14

190 9 4
                                    

Iba po ang 'POV' sa 'SIDE' guys. Explain ko lang po. Yung POV, mismong isip nila yon. Yung 'Side' yun po yung kapag naka Third person's pov tayo tas lilipat sa ibang character. Yun po yung pagkakaiba nun. Yun lang. Thank you, po! PS. Ihiwalay ko na lang yung sabi kong mahaba hahaha.

14

Third Person's POV

Kasalukuyang nagwawala si Lloyd, char! Deep so deep naman ang mga words! Joke lang.

"Tangina! Manang!" Pag tawag ni Lloyd sa Kumadrona. "Sabi ko sayo. 'Wag kang magugulat sa makikita mo," dali dali nitong sumbat atsaka lumayas.

Pumasok si Lloyd sa loob. Isang kulay rosas na kwarto na puro hello kitty ang laman.  Nasaan ang appliances.. nasaan ang mga gamit nya, nasaan sya?!

Galit na galit na tinungo ni Lloyd ang kwarto niya para makuha ang cellphone niyang bago. Oo bago nga. Binato nya nga yung noon diba? Tsk.

Dali dali nitong idinial ang numero ng mommy nya. "The number you have dialed is now unattended or out of coverage area, please--" hindi na nya ito hinayaang matapos at ibinaba agad.

Tinungo nya naman ang kusina kung saan naparoon si Carmina. "Ate!!" Pagtawag niya dito. Napatingin naman ito. "Po?" Sabi ng dalaga.

"Nasaan si Lyanne?!" Sabi niya.
"Hindi ko alam ser. Kinuha lang po sya kaninang tanghali ng mommy ninyo." Tugon nito. "What?!" Napamura nalang sya sa isip nya.

Nagtungo ito sa kwarto nya para hanapin ang susi ng sasakyan nila. "Yun!" Sabi niya ng makita ito.

Pinihit nya ang doorknob niya ng isang beses ngunit ayaw nitong gumalaw. Inulit ulit nya, ayaw pa din. "Fuck!" Sabi niya at naghanap ng pwedeng daanan. Unti-unting nagdidilim ang kwarto nya kaya't binuksan nya ang ilaw. "PATI BINTANA?!" bulyaw nya.

Now, I'm freaking trapped! Ano bang nagawa ko sa mga magulang ko nang ginaganito nila ako?!

Napasapok na lamang siya sa noo at napaupo. Nagsimula nang dumaloy amg maiinit na likido sa mga mata niya.

Jason's POV.

Umaga na. I wonder where Lloyd went. Nawala bigla. Nahiya naman daw kami at bahay nila 'to. Pero ang nakakapagtaka pa lalo, e, pag gising ko, wala na din si Jako at Ian. Boset.

Nagsisiwalaan na mga tao. Nakakaasar ba. Ano bang meron, iniiwanan nila ako sa ere, e. Tsk.

Umupo na ako mula sa pagkakahiga at tinitigan ang buong kwarto. Ang laki. Two times na to ng room ko e. Pero what ever. Hindi naman kailangan ng malaking kwarto para mabuhay. Aanhin mo pa ang malaking kwarto kung mapayat ka lang? Diba? Di naman ako 5x ni Snorlax para hindi magkasya, e.

Ano na kayang nangyayari sa lahat? Hays. Nakakaasar naman.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad ang dalawa na may hawak na psp.

Cean's POV.

Cean, ako nga. Hindi ako patay, okaaay. Birthday kasi ni Jason. Isu-surprise namin siya. Masyado kasi siyang clingy kapag andiyan ka na hindi ka niya maiiwan kaya ganito ang ginawa namin.

Alam nina Tita pati si Hark. Nakisakay lang siya sa trip ko. Totoo din na nagpakita kami. Hehe.

Kunwari lang na hindi. Langya kasi yun.

Dito na kami sa Shizcoville. Nagpa-cater pa kami para dun. Yung FB post dinelete ko agad. Sakin din galing yung tawag. Pati text.

