1

437 13 4
                                    


U&I: 1

Pagtapak pa lang namin sa gate ng school, nakarinig na kami ng tilian.

"Fudge..."

Napatingin ang mga estudyanteng tila napako sa kanilang mga kinalalagyan, sa amin.

"Bes! Ang pogi ni Lloyd no?!"

"Look! Bes! Nakatingin sakin si Lloyd!!" narinig kong pinag-uusapan nila. Tumingin ako at kinindatan ko sila. "Waah!! Bes!! Kumindat siya, bes!!!!!"

"Shucks bes!! Ako ang kinindatan niya!!"

"Hindi bes! Ako bes!"

"Sakin bes!"

At nagsimula na silang mag away. Inawat sila ng guard at napabuntong hininga na lang kami.

"Nakakainlove silaaaa!" sigaw ng isa pang babae.

"Ang gwapo niyo po talaga forever!!" May sumigaw mula sa 2nd floor.

Ngumiti kami at sumagot naman si Jason. "Oo pogi kami pero walang forever!!!!" Tumawa naman sila.

"Meron, kami ni kuya Jako!" sigaw pa ng isa.

"Naman!" sagot naman niJako at tuloy tuloy pa rin kaming naglalakad. Tumili naman yung babae dahil dun, at umaktong kunwareng nahimatay.

"Basta sakin si Ian!!" Sigaw naman ng psychotic na fan ni Ian, kilala namin siya. Si Ina. Pinapalitan niya ang pangalan niya para malapit sa pangalan ni Ian. Napagbuntong hiningana lang ito.

Tumuloy na kami sa hallway at hindi pa rin tumtigil ang bulungan. Ang hirap maging pogi.

Eto ang tropa ko. Si Christian Visperas. Ang katropang best friend ko. Magaling sa pag gigitara. Magaling ding kumanta. Singkit, maputi, katamtaman ang tangkad. Marami ring nagkakagusto sa kaniya. Sa tropa ko, walang pangit.

Si Jason Jorge Oropilla. Ang nerd. Nerd na matatawag pero hyper yan. Kung sinabing nerd, diba unang papasok sa mga isip niyo e, pangit, madaming pimples at talunan, pwes nagkakamali kayo. Hindi lahat. Si Jason ang pinakamagaling dito sa ENGLISH na words of wisdom. Matangkad rin, actually ako nga ang pinakamatangkad eh, nakasalamin, maganda ang porma, matalino. Lahat kami dito matatalino. Aba mayabang. iba iba kami ng kinagagalingan. Kung si Chistian, sa Science. Si Jason sa english, ako naman, sa Math.

Si Jan Kobe Sanchez naman ang huli. Eto ang magaling sa Filipino, pilipinong tunay. Matalino din siyempre. Matangkad, mapayat, tama lang naman pala, maputi, nakabrace, gwapo. Tulad nga ng sabi ko, walang pangit sa tropa ko.

May kaniya-kaniya kaming pangalan. Ayaw naming tawagin sa Orihinal na pangalan namin. Si Christian si Ian, ChristIAN. Si Jason Jorge, si JJ. Si Jan Kobe, si Jako, at ako.. madaming tawag sakin.

Ako si Lloyd Ace Kendall Luis Mark Santiago. Ang haba ng pangalan ko. Bwiset. Yan yung sinusulat ko palagi sa test papers! Kainis. Tawag nila sa akin minsan, Lloyd, minsan Ace, Kung ano diyan. Pero sa barkada ko, ang gusto ko itawag nila sa akin Ken. Gusto ko lang naman na itawag nila, pero di naman nila ako tinatawag na Ken, BARKADA KO YAN E. Kayo na manghusga kung sino man ako.

MAPEH na namin. At sa PE kami ngayon. Topic naman ni Maam Sheryl ang tungkol sa ibat ibang sayaw. Ako ang class president. As usual. Si Christian ang vice, si kobe ang Secretary, maganda kasi ang sulat, kumapara mo sa amin lalo na kay Jason, at si Jason bilang peace officer. Yan palagi sa amin every year. Nakadepende ito kung saan kami magaling. Pero sila naman ang bumoto eh.

"Ah. Lloyd, may nabuo na bang sayaw ang Hunters?" Ang Hunters, kaming apat iyon. Kagaguhan ni Ian kaya yan ang pangalan namin. Papapalitan ko sana kaso sabi nila dun kami nagsimula kaya ipagpatuloy namin! Leche. "Yes ma'am." Ang sagot ko. "Kindly show it off after class, in room 4AB, Mr. Ponce told me to watch it at baka puro kalokohan na naman iyan." pilit niyang sinasabi ng pormal, pero nagba-blush siya.

Ang Hunters ang sikat na grupo dito sa paaralan namin. Paano, gwapo na kami, magaling pang sumayaw. Isa lang naman ang kakuntiyaba namin eh. Ang banda ng PARK IV. Nasa section B sila. Magaling sila kumanta. Pero wala silang laban kay Ian. Asa sila. Madami lang naman nagkakagusto sa kanila kasi may itsura sila e. Wala naman silang talento.

Si Kenneth Pidlaon. Ang vocalist ng banda nila. Mapayat, nakabraces din, matangkad, gwapo nga. Maputi at medyo singkit. Pareho man sila ni Ian ng ibang katangian, lamang at lalamang pa din si Ian.

Ang lead guitarist naman nila ay si Brian Alfonso. Matatalino tong mga to kaso nagpademote kasi mas masaya daw sa section B. Si Brian ang magaling sa gitara. Pero hindi yan marunong sumayaw. Pustahan pa tayo. Walang laban sa amin yan, katulad ni Jason, isa din yang nerd. Pero tapatan sila, si jason pa din ang lamang. Si Brian matalino. Kaso lang hindi siya nakaeye glasses. Pareho sila ni JJ na mahilig sa gadgets. Pero asa talaga, lamang si Jj yan. Walang mga pakialam sa babae yang mga yan. May LoL na sila. Love of life. Si Jason, si Anna Paula. Maganda, morena, mapupungay ang mga mata. Mabait siya, hindi siya peke. Nagpapakatotoo siya. Kaso, duwag siya. Ayaw niyang may kaaway. Kay Brian, si Kaila Panes. Maputi, maganda, matalino at medyo singkit. Ayan. Matapang yan. Basta, leon na tigre yan. Love of life nila kaso crush lang. Wala pa sa isip nila ang pag boboyfriend at pagkakaroon ng nobya.

Ang Isa pa nilang guitarist ay si Norwin Kuan. Matangkad. Mayaman. At hindi mo maintindihan ang love life. Kumpara mo kay Jako, lamang si Norwin sa gitara. Pero sa babae, si Jako. Mabait kasi si Jako. May instances na mabait din si Norwin pero madali talagang mainis at palamura. Mahilig rin sa gadgets.

At ang huli, ang drummer nila. si Hark Ace Oribello Ragasa. Gwapo siya pero mas gwapo ako. Matalino siya pero mas matalino ako. Ugh. Kainis talaga. Oo na. Siya ang kapantay ko. Kaso ako, mabait. Siya, masungit. Masungit siya sa mga nagkakagusto sa kanya. Malay ko sa kanya. di ko naman siya iniistalkh para malaman ko no. Ano siya. VIP lang? Basta. Lamang pa din ang Hunters.

Kahit may kapantay pa man ako..

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon