiri na talaga ako.
Dumiretso siya sa food stations at ako ay sa CR muna. Maghuhugas lang ng mukha. Pagbalik ko ay nahanap ko kaagad siya. Ang daming tao pero nakaorder na agad siya. Napansin ko ring pang apat na tao ang upuan namin.
"Bro bakit pang apat to?" Sabi ko. "Yan lang available e. Kesa naman wala diba." Sabi niya at oo nga naman. Sinimulan ko nang ipalaman ang fries sa burger ko at sinunod ko na ang pag kain. Ramdam ko nang nasa heaven ako nang may nagsalitang mas boses heaven pa sa heaven.
"May nakaupo ba dito?" Tanong ng mestisang babae na napakaganda ng ngiti. Nagslowmo ang paningin ko. Na tila ba naglalaway na ako. "A, wala." Sabi ni Ian na dahil sa pagkatulala ko e nahulog pa sa kamay ko yung kinakain ko. "Pwedeng paupo kami ng kasama ko?" Sabi niya at saka naman ngumiti ulit. Shining shimmering splendid. "Ge." Sagot ni ian na walang gana. Kain lang ng kain. Nasa harap ko si Ian na ang ibig sabihin e sa left at right ko ang available.
"Girl, dito oh!" Sabi niya at saka naman pumunta din ang kasama niya dito. Ang ganda ng ngiti niya. Kumikinang na mga ngiti, kumikinang na labi.. ano ba to.
Natauhan na ko. Wala na yung burger ko!!
May narinig din akong parang natapon nang dumating dito ang kaibigan nung babae. Natapon niya ang soda kay Ian.
Lagot.
--
iiamandreaelaine's note:
Double update for today. Baka di maka-ud tomorrow eh. Sorry naaa! ♥ mga silent readers ko, paramdam naman. Mahal ko kayo :)
BINABASA MO ANG
U & I [EDITING....]
أدب المراهقينYou hated me much, and that, caught my attention. Having you by my side wasn't my intention but only to make you like me, a famous dancer in school, who isn't worthy of your glance. But then, came a snap, and I didn't notice, you became mine, and...