Ewan ko dun kung natakot na. Sa hotel pa sila natulog. HINDI sila nagbayad, napansin niyo ba? Akala nila libre e. Binayadan ko.

Naghahanda na kami. May 4ft Strawberry-flavoured cake. Ang dami kasi naming ininvite. Mamayang 4-9PM pa kasi to.

Buong school ata ininvite ni tita eh. Ewan ko pano nakatakas to.

"Uy tignan mo na siya a," pangungulit ni Andrea. Planado din yon. Mabuti nalang magaling sa science tong isang to. "Ayoko, duh." Sagot ko. Pinipilit niya akong tignan si Hark na topless eh.

"PAINOSEEENTEEEEE!" Pang aasar niya saka kumanta at umalis. Napailing nalang ako.

"Ay topless!" Napasigaw ako nang may yumakap sa likod ko. Basang-basa. Pagtingin ko si andrea pala. Tawa ng tawa. "Kala mo si Hark no?!" Sabi niya at tumawa na naman saka umalis. Hay, busit!

"Ceaaaan!" Napapraning na ata ako at naiimagine ko na ang topless niyang katawan. "Cee!" Hays. Kaasar. "Hoy!" May naramdaman akong tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Paglingon ko si hark na naka sando ng Black. Puta akala ko ba topless?! "Hindi naman kasi ako nakatopless bat ba naniniwala ka dun?!" Sabi niya at inirapan ko ito.

"Paki mo ba?" Sabi ko at umupo malapit sa gate. "Ayieee, disappointed!" Hinabol niya ako. "Gago!" Sabi ko at saka kami nagtawanan.

Jason's POV

"Bro bangooon!" Tawag nila sa akin. Paano, humiga na naman ako eh. Buset. Nakaupo ako nagmumuni biglang ginulat ako. Nagtago pala. Mga pakingshet. "Mukha niyo." Sabi ko. "Bro, ligo ka na, may pupuntahan tayo," seryosong sabi ni Ian. "Saan?" Sabi nila. "Birthday party." Sagot ni jako. "Ha? Sinong may Birthday?" Tanong ko at umupo na. Tapos nagtinginan sila atsaka tumawa. Tingnan ko naman ang cellphone ko at tinignan ang date.

Ha? Sinong may birthday? Asar! "Sino nga, pre? Seryoso ako." Nagtinginan na naman sila at nagpipigil ng tawa. "Pre nakakalasing ba ang gatas?" Tanong nila sa akin. "Ah? Hindi naman?" Patanong kong sagot. "Ppft. Hahahaha!" Sabi nila atsaka humiga sa dalawa pang kama at naglaro na sa psp nila.

Pano nila nakuha psp nila?

"Pre wag namang ganyan! Creepers oh!" "Gawa naman sa bedrock bahay mo ulol" "correction. Invisible bedrock" "Naman pala" chuchuchuchu. Mga gago to. Nagmaminecraft lang pala. May cheat pa. Ang gago lang ba.

"Uwi na ako sa bahay." Sabi ko at natigil sila sa paglalaro. Sabay silang umangat at sabing, "Bakit?" Daig pa nila si Kaoru at Hikaru sa Ouran High School Host club eh.

"Eh sabi niyo diba may pupuntahan tayo? Maliligo na ako," sagot ko. Ang wirdo naman ng mga to.

"Ah hinde eh kase pre ano." Sabi ni Jako. "Ano?"

"Ano kasi pre damit muna ni lloyd ang gagamitin mo pre," sabi ni Ian at binuksan ang kabinet na nasa tapat namin saka naglapag ng polo at khaki shorts.

"Grabe. Magkasya yan?" Tanong ko sa kanila. Ang payat payat ni Lloyd tapos sa akin iaano. Nakakaloko naman.

Tinulaktulak nila ako sa CR ng kwartong to. Oh bongga. "SIGE NA PRE NANGANGAMOY KA NA." Sabi nila at tuluyan nakong nakapasok. "Mga gago wala akong tuwalya." Sigaw ko sa kanila. Narinig ko naman silang tumawa. "Nasa pinto!" Sigaw nila sa tumawa ulit.

Ang gagago.

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon